Prologue

7.4K 409 35
                                    

Parang Christmas lights ang ilaw ng mga sasakyan sa Makati

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Parang Christmas lights ang ilaw ng mga sasakyan sa Makati. Nagniningning sa gabi ang puti, dilaw at pulang mga headlights na parang mga bituin sa lupa. Mula pa lamang sa Paseo de Roxas ay parang prusisyon na ang mga sasakyan patungo ng EDSA, sumasalubong sa mga naglalabasan mula sa Buendia Avenue at Guadalupe Bridge. Tunog ng mga busina nama'y parang mga turotot ng Bagong Taon. At bakit hindi? Tutal ay kabuwanan na naman ng Pasko. Unang linggo ng Disyembre at dahilan na rin ng trapik ay ang maagang mga nagsisipag-shopping sa Greenbelt, Glorietta, Landmark at SM Makati.

Sa Ayala Avenue, ang mga poste ng ilaw sa gitnang island ay napupuluputan ng tutoong mga Christmas lights, maganda't maliwanag. Isang magara, mamahalin at heavily-tinted na kotseng Chrysler 300C ang makikitang bumabaybay dito. Maneho ng unipormadong driver, ang kanyang sakay sa likuran ay isang 50-something na lalaki na naka-Amerikana. Si Don Carlos Villaromano ay isang mayamang negosyante. Maputi, matangos ang ilong at may lahing Español. Puti na ang buhok niya sa tagiliran na lalo lamang nagpa-regal sa kanya. Makalampas ang maliwanag na window display ng Rustan's ay tumawid ang Chrysler ng EDSA papunta ng McKinley Road tungo sa gate ng village ng mga sobrang yayaman.

Tahimik sa loob ng Forbes Park, may sense ng kalayaan sa sinusumpaang traffic sa labas. Pumasok ang itim na Chrysler sa pa-arkong driveway ng isang mansion—isang modernong American-style na two-storeys with basement. Malaki ang lupang kinatitirikan nito, malawak ang front lawn na bermuda grass, at tulad ng ilang mga bahay sa village ay hindi ito nababakuran. Huminto ang kotse sa front door at bumaba si Don Carlos.

Ang unang sasalubong pagpasok mo ng mansion ay isang magarang entrance hall na may chandelier. Sa gitna ay ang spiral staircase paakyat ng second floor. Sa kanang bahagi ay papunta ng malawak na living area na may bar at daan patungo sa swimming pool habang sa kaliwa nama'y ang dining room at kitchen.

Inabutan ni Don Carlos ang kanyang asawa, ang Doña, na katulong ang tatlong mga maids na nilalagyan ng mga dekorasyon ang higanteng Christmas tree na nasa paanan ng staircase. Sa laki ng Christmas tree ay abot na ito hanggang sa second floor ng stairwell.

"Carlos, you're just in time for dinner," sabi ng Doña at bumeso sa asawa. Mas bata lamang ng ilang taon ang Doña na halatang may lahi rin, maganda at may postura.

"Let's eat. Gutom na ako," sabi ng Don at nagtungo sila dining room kung saan nakahanda na ang kanilang hapunan. Habang naupo ang Don sa kabisera ng dining table ay kanyang tinanong, "Si Miguel?"

Malungkot na umiling ang Doña. Alam na ng Don ang ibig sabihin noon. Bagay na bumabagabag sa kanilang mag-asawa. Ito'y dahil ang 18-year old nilang anak na lalaki na nagngangalang Miguel ay for the past months, tila nagbago ng pag-uugali. Dati rati'y masayahin, magalang at mabait, ngayo'y naging aloof, iritable, gumaspang ang bibig at naging palamura. Ilang beses na nilang narinig itong nagsabi ng fuck you at kung anu-ano pang masasakit na pananalita habang sila'y nakatalikod. Hindi na rin sumasabay si Miguel sa kanila sa pagkain o sa anumang lakad hindi tulad ng dati. Kung wala siya sa kanyang kuwarto na nagkukulong ay buong araw siyang nasa labas kasama ang mga barkada na anila'y mukhang mga troublemakers.

Ang isa pang napansin nila kay Miguel...

...ay hindi na rin ito nagsisimba.

Matapos nilang kumain ay umakyat na ang Don at Doña ng second floor tungo sa Master's bedroom. Nadaanan nila ang kuwarto ni Miguel at sila'y napahinto. Gustong kumatok ng Don, nguni't nag-hesitate siya. Last time na ginawa niya ito'y nauwi lamang sa sagutan nilang mag-ama, kung kaya't pumasok na lamang silang mag-asawa sa kanilang kuwarto para matulog.

Kalaliman ng gabi. Nagising ang mag-asawa sa malakas na tugtog ng stereo na galing sa kuwarto ni Miguel. Napabangon sila at binuksan ang ilaw ng kanilang kuwarto. Paglabas nila ng hallway ay napatakip sila ng mga tenga sa bumabayong heavy metal music. Ang mga kasambahay nila'y mga nagising na rin sa ibaba.

"This is too much!" naghihimutok na sabi ng Don at nagmartsa tungo sa kuwarto ni Miguel.

"Carlos!" pagpigil ng Doña nguni't nakahakbang na ang asawa.

Tumayo ang Don sa labas ng kuwarto ni Miguel at hinampas ang kamao sa pintuan. "Miguel!" kanyang sigaw. "Turn that goddamn music off!"

Pero patuloy pa rin ang malakas na heavy metal music.

"Miguel!" ulit ng Don at kanyang niyuyuga ang doorknob. "Open this door!"

Nguni't hindi siya pinagbuksan. Namumula na sa galit ang Don at nagmamadali siyang bumalik sa Master's Bedroom, dinaanan lamang ang asawa na wala namang magawa para awatin siya. Pagbalik ng Don ay dala na niya ang spare key ng kuwarto ni Miguel. Nagpa- duplicate sila na hindi alam ng anak sa dahilang natatakot sila na baka mag-suicide ito. Habang alalang nakatingin ang Doña, ay ipinasok ng Don ang susi sa doorknob at itinulak ng bukas ang pinto.

At sila'y kinilabutan sa nakita.

Ang Doña ay kamuntikan nang himatayin.

Sa loob ng kuwarto, naroon si Miguel.

At siya'y gumagapang sa kisame na parang gagamba.

"M...my God!" nanlalaking mga matang bulalas ng Don.

Biglang tumingin sa kanila si Miguel. Nakakakilabot ang hitsura nito. Wala ang mga itim ng kanyang mga mata at ang bibig niya'y naglalaway.

At siya'y umungol nang pagkalakas-lakas na nayanig ang buong kuwarto.

Sa kanyang bibig...

...narinig nila ang boses ng dimonyo.


NEXT CHAPTER: "Premiere Night"


Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon