Chapter 33

884 30 5
                                    

Happy reading.
___

Elyjha's point of view 

We decided to push through a simple and classy wedding with green and champagne motif. Hindi naman totoong pangkasalan ito e. Mayroon lamang dalawang linggo ang event organizer para dito. Sa Lunes daw ay sasamahan kami ni Ate Sydney para maghanap ng singsing.

Magkatabi na kami ngayon ni Dm sa hapag. We both know that we're not totally fine, awkward nga kung iisipin.

The dinner successfully ended up. Nagpaalam na kami ni kuya na mauna. Tumayo si Dm para lapitan ako.

“Tawagan mo ako kapag nasa bahay kana? I want us to talk.” sabay pisil sa ilong ko.

I stared for a while at him. Gusto ko sanang kiligin kaso naalala ko, nagpapanggap lang palang kami.

Teka anong sasabihin ko? Ah bahala na nga!

“Hmp.” I acted cutely. Tangina sa kaloob-looban ko nandidiri na ako.

Nakita kong ang bakas na gulat mukha niya. Sarap mong sabunutan ah?

I heard him groan when he realized that I'm acting too. “I'm sorry, alright?” aniya sa malambing na boses.

Narinig kong tumikhim si Kuya. “Ang arte niyong dalawa, magkikita naman kayo sa lunes ah?” asar nito.

“She's pabebe.” natatawang sagot ni Dm na ikinainis ko.

I just smiled at him sweetly with my death glare on it. Wala na'rin akong maisagot kaya buti na lang nagpaalam ulit si kuya at kinuha na ako kay Dm.

Nakakagaan sa damdamin, kaunti lang naman daw kasi ang imbitado.

We'll get to see Ate Sydney's husband. Imbitado din ang dalawa kong kaibigan at iyong five charms. Kaunti lang naman kami pero alam niyo ayaw ng mommy ni Dm ang karaniwang kasal-kasalan lang.

We safetly reached our house, tumungo na ako sa kwarto upang magbihis. After I changed my clothes, I hurriedly jump on my bed while holding a phone.

Umilaw ito at tumunog. It's from my message notification. Tumungo ako sa messages at tinignan kung sino ang nagtext. It's from Dm.

‘Nice acting. Goodnyt.’

Hindi ko na ni-replyan. I don't want to  text him.

Linggo at nandito ang dalawang sa bahay. Susukatan kaming tatlo. Hindi tumitigil sa pagtili si Jayla at Marsee. Inaasar pa nga ako. Buti na lang at may trabaho si Kuya.

“Excited na talaga ako, besh! You know I did everything to lie on them.” tukoy ni Marsee sa magulang niya.

Napailing-iling na lang ako. Mukhang mas excited pa silang dalawa sa akin. Ilang sandali ay dumating na rin ang magsusukat sa amin. Buti na nga lang at kami ang inuna ng designer.

“Buti na lang talaga at VIP ang mommy ni Dm.” bulong sa'kin ni Jayla. Hindi na lang ako nagsalita.

Tatlong taga-sukat ang ipinadala dito. Isa-isa kaming sinukat. Pinapili na rin ako ng design, I chose the simplest design. Ayaw ko ng madaming arte, saka na kapag ikakasal ako sa tamang lalaki. Talaga lang ha? Tamang lalaki talaga ah?

Bigla kong naalala si Mat, wala naman sigurong masama kung maghintay ako sakaniya diba? Pero bakit ganun parang nakokonsensya ako na hindi ko alam kung bakit?

I set aside those unwanted thoughts. Ang iisipin ko ngayon ay para ito lahat kay lolo.

Alas onse ng matapos kaming lahat. Umuwi na rin ang nagsukat sa amin. We decided to go and eat on a restaurant.

Marrying Mr. Playboy (Completed)Where stories live. Discover now