Chapter 34

895 30 6
                                    

Happy reading.

___

Elyjha's point of view

Sumilay ang ngiti sa labi ko ng mabasa 'yon. Peke man iyon o sa hindi basta alam kong pinaghirapan na 'yon. Nilapag ko ang notebook niya sa lamesa. May naisip na akong vow kani-kanina lang ngunit wala akong plano na ipaalam sakaniya iyon.

I shifted my look on him. Mahimbing pa rin itong natutulog. I leaned my head closer, pinagmasdan ko lang ang mukha niya.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Dra. Montaño. Napa-isip ako sa kalagayan ni Mat at 'yong sakaniya ngayon. I really need to let go one of them. For Dm's case... I always feel secured. Mahalaga rin siya sa akin at ayaw kong mawala siya...

Ayaw ko ring bitawan si Mat. Tunog madamot naman ata ako 'pag ganoon. Ito na ata ang sinasabi nilang kahit anong talino mo, tanga ka pa rin pagdating sa pagmamahal. Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko kay Dm, at ang pinaniniwalaan kong mahal ko ay tila lumalabo na. Hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko.

By now ang alam lang ni Dm ay may mahal akong iba. Paano kapag nakita ko na si Mat, tapos... Hay! Bahala na, ayaw kong isipin 'yon.

Umiling ako at napabuntong-hininga. "Ang baho ng hininga mo." reklamo nito.

Nanlaki ang mata ko. Nasa ganitong posisyon pa rin pala ako! Dahil sa gulat ay nasampal ko siya, umalingawngaw sa buong sala iyon. Iminulat niya ang mata niya sa gulat at bumangon ng agaran.

Nagtama ang ulo namin dalawa. Napa-daing ako sa sakit at ganoon din siya. Tumayo ako mula sa pagkaupo sa sofa.

"What the fuck. It hurts so much!" pumiyok pa nga siya sa sigaw niya.

I glared at him. Minamasahe ko pa rin ang noo ko. "Sino ba kasi ang nagsabing bumangon ka?" iritadong singhal ko sakaniya.

Tinukod niya ang kamay upang umayos ng upo. "Really? You're the one who dared to slap me!"

Umirap ako. "Eh ikaw kasi ang unang nanggulat!"

Binigyan niya ako ng masamang titig. "Don't try putting your blame on me! Sino ba ang may mabahong hininga sa'tin?" what the heck?

Parang kumulo ang dugo ko dahil sa galit na nararamdaman. "Astig ah? Porket ba naka-braces ako ay mabaho na agad hininga ko?" sarkastikong tanong ko habang nakahalukipkip.

Hindi ito sumagot. Hawak niya pa rin ang pisnge at noo niya. Umirap ako at marahang huminga ng malalim. "Nakahain na ang pagkain sa kusina. Huwag kang attitude, bakulaw." saka tinalikuran siya.

I heard him groan. Ramdam ko ring sumusunod siya sa akin. Umupo ako at ganoon din siya, magkaharap kami ngayon. Nagkatitigan lang kaming dalawa, gulong-gulo pa ang buhok nito. His eyes are still tired and sleepy. Napataas ang kilay ko, seems like he's waiting for me to serve his dinner.

"Kain na." tipid kong sabi sakaniya. Masama ang tingin niya habang kumukuha ng kanin. Hindi ko pinansin 'yon.

Hinintay ko siyang matapos sa kanin saka kumuha rin. Kaunti lang ang nilagay kong kanin, kaya nakita kong kumunot ang noo niya dahil doon.

His lips twisted. "You're on diet?"

Nanliit ang mata ko. He's now serving himself a caldereta. "Tingin mo sa payat kong 'to may gana pa akong mag diet?" pagmamataray ko.

"Tss." tisirin ko mukha mo diyan e.

Pagkatapos niya sa caldereta ay kumuha na rin ako. Tahimik akong kumain kaya hindi na rin siya nag-abalang magsalita. Napansin kong naka-dalawang batch na siya ng kanin. Tinago ko ang lumbay na nararamdaman ko, hinintay ko siyang matapos kumain.

Marrying Mr. Playboy (Completed)Where stories live. Discover now