Chapter 27: Pasko sa Mansion

4.1K 282 18
                                    

Sinundan ng convoy ang van ng mga Satanista na lumabas ng EDSA patungo ng North Luzon Expressway

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sinundan ng convoy ang van ng mga Satanista na lumabas ng EDSA patungo ng North Luzon Expressway. Madilim na ang kalangitan at binuksan ni Hannah ang headlights ng Revo. By this time, ay tahimik na sila. Nakatuon lang sa daan sina Hannah at Jules. Si Andy ay tutok sa GPS tracker ng kanyang cellphone habang si Father Markus ay nakasandal sa upuan at nakapikit na nagdarasal.

Kaninang umaga nang pauwi si Father Markus galing Tagaytay ay dumaan muli siya sa mansion ni Don Carlos. Nakaramdam lang siya ng deep sense of personal duty na alamin ang kalagayan ng pamilyang Villaromano. Sinalubong siya ni Don Carlos at ng Doña sa entrance ng mansion.

"We were praying that you would come, Father," sabi ng Doña.

"Come in, come in," malugod na bati ng Don.

Tahimik sa loob ng mansion nang pumasok si Father Markus. Almost peaceful, aniya bagama't may kadilimang nangyayari sa pamilyang ito.

"Can we offer you something to drink?" alok ng Don habang palakad sila tungo sa living room.

"Water lang," sabi ni Father Markus.

Naupo sila sa sofa. Maya-maya'y dumating ang maid upang ibigay ang baso ng tubig sa pari. Kinumusta ni Markus si Miguel at sinabi ng mag-asawa na nagwawala daw ito nuong umaga, na ang dimonyo'y nagmumura't nagsisisigaw ng mga blasphemy. Nguni't sa kalaunan, ay nanahimik na rin.

"Hinahanap niya kayo," sabi ng Don.

"Gusto lang niya ng atensyon. Gusto lang ni Satan ng audience," paliwanag ng pari.

"Vanity. The devil's favorite sin," sabi ni Don Carlos.

Tumango si Father Markus.

"Sa'n ka galing, Father?" malumanay na tanong ng Doña. Magkatabi sila ng Don sa sofa at magkahawak-kamay.

Sinabi ni Father Markus na kakagaling lang niya ng Tagaytay at doon nag-spend ng Christmas eve kasama ng kaniyang mga kamag-anak.

"That's nice to hear," ngiti ng Doña na tumingin pa sa Don at sila'y sabay na nagtanguan.

Ngumiti si Father Markus at uminom ng tubig.

"Mabuti ka pa, masaya Pasko mo," sabi ng Doña.

Bumagal ang higop ng pari sa tubig. Ang tono kasi ng Doña ay may pagka-sarcastic. Nang tumingin muli ang pari sa mag-asawa ay nakita niyang nagbago ang ekspresyon ng mga ito. Nawala ang ngiti nila, at nakatitig sila sa pari ng mga matang matatalim. Sa sulok ng kuwarto, nakatayo ang mayordoma at maid na may pareho ring masamang tingin. Sa may bintana sa labas ay naroon naman ang driver na nakasilip. At napansin ni Father Markus na tila ba nagdilim sa loob ng bahay.

"Kami, hindi mo ba tatanungin kung masaya ang Pasko namin?" magaspang na sabi ng Doña.

Hindi nakapagsalita si Father Markus. Naramdaman niyang may lamig na gumapang sa kanyang likuran at ang mga balahibo niya'y nagtaasan. At nang tignan niya ang hawak na basong tubig ay nagkulay dugo ito, at sa gulat niya'y nabitawan niya ito at lumagpak sa carpeted na sahig. At nang muling tumingin siya sa mag-asawa ay na-shock siya, pagka't nawalang mga puti ng kanilang mata at nagkulay itim. Ganun din ang mga mata ng household helper at ng driver—maitim pa gabi.

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon