Chapter 10: Ang Don

4.5K 300 10
                                    

Ang buong pangalan niya'y Don Carlos Augusto Villaromano mula sa mayamang angkan ng mga Kastiloy na ang mga ninuno'y mga prominenteng mamamayan noong sinauna pa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang buong pangalan niya'y Don Carlos Augusto Villaromano mula sa mayamang angkan ng mga Kastiloy na ang mga ninuno'y mga prominenteng mamamayan noong sinauna pa. Isang negosyante, partikular sa shipping, at nagmamay-ari ng ilang real estate dito at sa ibang bansa, si Don Carlos ay may net worth na nasa 9 figures.

Isang workaholic. Si Don Carlos ang CEO ng kanyang kumpanya, at miyembro ng ilang boards ng mga partner companies. Kung karamihan sa ka-level niyang negosyante ay mahilig maglaro ng golf at magbakasyon, siya ay walang panahon para sa leisure. Ang usual routine niya ay bahay-opisina and vice versa, with occassional coffee breaks and luncheons. Ang business office niya ay nasa bagong tayong building sa may Legaspi Village malapit sa Dela Rosa Street at Paseo de Roxas sa Makati kung saan tinatanghal ang kanyang mga business meetings. Para sa "personal meetings" naman tulad ng kina Jules, Hannah, Father Markus at Andy, ito'y ginagawa niya sa labas. Kung kaya't laking gulat ng Don nang biglang magpakita sa kanyang opisina si Andy Madrid.

"Sir, may naghahanap sa inyo. Isang Mr. Andy Madrid," sabi ng kanyang sekretarya sa intercom.

"Sino?" paninigurado ng Don.

"Andy Madrid, sir, private investigator daw," dagdag ng sekretarya.

Na siya'y pinuntahan sa kanyang opisina na salungat sa usapan nila, at nagpakilala pang isang private investigator, ay ganoon na lang ang pagkainis ni Don Carlos.

"Sir, anong sasabihin..."

"Okay, papasukin mo," mabilis na sabi ng Don.

Sa reception area, pinagmamasdan ni Andy ang maganda at modernong interior ng office na nasa ika-24th floor ng gusali. Namangha siya sa bilis ng elevator na sinakyan niya paakyat at sa biometric scanner ng entrance door na gamit ng mga empleyado. Aniya, malayo ito sa nabubulok na building kung saan siya nagrerenta ng opisina malapit sa may Roxas Boulevard.

Naka-hang sa wall ang mga litrato ng mga shipping vessels na kanyang hinahangaan nang lumapit sa kanya ang receptionist.

"Sir, follow me po," aniya ng babae.

Suot ni Andy ang kanyang leather jacket na hindi na niya hinubad pagka't sobrang lamig ng aircon sa loob. Sa wall clock, ang oras ay magaalas-dose na ng tanghali. May ilang empleyado ang naghahanda nang bumaba para mag-lunch break. Ilan ay nilalabas ang mga baon nila para pumunta sa pantry. Sinundan ni Andy ang receptionist sa mahabang hallway, sa mga hilera ng mga office cubicles tungo sa dulo kung saan naroon ang kuwarto na may nameplate na CEO.

"Dito po, sir," turo ng receptionist.

"Thank you," ngiti ni Andy.

Pagpasok ni Andy sa kuwarto ay may maliit pang waiting area kung saan naroon ang personal secretary naman ni Don Carlos.

"Pasok na po kayo, sir," turo ng secretary sa pintuan.

Pagpasok ni Andy ay tumumbad sa kanya si Don Carlos na agad sinara ang pintuan.

"I told you not to go here," mahina nguni't matigas na sabi ng Don habang bumalik sa kanyang oakwood office table. Inis man siya'y all business pa rin. "Okay, have a seat," aniya kay Andy.

Naupo si Andy sa katapat na upuan.

"I hope you have news for me," sabi ng Don.

Binunot ni Andy ang maliit na Manila envelope sa kanyang jacket at inilabas ang mga nilalaman nito—mga litrato ng mga bahay at gusali—ang resulta ng kanyang ginawang surveillance sa grupong Satanista na kasapi si Miguel. Sila na may sariling simbolo.

"Ito ang mga lugar ng pinupuntahan nila," ulat ni Andy.

Sa mga litrato, naka-park ang itim na van sa tapat ng isang bungalow. Sa isa nama'y sa isang condo building. May litrato ni Miguel na bumababa at sumasakay ng van, at pumapasok sa mga nabanggit na mga lugar kasamang kanyang grupo. Nguni't tila hindi satisfied ang Don sa detective work ni Andy.

"Is this it?" ani ng Don. "A bunch of pictures? How about 'yung isa ko pang pinagagawa sa iyo? Na-locate mo ba siya?"

Hindi agad sumagot si Andy. Gusto niyang sukatin ang pasensya ng kanyang kliyente.

"I mean, I'm paying you more than you should be getting," diin ng Don. "Pero, kung ito lang ang maipapakita mo sa akin..."

"May isa pang hideout ang gang na ito," sabi ni Andy. "Pero, dito hindi nila sinasama si Miguel."

Initsa ni Andy ang litrato ng isang warehouse sa harap ng Don.

"This warehouse? You think he's here?" tanong ng Don, hawak nang mahigpit ang litrato. "Nakita mo siya mismo? My God, we have to be sure! Saan ito?"

"Sa may Bulacan, at pagsinabi kong nand'yan—nand'yan," si Andy naman ang nagmatigas ng boses. "At sinasabi ko na ngayon, kailangan n'yo na ng tulong ng mga pulis para pasukin ang warehouse na 'yan. Crackdown. Buybust. Malaman kung anumang mga activities ang nangyayari sa loob."

Agad na tutol si Don Carlos sa ideyang iyon. Kung involved ang kanyang anak, ayaw niya ng publicity. Ng scandal.

"I don't want my name in the papers," sabi ng Don, at saglit na napaisip at tinuro si Andy. "You can do it. I mean may baril ka naman 'di ba? Dati kang pulis, right? I'm sure may kilala kang mga tao."

Napaisip si Andy. May tao na siya in mind na maari niyang hatakin para pasukin ang warehouse.

"You can handle these...these people," sabi ng Don. "I'll give you extra if you think na may risk involved. How about another P200 thousand?"

Napaayos ng upo si Andy. P200 thousand. Easy money.

"S-sure," tango niya.

"And may I remind you," matigas na sabi ng Don. "Don't ever go here again. Not in my office."

Ibinalik ng Don ang mga litrato kay Andy dahil ayaw niya ng ebidensya sa kanyang possession. At ukol sa karagdagang P200k, ibibigay niya ang cheke once na ma-fulfill ni Andy ang trabaho niya. Nagpaalam na umalis amg private investigator. Maya-maya'y nag-ring ang cellphone ni Don Carlos.

Sa kabilang linya, humihingal ang Doña at dinig ang takot sa boses nito.

"What is it?" tanong ng Don.

"Carlos...s-siMiguel..."


NEXT CHAPTER: "Merry Satanic Christmas, Joe Mari"

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon