Chapter 14

4.3K 87 2
                                    

(THIS CHAPTER IS STILL UNEDITED)

Elyjha's POV

Pagkadating ko sa bahay ay nakasalubong ko si Kuya na palabas sa pinto.

“Saan ka pupunta kuya?” takang tanong ko. “S-sa g-garden lang” utal na sagot niya saka nilagpasan ako.

Problema nun?

Pumasok na lang ako sa bahay at tumungo na sa kwarto.

*Ring* *ring* *ring*

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Tinignan ko kung sino yung tumawag, Si Marsee lang pala.

“Hello bes?”

(“Bess!”) sagot ng nasa kabilang linya.

“Oh? Ba't ka napatawag?”

(“May pinadala akong dress diyan para pares tayo. Suotin mo na lang pati yung wegde shoes na sinama ko diyan.”)

“Huh? Pero----”

(“Opps! Wala ng pero pero. Bayad mo na lang sa pagtatago mo ng secrets sakin. Pleasee????”)

“Fine fine,”

(“I'll be there in 30 minutes. Susunduin kita.”)

“Anoooo???”

(“On the way na ako kaya magbihis kana”)

*toot*

Mabilis na akong umakyat sa kwarto at nagsimulang magbihis.

______

Nang matapos na akong magbihis ay napalingon lingon ako sa paligid. Asan si Kuya sa garden lang siya ah? Wala naman siyang magagawa duon eh.

*Beep* *beep*

Tunog ng nagbubusinang sasakyan. Si Marsee na ata yun,mabilis akong  lumabas nang bahay habang hawak ang glasses ko. Baka kasi mahulog eh tas ang hirap pa kasi naka wedge ako.

Pagkabukas ko ng gate ay bumungad agad si Marsee. “Eh? Naka-glasses kapa?”

“Oo bakit?” tanong ko.

“Perfect buti na lang dinala ko si Jayla ang make-up artist ko. Tara aayusan ka namin!” magsasalita pa sana ako kaso hinila na niya ako sa loob ng sasakyan niya.

“Hi I'm Jayla Pepper. Sissy na kami ni Marsee and I'm rich din naman pero hobby ko talaga ang pagiging make-up artist.” bati ni Jayla. Isa pala siyang bakla. “Jay Lance Pepper siguro wag kang ano diyan bakla! Porket may lahi kang foreigner.” dagdag ni Marsee saka naman napa-irap si Jayla.

“Ah hello? Ako nga pala si Elyjha Mariz Adillos” nahihiyang bati ko sakanya.“ Taray girl! Parang yaya mo ito ah?” natatawang sabi ni Jayla. Nako nakakagigil kang bakla ka.

“Parang ako pa nga ang yaya dito eh” sabat naman ni Marsee na nasa driver seat.

“Oh sya, Aayusin na kita. Tignan ko lang kung anong magagawa ng power ko,”

“TEKA!” pigil ko.

“Ako nang magmemake-over sa sarili ko” mahina kong sabi. “Labag sa kalooban ko ito na makita niyo ang totoo kong itsura pero dahil yun ang kagustohan ng bespren ko. Okay lang yun, ikaw Jayla can you promise me?”

biglang nagbago ang mukha nila at napalitan ito ng kalungkutan. “Sure”

“Okay, secret na lang muna na'tin ito” pinakawala ko ang malalim na buntong hininga ko saka tinanggal ang fake kong makapal na kilay at yung wig kong magulo na parang totoo. Tinanggal ko ang glasses ko na natural lang kasi wala naman akong problema sa mata.

Marrying Mr. Playboy (Completed)Where stories live. Discover now