INTERMISSION

3.7K 266 6
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Dumating na naman tayo sa kalagitnaan ng ating nobela. Nasa edge-of-your seat na ba kayo? Exciting ba so far? Sana'y nag-eenjoy kayo at sana'y ipagpatuloy n'yo pa ang pagsubaybay sa pakikipagsapalaran nina Father Markus, Jules, Hannah at mga bago nilang kasama.

By this time, may mga revelations na na lumabas sa storya. Nguni't, hindi pa rin diyan nagtatapos ang mga twists—pagka't may ilan pa na lalabas na tiyak na hahamon sa inyong mga expectations. Kaya't abangan ang next chapters ng nobelang ito.

Kunin ko lang ang pagkakataon para bigyang daan ang bago kong nobela na ilalabas:

"Ang Pera"

Ito'y isang urban drama na may elemento ng comedy at aksyon. Istorya ng 11-year old na si Boyet na tubong squatter's area na madalas makapulot ng barya sa kalsada at kung saan-saan pa, nagsisilbi ding libangan niya ito para makawala sa pagmamalupit ng kanyang ama at mga nakatatandang kapatid. Magbabago ang buhay ni Boyet nang madidiskubre niya ang isang bag na naglalaman ng maraming pera, at sa tulong ng kaibigan niyang si Lolo Ando, isang recluse na matanda ay kanilang pagdedesisyunan kung anong gagawin sa pera, habang ang sindikato na nagmamay-ari nito'y mainit na sa paghahanap sa kanila.

Kung mahilig kayo sa istorya na nakakaantig at may kirot sa puso, ay marahil magustuhan ninyo ang nobelang ito. Maiiyak. Matatawa. At mahirap makalimutan. Ito ang nobelang "Ang Pera."

Ngayon, sa pagbabalik ng Ang Dalawang Anino ni Satanas...

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon