Chapter 27

888 25 3
                                    

Happy reading.
___

Elyjha's POV

     

              Tulala ako hanggang ngayon. "Bakit nag-paulan ka sa ginta? Sorry, I'm late. Kung sana dumaan ako ng mas maaga ay hindi ka mababasa ng ganito." nagulat naman ako sa sinabi niya.

Umiling ako kaagad. "H-hindi mo naman kailang humingi ng tawad, Jm. Kung tutuusin ikaw pa nga ang naabala ko."

Umasa akong si Dm talaga...

Napatingin ako sa kasalukuyang ginagawa niya. He's driving while reaching the ac switch. Pinatay niya iyon. Alam niya rin siguro kung gaano ako nilalamig. "Nga pala, salamat sa coat mo."

Suot ko ngayon ang uniform coat niya. Napalingon siya sa'kin at ngumiti. "It's nothing. Bakit mo naisipang magpaulan? Akala ko sabay kayong uuwi ni Dm? Everyone knew that you're his tutor and I know that you're also his fiancè."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "H-how did---"

He chuckled. "I'm his bestfriend, baka nakakalimutan mo. He's courting you also right?"

Napayuko ako at naalala ang nangyari kanina. "U-uh y-yeah..."

"Are you feeling awkward? I'm sorry. I didn't mean to be nosy with your relationship." agad naman akong umiling.

"H-huwag na lang muna na'ting pag-usapan 'yon."

The whole ride were quiet. Nagsalita lang ako ng makarating kami sa bahay. "Salamat sa coat mo. Lalabhan ko na lang ito at isasauli sa'yo bukas. Salamat na'rin sa paghatid."

"It's fine, kahit kailan mo nalang isauli 'yan. Madami pa naman ako sa bahay." ngumiti na lang ako ng malumay at lumabas ng sasakyan niya. Ginamit ko ang coat niya bilang kalasag sa ulan. I wave at him. Agad kong kinuha ang susi ng kandado sa gate.

Pumasok ako sa bahay at napabuntong-hininga. Tinignan ko ang oras at pasado alas-siyete na. Mamaya pa ang uwi ni kuya.

Dumiretso ako sa kwarto at nagpasyang maligo. Nagpainit agad ako ng hot choco pagkatapos at nagluto ng hapunan.

Gabi na ng makauwi sa bahay si kuya. Tapos na rin ako sa mga gawaing bahay at mga gawain ko sa paaralan.

Nagising ako ng maaga. Buong araw ay wala akong nakitang Dm sa paningin ko. Even in our class. Mas lalo akong nakaramdam ng malaking pagsisisi sa sarili.

Uwian ng pumunta ako sa silid ni Prof. Reyes, naabutan ko siyang nasa lamesa at abala sa ginagawa niya. Napatingin ito sa'kin ng maramdaman ang presensya ko. Ibinaba niya ang glass niya. She stared at me for a while.

"Are you here for the tutor session?" dahan-dahan naman akong tumango. Narinig ko ang buntong-hininga niya.

"Mr. Luzuriaga, resumed his original class schedule. Nahihirapan daw siyang mag-adjust."

Namilog ang mata ko sa sinabi niya. "P-paano po ang tutor niya?"

"Ms. Perez, will become his tutor. Since magkaklase naman sila sa halos niyang klase." sumobra ba ako sa sinabi ko kahapon?

Alanni Perez is a well-known complete package. Matalino ito, mabait, at maganda. Galing din ito sa isang kilalang pamilya.

Dahan-dahan akong tumango at kinuha ang susi ng silid ni Prof. Reyes. Walang gana kong inilagay sa lamesa niya iyon. Yumuko ako ng kaunti at nagpaalam sakaniya.

Lumipas ang ilang mga araw, kahit anong abala ko sa exams ay pumapasok pa'rin siya sa isip ko.

I feel so lifeless.

Marrying Mr. Playboy (Completed)Where stories live. Discover now