Chapter 35: Finale

4.9K 344 77
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Mamamatay kayong lahat!"

Tila nag-echo ang boses ni Juan Satan sa buong living room. Pagkatapos ay sunod-sunod siyang nagpaputok gamit ang 9mm na baril. Ang mga target niya ay nakatago sa likuran ng sofa—sina Tony, Dean, Pam, at Miguel, mga nakayuko sa sahig. Mabuti na lamang ay matibay ang mahabang sala set at sinasalo ng makapal nitong upholstery ang mga bala. Nagliparan ang piraso ng foam at bulak na nagmistulang confetti sa uluhan nila. Panay ang tili ni Pam na halos masapawan niya ang putok ng baril. Napatakip ng tenga si Miguel na katabi niya.

Kinasa ni Tony ang kanyang shotgun, si Dean ang kanyang kalibre trenta'y-otso at sila'y nagreturn fire, pero mabilis na nakatalon si Juan Satan sa likuran ng bar. Sumabog ang mga bote ng alak at nagtalsikan ang mga bubog.

Sa basement, dinig nina Father Markus, Jules, Hannah, Andy, Don Carlos at Doña, at ang driver ang putukan sa itaas. Pero hirap pa rin nilang mabukasan ang pintuan dahil sinira ng mga Satanista ang doorknob nito.

"Humanap kayo ng pamukol!" sabi ni Andy.

"Voltaire! 'Yung fire extinguisher!" sabi ni Don Carlos sa kanyang driver.

Alam ng driver na may fire extinguisher malapit sa pintuan ng storage room. Bumaba siya at pagbalik ay dala na iyon at ibinigay kay Andy. Inangat ng P.I. ang fire extinguisher at buong puwersang pinambayo iyon sa pintuan.

Sa itaas, nagpalitan muli ng mga putok ang grupo nila Tony at si Juan Satan hanggang sa marinig nila ang click ng baril nito.

"Wala ka ng bala!" sigaw ni Tony habang nagsitayo sila. "At nag-iisa ka na lang!"

Iniwan na nga si Juan Satan ng mga kasamahan niya na nagpanggap lamang pala na mga Satanista para makasali sa orgy, at ngayo'y nagnakaw pa ng mamahaling mga paintings, alahas, at mga kagamitan at lumikas sakay ang itim na Chrysler 300C ni Don Carlos.

"Sumuko ka na, bro!" sigaw ni Dean. "Sa ngalan ni Hesus!"

"Gago!" sigaw ni Juan Satan, at laking gulat nila nang lumabas ito mula sa likuran ng bar na kanyang pinagtataguan at tinapon ang 9mm sa tabi. Hawak na niya ay patalim at lumakad tungo sa kanila.

"Bitawan mo yan!" sigaw ni Tony habang nakatutok ang shotgun.

Pero, tuloy ang paglapit ni Juan Satan. Wala siyang takot. Napaatras sila Tony. Si Juan Satan papalapit, matalim ang tingin, handang mamatay, at tila ba tumutula o umaawit pa.

Drums out of darkness, listen well.
Drums beating like thunder, straight from hell.
Rege Satanas, the time comes around,
Satan is here to claim his ground!

"BITAWAN MO YAN!" mas malakas na sigaw ni Tony kay Juan Satan.

Hinampas pa ni Juan Satan ang kanyang dibdib as if ini-invite pa si Tony na barilin siya. Walang bahid ng takot sa mukha. Animo'y feeling niya'y invincible siya. Napaatras pa sila Tony hanggang sa makarating sa may open area ng staircase kung nasaan ang nakatumbang Christmas tree. Hindi naman makuhang barilin ni Tony si Juan Satan pagka't alam niyang tiyak na patay ito. Sina Dean, Pam at Miguel ay nasa likuran niya.

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon