Chapter 20: Madaling Araw

4.2K 301 13
                                    

Kambal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kambal.

Si Miguel ay may kambal. At ang pangalan niya'y Lucas.

Ito ang kutob nina nina Jules, Hannah, at Father Markus. Base ito sa mga litrato na nakita nila sa laptop ni Miguel. Mga litrato ng lalaki na kamukhang-kamukha niya. Kanyang identical twin si Lucas na ayon kay Pam ay may kapangyarihan na magbigay ng "eternal beauty" sa pamamagitan ng isang ritual. Nalaman nila ito matapos ang Black Nativity concert na dinaluhan nina Pam at Dean. Dalawa ngayon ang plano nilang gawin. Isa'y i-infiltrate ang "eternal beauty" ritual. Ang ikalawa'y kausapin si Don Carlos at malaman mismo sa kanya ang katotohanan.

Alas kuwatro na ng umaga nang makarating sila sa apartment building ni Father Markus sa Poblacion, Makati at nagulat sila nang makita ang nakaparadang kulay blue na Nissan pick-up truck sa tapat nito.

"Look!" turo ni Hannah. "Hindi ba 'yan 'yung pick-up ni Mang Andy?"

Pagpasok nila sa apartment unit na nasa 3rd floor ay naroon na sa loob ang private investigator at natutulog sa sofa, may unan sa ilalim ng ulo at naka-taas ang mga paang naka-medyas, kanyang mga sapatos ay nasa sahig, kanyang leather jacket ay nakasampay sa upuan sa kitchen.

"Paano siya nakapasok?" bulong ni Pam. Marahan silang nagpasukan sa loob.

Nagulat sila nang biglang dumilat si Andy. Mababaw lang matulog ang P.I. at bago pa nila buksan ang pintuan ay naramdaman na niya ang pagdating nila. "Ito," sabi ni Andy at ipinakita ang hawak niyang susi. Isang master key na gamit ng mga detective.

"Astig!" mangha ni Dean.

"Hello, Padre," nakangiting bati ni Andy kay Father Markus at nginitian din niya ang iba.

Pero, walang ngiti na bumalik sa P.I. Hindi sila sang-ayon na naroon siya at walang paalam na pumasok sa loob. At heto't bumangon si Andy at kaswal na isinuot ang kanyang sapatos, naglakad tungo sa kusina at binuksan ang ref para uminom ng tubig.

"Sure! Make yourself at home," pag-roll ng eyes ni Jules.

"Anong ginagawa n'yo dito, sir?" tanong ni Hannah.

Imbes na sagutin ay binulaga sila ni Andy ng tanong, "Anong alam n'yo kay Lucas?"

Nagkatinginan ang iba.

"Lucas?" inosenteng ulit ni Jules.

Tinuro ni Andy ang laptop na nakapatong sa mesa sa kusina.

"Pinakialaman n'yong laptop ko?!" dilat na sabi ni Jules.

Nagtaas lang ng balikat si Andy habang naghanap ng makakain sa kusina. Bad trip lang si Jules na imbes na tinulungan sila ng private investigator sa pag-infiltrate kina Juan Satan sa gig ay heto't ang apartment pala nila ang ininfiltrate. Lalo pang nainis ang parapsychologist nang makita ang bukas na screen ng kanyang laptop at naroong nakapaskil ang mga litrato ni Lucas.

"What the fuck, Jules?" sabi ni Hannah. "Nakuha mo pala 'yung mga pictures na 'yan?"

"Ilang megabytes lang naman kaya nakopya ko," sabi ng parapsychologist.

"Bakit kilala mo si Lucas?" tanong ni Father Markus kay Andy.

Hindi agad sumagot ang P.I. kundi'y nilagyan niya ng tubig ang electric kettle at isinaksak sa outlet. Pagkatapos ay kumuha siya ng coffe mug at nagbukas ng 3-in-1 na kape.

"Dahil, pinapahanap siya sa akin, Padre," aniya.

"Ni Don Carlos," pag-realize ni Father Markus.

Nagkatinginan ang lahat. Kinuha ni Andy mula sa bulsa ng kanyang leather jacket ang isang litrato—ang ibinigay sa kanya ng Don noong nagmiting sila sa Japanese retaurant, mahigit isang linggo na ang nakalipas. Ang litrato ay ng isang binatang lalaki na siya ring mga litrato sa folder na ang label ay "Lucas," at nakapaskil ngayon sa screen ng laptop ni Jules.

"Oh, my God!" gulat na napatakip ng bibig si Hannah. "Tamang hinala namin."

"Dalawa sila," sabi ni Andy. "Kambal."

Hindi pa rin sila makapaniwala. Pero, confirmed na.

"Isang possessed at isang vessel ng dimonyo," sabi ni Father Markus.

"Holy shit!" sabi ni Dean.

"Anong ba'ng nangyayari, girl?!" lito na si Pam, at inaantok.

"'Yung sinapian, girl," paliwanag ng psychic. "At 'yung lalaking sinasabi mo, 'yung Lucas, ay identical twins."

"Mismo," ngiti ni Andy habang nagsindi ng sigarilyo. Aniya, kaya hindi siya sumama sa concert, ay tiniming niya ang pag-infiltrate naman sa warehouse kung saan hinala niya'y naroon si Lucas. Sinakto niya na wala roon si Juan Satan at mga tropa niyang Satanista. Kasama niya noon si Tony. Nguni't hindi nila natagpuan si Lucas doon kung kaya't nagtungo siya sa apartment nila para maghanap ng impormasyon. Sinabi nila sa private investigator ang tungkol sa "eternal beauty" ritual na magaganap sa Pasko.

"Saan gagawin ito?" tanong ni Andy, habang nilagyan ng mainit na tubig ang kanyang kape.

"Hindi pa namin alam. Tatawagan daw ako kapag ready na," sabi ni Pam.

Marami pang tanong si Andy, pero nakita niyang mga pagod nilang hitsura. "Okay, kung ganon, kita-kita tayo sa Pasko," aniya.

Nagpaalam sina Hannah at Pam para bumalik sa sarili nilang apartment sa may Mandaluyong. Nag-request si Dean na kung puwede makitulog sa kuwarto ni Pam doon pero isang malakas na "hindi" ang sagot sa kanya ni Hannah. Nang makaalis ang dalawang babae ay kanya-kanya agad ng higa sina Father Markus, Jules, at Dean, ang mga katawan nila'y bagsak na sa pagod, at mabilis silang inagaw ng antok. Naiwang gising si Andy na nagkakape at yosi, nakadungaw sa labas ng bintana kung saan nagkakaroon na ng buhay ang kalsada sa papalapit na umaga. Gising na ang mga magbabalot para makakuha ng kita sa mga inumagang nag-iinuman sa mga beerhouse samantalang ang mga street vendors ay pumupuwesto na sa bangketa.

Humigopng kape si Andy at binalikan ang mga pangyayari nang nagdaang gabi.


NEXT CHAPTER: "The Raid"

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon