Chapter 46

800 24 1
                                    

Happy reading.

___

Elyjha's point of view 

“Tulala ka na naman, miss.” natauhan ako sa sinabi ni Mina.

Ngumiti ako at umiling. Nawala sa isip ko ang nangyari kanina. Pinagpatuloy ko ng pagsabon kay Lemon. Tinutulungan ko siya sa pagligo ng mga aso. Gusto ko rin kasing matuto kung paano mag-alaga ng aso. Wala pa rin sa isip ko ang umampon ng aso, saka na siguro kapag makaluwag-luwag na ako.

“May naalala lang naman,” sabat ko.

“Sino po? Si Sir Jm?” nakangising asar niya sa'kin saka kinalabit ako gamit ang siko niya.

Minsan din kasi naparito si Jm. Hindi ko na sinama ngayon at mukhang may sarili ding gawi iyon ngayon.

Umirap ako saka tumawa. “Huwag mo nga akong inaasar dito, Mina. Alam kong ikaw ang may gusto don.”

“Nako Miss! Crush lang naman, saka mas bagay kayo noh!”

Tumuwa nalang ako at hindi na nagsalita. Pinagpatuloy ko ang pagsabon sakaniya.

“Bakit nga wala siya dito, miss?”

Nagkibit-balikat ako habang abala pa'rin ang kamay ko sa sa pagsabon. “May trabaho kasi siya.”

He's a businessman for pete's sake. Ayaw ko munang gambalahin iyon.

“Namimiss mo na siya noh?”

Napahinto ako sa ginagawa ko. Napameywang ako at taas-kilay siyang hinarap. “Oh baka ikaw nakamiss sakaniya? Huwag ako, Mina.”

Napahalakhak siya. “Hmmm, medyo po.”

“Huwag ka don, dedicated 'yon sa trabaho,” I joked.

Binigyan niya ako ng malisyosang ngiti. “Pinagbabawalan mo yata ako kasi sa'yo na! Hmmm.”

“Ewan ko sa'yo. Bakit mo ba ako inaasar don?”

Ngumisi siya. “Bagay nga kayo, miss.”

“I'm already taken by Sehun, Mina.” I seriously said but still sounded like a  joke.

Napahalakhak siya sa pagiging ilusyunada ko. Naputol na lang iyon dahil sa isang baritonong boses na sumulpot sa likuran na'min.

“The dogs are shivering with cold,” It was Dm.

His voice also sent me to shivers! Mukhang hindi lang aso ang giniginawan dahil mukhang nabuhusan nga ako ng tubig ng magsalita ito. Pumasok sa isip ko ang nangyari kanina. Nanatili akong tahimik kanina. Humingi ako ng pasensya at nagpaalam na lang.

I still don't have any idea why he is still here. Siguro ay napahaba ang pag-uusap nila ni Manager, pero ngayon ay hindi ko talaga inaakalang susulpot siya ng ganito dito.

“O-oh, sorry!” I gasped. Binilisan ko ang pagsabon.

Siniko naman ako ni Mina. Ramdam ko rin ang pagkataranta niya pagkatapos niyang lingunin ito. Sinipat ko siya ng masamang tingin. I mouthed her to continue what we are really doing.

Pagkatapos ng ilang minuto ay katahimikan ang namuo sa amin. Sinubukan kong lumingon sa likuran ko at mukhang umalis na ito ngunit, laking gulat ko ay nakasandal siya sa pader. Nakahalukipkip ito at pinagmasdan lang kami. Baka kanina pa 'to dito?

Umiwas ako ng tingin. I cleared my throat and just acted like I accidentally passed my gaze at him which is I did so very intentional.

Hindi ko hinintay ang kahit ekspresyon sa mukha niya. Binalik ko ang tingin sa ginagawa. Kinuha ko ang  hose at napansin na walang lumalabas na tubig doon. Napabuntong-hininga ako at agad na hinanap ng mata ko kung saan iyon nakakabit.

Marrying Mr. Playboy (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя