Chapter 9: Symbols

4.7K 320 17
                                    

"I'd like you all to meet Andy Madrid, private investigator," pakilala ni Don Carlos sa kanila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I'd like you all to meet Andy Madrid, private investigator," pakilala ni Don Carlos sa kanila.

Ang impression na nakuha nina Jules, Hannah at Father Markus sa naka-leather jacket na si Andy ay tila ba tulad ito ng mga karakter sa pelikula. Ang beteranong P.I. na buong tapang na lalaban sa krimen at pababagsakin ang crime lord. Hindi man sa kartada ni FPJ, maaaring nasa linya ng isang Eddie Garcia si Andy. Puwedeng bida, puwedeng kontrabida. Ang umaangat niyang katangian ay ang natatangi niyang brusko.

"Jules...Hannah...and...Markus," pakilala naman ng Don sa JHS kay Andy. Unang beses ring makikilala ng Don si Father Markus na hindi niya ipinaalam kay Andy na isang pari. Sinabi lamang niya na ang tatlo ay mga paranormal experts na naroon para tulungang ma-identify ang tattoos na konektado sa Satanic cult.

Nang kamayan ng tatlo ang private investigator ay hindi sila nagkamali ng inakala. May lakas na taglay ang personalidad ni Andy. Magaspang ang palad nito, mahigpit ang grip. At na-sense agad ni Father Markus ang umaangat na kabutihan sa aura ni Andy, bagama't may itinatago itong lihim sa pagkatao na hindi niya maipaliwanag pa.

"Nice to meet you, sir," bati ni Hannah with a smile.

"Hetong mga litrato," walang paligoy-ligoy na inabot ni Andy ang brown envelope.

Nasa loob sila ng isang private room ng isang mamahaling Japanese restaurant sa may Makati. May kuwadradong mesa sa gitna at walang mga upuan. Traditional na Japanese kasi at nakaupo sila sa mga kutson sa sahig. Sa labas, dinig ang ingay ng mga nagsisikain mula sa kahoy na partition. Nang dumating si Andy ay naka-order na sila at natuwa na meron ulit na Johnnie Walker Blue Label.

We meet again, aniya sa sarili.

Nilabas ni Jules ang mga litrato sa envelope, mga 4 by 6 glossy prints na kanyang inilatag sa kahoy na mesa. Mga bagong kuha ni Andy sa grupo nila Miguel. Ayon sa private investigator mula sa bahay na may red gate sa Bangkal, ay sinundan niya ang mga ito sa may San Andres Bukid. Doon, sa isang eskinita, pumarada ang itim na van at nagbabaan ang grupo nila Miguel at nakipag-usap sa mga nakatambay sa isang plasa na pawang mga kakosa nila pagka't may mga tattoo rin sa katawan. Karamihan sa kanila ay nakahubad ang mga pangitaas kung kaya't nakunan ni Andy ang mga tattoo nila sa katawan mula sa loob ng kanyang pick-up truck na nakaparada sa malayo.

"Astig ng mga tattoos nila!" bulalas ni Hannah. Na-appreciate lang niyang mga tattoo pagka't meron din siya, although hindi tulad ng mga ito.

Sinabi nila sa Don at kay Andy na iyo'y mga Satanic tattoos.

"Satanic tattoos?" kunot-noo ni Andy habang tinatagayan ang sarili ng whiskey.

"So, tell me about it," sabi ni Don Carlos. Inip na siya na mabigyan ng paliwanag.

Inisa-isa ni Jules ang mga litrato. Close-up shot ito ng mga tattoo sa katawan.

"Okay, ito sir, ito ay pentagram..." umpisa ni Jules.

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon