Chapter 13

4.3K 80 5
                                    

Please support my Negrense Series!
Thank you.

Happy reading
___

Kalahati sa oras na ang nakalipas. Nakatulog na ang bata sa balikat ni Dm. Ang plano ko ay kapag lumagpas na ng tatlumpong-minuto ay pupunta na kami sa police station.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Nagsimula na akong maglakad-lakad nang makakita ako ng babaeng pamilyar sa'kin. It's Doctora Montaño, one of our neighbors.

Nakikita ko mula dito ang kaniyang mukha na puno ng pagkabahala. She's holding her phone, tinatanong niya isa-isa ang mga tao sa paligid.

Doon ko napagtantong... Hindi kaya may hinahanap din siya? Is it that little boy?

Hindi ako nagdalawang-isip na lapitan siya. She greeted me, kaso halata pa'rin ang pag-alala sa mukha niya, kinwento niya ang buong nangyare. It was her nephew. "uh doc, pwedeng patingin po ng picture? Baka may alam ho ako?"

Pinakita niya iyon sa'kin and to my horror. Siya nga ang nawawalang pamangkin ni Doc!

"Hala doc, siya ang batang kasama namin na nawawala!" dahil dun ay niyakap ako ng mahigpit ni Doc. Montaño. Bumalik ako kina Dm kasama si Doc.

Napatingin sa'min si Dm, gulat ng mukha nito.

Anong nangyare dito?

Dali-daling lumapit si Doc kay Dm at kinuha ang bata. Niyakap naman agad siya ng bata. "I'm so thankful, buti na lang ikaw ang nakakita sakaniya, sweetie!" she said in an exaggerated tone. Her gape stopped at Dm afterwards.

She gasped. "It's you! The man who parked infront of my house!" sabay duro kay Dm. Mas lalong namutla ito ng itinuro siya ni Doc. "What a-are you talking a-about?" utal na tanong ni Dm saka umubo. He arrogantly avoid our gaze.

Nakita kong ngumisi si Doc at bumaling. "So you are the fiancè, huh?" nanlaki mata ko sa sinabi niya. Paano niya nalaman na 'yon?

"What the fuck?" nagkatinginan silang dalawa ni Doc. Ang tagal ng titigan nila. Nagtataka na ako, magkakilala ba silang dalawa?

Bigla namang ngumiti si Doc at bumaling sa'kin. "Just kidding, akala ko magkasintahan kayo. Anyway... So paano? Alis na kami. I really owe the both of you. Hulog kayo ng langit." pagkatapos nun ay nagpaalam na'rin kami sakaniya.

Naglalakad kami ngayon patungo sa sasakyan ng nakaramdam ako ng gutom. Tinignan ko ang oras at lagpas alas-dose na nga. Pinigilan ko siya at hinarap niya ako. "Ano na naman ba?" iritadong tanong niya.

"Hindi ka ba nagugutom?" biglang tanong ko.

Umiba ang ekspresyon ng mukha niya. Tumikhim siya at tila nag-iisip pa. "N-no!"

Ngunit huli na iyon ng tumunog ang tiyan niya. Hindi pala ah?

Aakma pa sana siyang nagsalita nang pinigilan ko siya. "May alam akong masarap na kainan."

Napataas naman ang kilay niya. "Siguraduhin mong masarap 'yan." umirap na lang ako at hinatak siya.

Ngunit hinawi niya 'yon kaya napatingin ako sakaniya. "You said you know a place? Where the hell do you think are we going?" nakakainis talaga 'tong baklang to.

"Ang lapit lang kaya ng pupuntahan na'tin!"

"Fine, fine! Just make-----" hindi ko na siya pinatapos.

"Tara na nga! Ang dami pang satsat." saka hinila siya patungo sa paborito kong kainan dati.

___

Nasa tapat kami ngayon ng isang karinderya. I saw how disgust flashed in his face. "What the fuck? I'm going home!" hinatak ko siya pabalik.

"Alam mo nakaka-tomboy ka rin e noh? Ang dami mo na ngang satsat, ang dami mo pang arte."

Marrying Mr. Playboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon