Chapter 34: Satanists Attack!

4.2K 296 90
                                    

"LUCAAASSSS!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"LUCAAASSSS!"

Hawak ni Juan Satan ang patalim habang sumisigaw papasok ng mansion. Kasunod niya ay anim na mga Satanista, tatlo sa kanila'y may mga panaksak din, dalawang may baseball bat at isang may bolo. Walang mga pang-itaas, ang hubad nilang mga katawan ay tadtad ng mga tattoo na kanila pang pinahiran ng dugo. Pati mga mukha nila'y ginuhitan nila ng dugo na para bang war paint.

"Hanapin n'yo sila!" utos ni Juan Satan.

"Parang walang tao, boss," sabi ng Satanista.

"Nandito sila, nararamdaman ko si Lucas," sabi ni Juan Satan.

Nilibot ng mga Satanista ang loob at labas ng mansion. Nalula lang sila sa laki ng bahay. Sa ground floor pa lamang ay may dalawang guest rooms, library, study room, music room, at bukod sa living, dining and kitchen, ay may laundry room pa at maid's quarters. Sa second floor naman ay ang Master's Bedroom, dalawang bedrooms at family room. Sa labas ay ang garahe kung saan nila natagpuan ang driver na nagtatago.

"Ito, nakita namin ito!" sabi ng Satanista at itinulak ang driver sa harapan ni Juan Satan.

"Nasaan sila? Nasaan ang mga amo mo?" bulyaw ni Juan Satan.

Hindi sumagot ang driver kung kaya't sinikmuraan siya at namimilipit na napaluhod.

Nagbabaan ang mga galing sa second floor.

"Walang tao sa taas, boss. Pero, nakuha namin ito..."

Ipinakita nila kay Juan Satan ang mga gold necklaces, bracelets, earrings at watches—Rolex at Patek Phillipe—mga relong mahal pa sa kotse.

"Nakapatong lang 'yung jewelry box sa kama!" masayang sabi ng Satanista.

"Eto pa, boss!" sabi naman ng isa. Hawak niya'y isang baril—9mm na Beretta. "Ayos, 'di ba?"

Napangiti si Juan Satan, at sinabi, "Lahat ng makukuha n'yo kunin n'yo! Ang kayamanan ng pamilyang ito'y pagmamay-ari na ng simbahan natin!"

Nagsigawan sa saya ang mga Satanista.

"At markahan natin ang bahay na ito! Regie Satan! Hail Satan!"

Hail Satan! Sigaw nila.

Pagkasabi'y pinagsisira nila ang mga gamit sa bahay. Gamit ang baseball bat ay pinagbabasag nila ang mga figurines, vases at salamin. Gamit ang kutsilyo at bolo ay pinagbubtas nila ang mga upuan at sofa, at pinagwawarak ang iba pang mga kagamitan. May dala rin silang mga pintura at pininturahan ang mga pader ng inverted cross, 666, at Hail Satan!

Una nang na-alerto si Andy sa pagdating ng mga Satanista nang makita niyang mga anino nila sa labas ng bahay kanina, at kasama ang mayordoma at maid ay bumaba sila sa basement para magtago at sinabi kina Father Markus, Jules, Hannah, Don at Doña ang nangyayari.

"They're destroying our house!" sabi ng Doña.

"Do something!" baling ni Don Carlos kay Andy. "Call your back-up!"

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon