Chapter 11: Merry Satanic Christmas, Joe Mari

4.7K 339 82
                                    

Malamig ang simoy ng hangin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malamig ang simoy ng hangin. Kapaskuhan at maririnig ang mga Christmas jingles sa mga malls. Pagpasok pa nga lang ng "ber" months tumutugtog na ang mga awitin ni Jose Mari Chan sa radyo.

"Father, please lang, pakilipat ng istasyon ," pakiusap ni Jules habang nasa kanyang laptop at nakaupo sa maliit na dining table. Katanghalian sa apartment. Si Father Markus ay naghahanda ng pagkain sa kusina. Kapuwa sila nakapambahay lamang—t-shirt at shorts. Dahil malaki ang nakuha nilang advance mula kay Don Carlos ay hindi na nila kinailangang humingi pa ng budget mula sa opisina ni Bishop Israel tulad ng dati. Nagagawa nilang araw-arawin ang pagkain ng hamon, at ngayon, nagluluto na si Father ng spaghetti.

"Ano nang nakita mo tungkol sa Satanic group?" tanong niya.

Inaumaga na si Jules sa pagre-research ukol sa Satanic group ni Miguel na nagtataglay ng simbolo ng inverted cross na may naka-wrap around na devil's tail.

"Guess what, Father," sabi ni Jules habang nakatuon sa laptop. "Itong Satanic symbol ay hindi lang para sa grupo nila kundi logo din ng isang banda."

"Banda?" pagtataka ng pari.

Hinarap ni Jules ang screen ng laptop niya—at sa Google search naroon ang simbolo pati na ang picture ng isang local underground rock band na ang pangalan ay:

"Satan's Shadow," sabi ni Jules.

"Satan's Shadow?" kunot-noo ni Father Markus.

"'Yan ang pangalan ng banda nila, Father. Isang death metal band," sabi ni Jules at tinuro pa ang logolized band name. "At ang pangalan ng lead singer ay Juan Satan."

Juan Satan. Nagkibit-balikat si Father Markus. "Bakit, hindi?" aniya.

Ipinakita ni Jules ang picture ni Juan Satan na nasa isang live gig. Wala itong pang-itaas at naka jeans lang. Marami siyang Satanic tattoos sa katawan at siya'y isang skinhead, at nang nilapag ng parapsychologist ang picture mula sa mga kinunan ni Andy, ay siya'y walang iba kundi ang 30-something leader ng grupo na kinabibilangan ni Miguel.

"Para ka ring detective tulad ni Mr. Madrid," may paghangang sabi ni Father Markus kay Jules.

"Say mo, Mang Andy," ngiti ni Jules. Proud lang sa sarili. Maya-maya'y nag-ring ang kanyang cellphone. Tawag mula kay Don Carlos. Hininaan ni Father Markus ang radyo. "Yes, sir?" pagsagot ni Jules at nagulat sa tense ng boses ng Don.

"I need your team in my house right now! It's Miguel!" sabi ni Don Carlos.

Hindi na natapos ni Father Markus ang pagluluto. Agad na tinawagan ni Jules si Hannah para daanan sila. And after 15 minutes ay naroroon na ang psychic sakay ng kanyang lumang modelong Toyota Hi-Ace.

"Emergency lang? 'Di pa kaya ako nakakaligo!" nakataas-kilay na sabi ni Hannah habang sumakay sa Hi-ace sina Jules at Father Markus na ngayon ay naka-damit na ng pampari.

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon