Chapter 33: Hypnotism

4K 297 30
                                    

Dinig ni Andy ang mga sigawan sa basement habang nakaupo sa bar sa living room

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dinig ni Andy ang mga sigawan sa basement habang nakaupo sa bar sa living room. Dinig niya'ng boses nina Father Markus, Jules, Hannah, Don Carlos at ng Doña habang isinasagawa ng mga ito ang exorcism ni Miguel.

Dinig rin niya ang boses ng dimonyo.

Sa kanyang larangan ng trabaho, marami na ring nakita at naranasan si Andy pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa paranormal o supernatural—dalawang bagay na hindi nalalayo sa isa't isa at madalas pa ngang nag-i-interconnect. Paranormal na may kinalaman sa mga multo, aswang, psychic abilities, aliens at mga kataka-takang mga pangyayari na hindi agarang maipaliwanag ng siyensiya. Supernatural nama'y may kinalaman sa relihiyon—sa diyos, anghel, dimonyo, kaluluwa at mga pangyayari tulad ng himala o visions. Sa nawi-witness ngayon ni Andy, mayroon siya pareho.

"Focus lang, Andy," aniya sa sarili. "May eksplanasyon ang lahat ng ito."

Bagama't isang skeptic at agnostic, sa mga nagdaang araw sa piling nina Father Markus, Jules, at Hannah, may mga nasaksihan siya na siya mismo'y nagdadalawang-isip kung tutoo nga. Ngayon ba'y handa na siyang maniwala?

Tumagay si Andy ng Johnnie Walker Blue. Nakakarami na siya. Pero hindi siya tinatamaan. Malakas ang tolerance niya pagdating sa alak. Kapag nakainom ay mas lumalakas pa nga ang kanyang mga senses, ang kanyang paningin at pandinig. Kahit na nangako na siyang lulubayan ang bote pagka't iyon ang naging ugat ng kanilang hilwalayan ng mag-asawa. Ang dahilan kung kaya't napapalayo na sa kanya ang anak niyang si Pauline.

Pero kung wala ang alak ay paano niya lulunirin ang mga sama ng loob? Ang hinanakit. Paano niya sila malalampasan? Naalala niya ang sinabi ni Father Markus na siya'y may kakaibang destiny. Ito na ba iyon?

Magaalas-singko na ng hapon at siya'y nakaramdam ng gutom. May pagkain sa kusina tulad ng sinabi ni Don Carlos kung kaya't doon siya nagpunta. Naroon ang mga nininiyerbiyos na mga kasambahay—ang mayordoma, maid, at driver. Magkakasamang nakikiramdam din sa mga kaganapan sa ibaba.

"Ano bang makakain dito?" tanong ni Andy.

"M...may pasta po at lechon," sabi ng maid, at nilagyan ang private investigator ng mga ito sa plato. Maraming pagkain sa kusina, nguni't tila walang ganang kumain ang mga tao.

Nagpasalamat si Andy at dinala ang plato sa bar para doon kumain. Maya-maya'y nagsiakyatan sina Father Markus, Jules, Hannah, at ang magasawang Villaromano. Isang tingin pa lamang niya'y alam na niyang hindi uli maganda ang itinakbo ng exorcism.

"You told us it would work! You promised!" sabi ni Don Carlos.

"I'm sorry, Don Carlos," paumanhi ni Jules. "Nagkamali ako."

"Anong nangyari?" tanong ni Andy.

Ikinuwento nila sa P.I. na kontra sa inakala nila, kahit tulog pala si Miguel ay nakakalipat pa rin sa kanya si Satanas, at kung hindi pa nailigtas ni Hannah ang binata sa pamamagitan ng pag-guide niya sa subconscious nito ay tuluyan na itong hindi nagising, na ito'y na-coma na.

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon