Chapter 12

4.6K 87 12
                                    

Elyjha's POV

Alas-siyete nung magising ako dahil sa ingay ng alarm ko. Peter texted me last night, susunduin niya daw ako ng mga alas nuwebe ng umaga. Hindi naman ako umaabot ng isang oras tuwing mag-aayos kaya wala lang sa'kin ang magising ng tanghali.

Tumungo ako sa banyo at nagsipilyo. I brush my hair and went out of my room. Napagpasyahan ko na magluto habang tulog pa si Kuya, I know he's kinda tired. Pambawi na rin ito dahil sa nagawa kong pagsinungaling sakaniya.

Inisa-isa ko ang mga sangkap doon sa kusina. Hmm ano kaya ang magandang lutuin?

Eventually, I ended up cooking fish tinola. I took out the fish inside the fridge and clean it with salt, gusto ko kasing mawala yung lansa. I chopped all the needed ingredients including the fish.

Habang naghihintay na maluto ito ay may narinig akong yapak ng mga paa. Hindi na ako nag-abalang lumingon, si Kuya lang naman iyon. "Ano 'yang niluluto mo, sis?" rinig kong tanong niya, he's in his morning voice today.

Napalingon ako sakaniya, magulo ang buhok nito. Humikab ito at lumapit sa'kin. "Baka lason." sagot ko.

I look at me in disbelief. Umiling ito at binuksan ang takip ng kaldero inamoy niya iyon. "It's Fish Tinola, alright." sabay balik ng takip ng kaldero.

"Doon lang ako sa labas, magdidilig lang sa mga halaman. May pupuntahan ka?" day-off niya ngayon.

I nodded. "Yes po, may pag-uusapan kami ni Peter." he just shrugged, nilagpasan niya lang ako.

Tinignan ko ang niluluto ko at tinikman kung luto naba o ano. When I got satisfied with my tinola, kumuha na ako ng bowl para ilagay doon. Nang matapos kong ihanda ang lamesa ay tinawag ko na si Kuya.

"Saan kayo pupunta?" inangat ko ang ulo ko sakaniya habang siya ay abala sa pagkain.

Binalik ko ang tingin sa aking pagkain. "Star city daw, yung palagi naming pinupuntahan. Bakit?"

"Masyado na kayong malaki para diyan, come on." umirap na lang ako habang siya nagpipigil ng ngiti.

Anong nakakatawa?

"By the way, goodluck. Have fun hanging around in the zoo." zoo? Anong pinagsasabi nito?

Napa-iling-iling nalang ako at hindi pinansin iyon, pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto para magligo at mag-ayos.

Alas otso y media palang ay tapos na akong magbihis. I'm wearing my usual jumper outfit. Iyon kasi ang nakasanayan ko, though mahirap siya kapag umiihi ako.

Lumabas ako sa kuwarto at tumungo sa sala. Nadatnan ko si Kuya na nanunuod ng pelikula. Napatingim siya sa'kin, at ibinalik ang tingin sa screen na parang wala lang.

"Aalis kana? Akala ko alas nuwebe pa?" tanong niya habang nakatingin pa'rin sa screen ng tv.

Umupo ako sa sofa na inuupuan niya. Napatingin ako sa pinapanood niya, he's watching netflix' busted season two. Kailan pa ito nanunuod ng korean investigative series? Sa pagkakaalam ko ako lang ang mahilig manuod ng asian movies dito.

"Bumaba lang ako, dito ko nalang siya hihintayin." sagot ko saka nakinuod din sakaniya.

"I like that guy's aura. Sino 'yan?" kumunot ang noo ko sa pinagsasabi niya. He's still looking at the screen at mukhang yung nasa tv ang tinutukoy niya.

Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya diyan kasi anim sila na nag-uusap. "Yung alin?"

Nginuso niya ang screen dahilan na nanliit ang mata ko. "Yung maputi at bata ang mukha----" nung lumabas ang mukha ni Sehun sa tv ay agad niyang tinuro iyon. "Ayan!" napabuntong-hininga ako.

Marrying Mr. Playboy (Completed)Where stories live. Discover now