Chapter 24: The Twin Enigma

4.2K 296 15
                                    

"What the fuck, Jules?" gulat na sabi ni Hannah

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"What the fuck, Jules?" gulat na sabi ni Hannah. "Bakit mo nasabing hindi possessed si Miguel?"

Hindi pa man sila nakakatagal ng upo sa Starbucks kung saan sila tumigil muna para mag-regroup matapos ang hindi na namang matagumpay na paghaharap kay Satanas, ay heto't may binitawan nang bomba si Jules ukol sa kaso ni Miguel.

"Yes, well, no, I mean possessed si Miguel in a way," sabi ng parapsychologist. "Let me explain, alam n'yo ba 'yung enigma ng twins? Na dahil may extraordinary psychic bond ang mga twins ay alam ng isa ang nangyayari dun sa isa pa?"

Ipinatong ni Jules ang kanyang laptop sa mesa at may binasa.

"Okay, for example, in 2009 sa England. Twin sisters na sina Gemma and Leanne Houghton. Isang araw, biglang naramdaman ni Gemma na nasa panganib ang kapatid niya, at nagmamadali siyang pumasok sa CR at nakita niya itong unconscious at nakalubog sa bathtub. Muntik nang mamatay si Leanne kung hindi siya binigyan ng CPR ni Gemma."

Patuloy ni Jules, "May mga stories ng identical twins na parehong namatay on the same day. October, 2015, 83-year old twins na sina Helen Mae Cook at Clare Mae Mitchell. Patricia at Joan Miller sa California naman, February 2012. Ito ang medyo weird: 2002 sa Finland, dalawang 72-year old na identical twin brothers ang nabangga ng truck habang nagbibisikleta sa magkahiwalay na insidente. Oras lang ang pagitan. At the very same spot!"

"Wow, weird nga," mangha ni Hannah.

"May kakaibang bond ang mga twins na kung ano ang nangyari sa isa ay puwedeng mangyari din dun sa kambal niya," sabi ni Jules.

"At ganoon din sina Miguel at Lucas?" tanong ni Father Markus.

"Yes, Father."

Iyon din ang binanggit ni Satanas kanina lamang nang makaharap nila. Na ang fate daw nina Miguel at Lucas ay iisa.

"So, bakit mo nasabing hindi possessed si Miguel?" tanong ni Father Markus.

Bumuwelo ni Jules. "I think si Lucas talaga ang possessed at nagma-manifest lang si Satan kay Miguel."

"Si Lucas lang ang possessed?" ulit ng nagtatakang si Hannah.

"Explain, Jules," sabi ni Father Markus.

"Isa itong case ng tinatawag na Twin Telepathy," sabi ni Jules. "Part ito ng study ng parapsychology, na connected ang mga twins through ESP, lalo na ang mga monozygotic twins or identical twins. May experiments na ginawa para pag-aralan ito, tulad nang ginawa sa kambal na Richard and Damien Powles. Pinaghiwalay nila ang dalawa sa magkaibang kuwarto tapos ay binigyan nila ng iba't-ibang tests. Isa ay ang paglublob sa bucket ng ice cold water ng kamay ng isa na naramdaman ng kambal sa kabilang kuwarto. Nung tinakot naman ng ahas 'yung isa, ay nagregister din 'yung fear dun sa kabila."

Isang mystery ang Twin Telepathy sabi ni Jules, na kahit na ang Nazi SS surgeon na si Josef Mengele ay na-intrigue dito. Kung kaya't pinag-experimentuhan niya ang mga twins sa Auschwitz noong World War 2, hoping na makahanap ng sagot sa genetics nila.

"Yeah, Angel of Death!" masayang sabi ni Hannah.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nabanggit ang pangalan ng Nazi surgeon na tinaguriang Angel of Death. Last year, sa kaso ni Berta, ang batang ipinanganak sa haunted house, ay paksa din nila si Mengele na konektado sa Japanese surgeon na si Dr. Nakadai na responsable sa human experiments na nangyari sa Bahay na Bato.

"Ang sinasabi mo, Jules ay dahil sa Twin Telepathy ay nakakapaglipat-lipat si Satanas between Miguel and Lucas," tugon ni Father Markus.

"Yes, Father, si Lucas lang ang possessed pero dahil sa Twin Telepathy ay nagagawang makapagmanifest ni Satan kay Miguel, ginagawa niyang tulay ang dalawa, parang conduit," sabi ni Jules. "Na ang nakikita nating demonic manifestation kay Miguel ay in fact, si Lucas."

Napakamot ng ulo si Hannah. Pero nagets din naman niya.

"At ito ang pinakaimportane," patuloy ni Jules. "Nagagawa lang ni Satan ang paglipat niya kapag conscious o gising sina Miguel at Lucas. Para maging successful ang Double Exorcism, kailangan natin pagsamahin ang dalawa sa iisang kuwarto, at dapat hindi conscious si Miguel."

"Para hindi makalipat si Satan sa kanya," intindi ni Father Markus.

"Yes, Father," tango ni Jules.

"Yeah, Jules! The brains!" pag-apir ni Hannah kay Jules.

May solid na silang plano: sa gabi ng Pasko ng "eternal beauty" ritual ay ire-raid nila ang lugar kung saan ito magaganap at after nila makuha si Lucas ay dadalhin nila sa mansion para i-perform naman ang Double Exorcism. Sabay silang nagsipaginuman ng kape habang tumugtog ang "The Christmas Song" sa speakers ng Starbucks at naalala nila ang Pasko.

"At least makakapag-Noche Buena pa tayo," sabi ni Jules.

"Oo nga," agree ni Hannah.

Since gabi pa ng Pasko ang ritual ay makakapag-celebrate pa sila kasama ng kani-kanilang mga pamilya. Si Jules sa Sampaloc, Manila kasamang kanyang lola at kapatid na si Clint; si Father Markus naman ay may mga kamag-anak sa Tagaytay. Tanging si Hannah, na nag-iisang anak at isang ulila, ang walang inuuwiang relatives, kundi'y tuwing Pasko ay sa Antipolo siya nagpupunta—sa isang kumbento kung saan siya inaruga ng mga madre matapos ang pangyayari sa Benguet.

From Starbucks, ay ibinaba nila si Hannah sa kanyang apartment bago ihatid si Jules sa Sampaloc. From there, diretso na si Father Markus papunta ng Tagaytay dala ang Revo.

"Well, see you all sa Monday!" sabi ni Hannah. "Merry Christmas!" At bumeso sa dalawang mga lalaki.

"Merry Christmas," sabi ni Jules.

"Merry Christmas," bati rin ni Father Markus.

Saglitsilang nagkatinginan at nagpalitan ng mga ngiti. Nakaramdam sila ng closenessat ang feeling na anuman ang mangyari ay sama-sama sila at walang iwanan.Na-feel din nila na bagama't may matindi silang hinaharap, naroon pa rin angspirit ng Pasko.


NEXT CHAPTER: "Christmas"

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon