Chapter 32: Double Exorcism

4.4K 312 21
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Are they too tight?" tanong ni Don Carlos. "Baka nasasaktan kayo."

"It's okay, Dad," sabi ni Miguel, tumango rin si Lucas.

Alas-tres nang hapon nang simulan nila ang Double Exorcism ng kambal. Sa loob ng kuwarto sa basement ay naroong nakaupo sina Miguel at Lucas, kanilang mga kamay ay nakatali sa steel chairs.

"Dad?"

"Yes, Lucas?"

"Gagaling pa kaya kami?"

"O...of course!" sabi ng Don.

"Malaki ang tiwala namin kay Father Markus," assure ni Jules. "Tatalunin niya si Satan."

"Light will prevail over darkness. Good over evil. Life over death," sabi ni Hannah.

Napatingin si Julius sa psychic, as if saying, saan nanggaling yun? Binigyan siya ng matamis na ngiti ni Hannah. Maya-maya'y bumaba ng basement si Father Markus suot ang kanyang itim na sutana, ang purple istola sa kanyang leeg, hawak ang rosaryo ni San Lorenzo Ruiz at bote ng holy water.

"So, how do we begin?" tanong ng Don.

Sinabi ni Jules ang theory niya na mas malaki ang chance for success ng exorcism kung si Miguel ay hindi conscious, tulog, that way, hindi makakamanifest o makakalipat si Satanas sa kanya. Sinuggest ni Jules ang paggamit ng chloroform.

"Chloroform? 'Yung kemikal?" gulat na sabi ni Hannah.

Sa mga nakikita ito sa pelikula, ang chemical compound na chloroform ay pinapatak sa panyo ng mga kontra-bida para patulugin ang biktimang babae. At sinabi ni Jules na tutulungan sila ni Andy na siyang mag-aapply noon. Ayon sa P.I. nakagamit na siya ng chlorofrom sa larangan ng kanyang trabaho. Nang bumaba si Andy ay nagpakuha siya ng bimpo at doon nagpatak siya ng maliit na dosage lamang. Kung maparami raw ay lethal at maaring matuloy sa kamatayan. Inapply nila ang bimpo kay Miguel at within 5 minutes ay nakatulog ito. Iniwan din sila ni Andy pagkatapos para bumalik sa bar.

Ang tanging hinihintay na lamang nila ay ang pagbabalik naman ni Satanas kay Lucas.

"Umpisahan natin ang ritual at palalabasin natin siya," sabi ni Father Markus.

"Okay, let's do this," hudyat ni Jules.

"Are you ready, son?" tanong ni Don Carlos kay Lucas.

"I'm ready," sabi ni Lucas.

Itinaas ni Father Markus ang bote ng holy water at trinace ang sign of the cross kay Lucas at winisikan ng holy water.

In the name of the Father, and the Son and the Holy Spirit.

Ni-recite nila ang Litany of the Saints kasunod ang Psalm 53. Pagkatapos ay nilagay ni Father Markus kanyang kamay sa noo ni Lucas at nagdasal.

Our Father who art in Heaven,
Hallowed be thy Name...

At sa gulat nila'y biglang sumabay ng dasal si Lucas.

...thy Kingdom Come, thy will be done,
On earth as it is in Heaven.

At kung saan, unti-unting nagbago ang boses niya. Naging boses ng dimonyo.

Lead us to temptation.
Deliver us to hell.

Nagulantang sila't natigil sa pagdarasal. At nang itinaas ni Lucas ang kanyang ulo'y nagbago na'ng kanyang anyo. Bumalik na si Satanas.

"Hello, Father," sabi ni Satan at tumingin sa paligid. "Ah, isang reunion. Mabuti, para sama-sama n'yong makita kong kunin sina Miguel at Lucas."

Inilabas ni Father Markus ang rosaryo ni San Lorenzo Ruiz, at sa kanyang mga kamay ay tila nagliwanag ang kanyang katauhan.

I cast you out, Satan and all your fell companions. In the name of our Lord Jesus Christ. Begone and stay far from this creature of God. For it is He who commands you!

It is the power of Christ that compels you!
It is the power of Christ that compels you!

Humiyaw si Satanas, ramdam niya ang kapangyarihan ng rosaryo. Hinihila siya ng kapangyarihan ng Espiritu Santos na dumaloy kay Father Markus upang iwanan ang katawan ni Lucas. Dinig sa itaas ng mansion ang mga boses nila. Dinig ng driver at mga maids at ni Andy sa bar sa living room. Patuloy ang hiyaw ni Lucas. Sa kanyang tabi, tulog pa rin si Miguel at dahil wala siyang malay, alam nilang hindi makalipat si Satanas sa kanya.

"Malapit na! Mananalo na tayo!" sigaw ni Hannah.

Nguni't, iyon ang akala nila.

Naglaho si Satanas kay Lucas, nguni't hindi sa paraan na inaasahan nila.

"Dad...Mom..." sabi ng binata.

"Lucas!" sigaw ng Doña nang makitang normal na ang kanyang anak.

"Is it over? Is he gone?" tanong ni Don Carlos.

At sa gulat nila'y bigla namang umungol ang natutulog na si Miguel. Nakapikit, nagpapagalaw-galaw sa upuan na para bang siya'y binabangungot.

"What's happening?" nagtatakang tanong ng Don.

Hindi alam ni Jules ang sasabihin, at kay Hannah nila nalaman ang kasagutan.

"Pumasok si Satan kay Miguel!" sigaw ng psychic pagka't naramdaman niya.

"Kailangang gisingin natin si Miguel! Kundi baka tuluyan na siyang hindi magising!" panic na sabi ni Jules.

Pilit nilang ginigising si Miguel. Kanila itong inuga, sinigawan at sinampal, pero, hindi siya magising. Patuloy ang ungol niya na para bang may sumasakal sa kanya.

"Wait!" sigaw ni Hannah at napahawak sa kanyang ulo. "Naririnig ko si Miguel! Kinakausap niya ko! Humihingi siya ng saklolo!"

"Hannah, bilis," sabi ni Father Markus, at alam na ng psychic ang kanyang gagawin.

Nilagay ni Hannah ang kanyang kamay sa ulo ni Miguel at pumikit at nag-concentrate. "Miguel! Sundan mo ang boses ko," aniya. "Lumapit ka sa boses ko! SUNDAN MO ANG BOSES KO!"

At Maya-maya'y dumilat si Miguel. Nakahinga sila nang maluwag. Nguni't kasunod noon ay narinig nila ang tawa ng dimonyo. Pagka't bumalik muli si Satanas kay Lucas. Nagsilabasan sila ng kuwarto, hindi makapaniwala sa nangyari.

"You said hindi mapapasok si Satan kung tulog si Miguel! You told us!" galit na sabi ng Don.

Walang tiyak na maisagot si Jules. Hindi niya inakala na kaya palang pasukin ni Satanas ang tao kahit tulog ito. Tumingin siya sa kanila at ang tanging nasabi lamang ay:

"Na...nagkamaliako..."


NEXT CHAPTER: "Hypnotism"

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon