Chapter 19: The Deal

4.5K 322 40
                                    

Nagvi-vibrate ang cellphone ni Don Carlos Villaromano

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagvi-vibrate ang cellphone ni Don Carlos Villaromano. Kanina pa tumatawag si Jules pero hindi niya ito sinasagot.

Pasado alas-tres ng madaling araw. Madilim ang loob ng mansion at tulog na ang mga tao maliban sa Don. Bumaba siya ng basement, kinuha ang susi ng kuwarto mula sa kanyang bulsa at binuksan ang pintuan at pumasok. Patay ang ilaw sa loob, ang tanging liwanag ay nagmumula sa maliit na bintana na dikit sa kisame. Doon tumatagos ang sinag ng buwan at naiilawan ang kama kung saan nakita ng Don na natutulog si Miguel.

Natutulog ba ang Diyos? Ang karaniwang kasabihang pumasok sa isipan ni Don Carlos. One thing is obvious though aniya sa sarili, ang dimonyo pala'y nagpapahinga rin.

Sa Revong bumabaybay ng Buendia Avenue, dismayado lang si Jules na hindi sinasagot ng Don ang kanyang tawag.

"Let it go, Jules!" sabi ni Hannah habang nagmamaneho.

"Oo nga, bro, baka tulog na 'yun at naiistorbo mo," dagdag ni Dean na katabi si Pam sa pinakalikurang upuan.

Kanina'y inaantok na sila matapos ang mga pangyayari sa Black Nativity—ang death metal gig kung saan tumugtog si Juan Satan at ang banda niyang Satan's Shadow, at kung saan nakapasok si Pam kasama ng mga death metal chicks sa Green Room at nalaman niya ang tungkol sa isang ritual na magaganap sa araw ng Pasko. Ang ritual na umano'y magbibigay ng "eternal beauty" sa mga lalahok. At ang taong magpe-perform nito'y isang lalaki na nakakausap daw mismo si Satanas. Nawala ang antok nina Jules, Hannah at Father Markus nang banggitin ni Pam ang pangalan ng lalaki.

"Lucas!" bigkas ni Jules. "Kailangang malaman natin ang katotohanan tungkol kay Lucas!"

Nalaman nila ang tungkol kay Lucas mula sa laptop na nakita ni Jules sa kuwarto ni Miguel. Muntik malaglag ang salamin niya sa mata habang sinubukan muling tumawag.

"Jules, ano ba! Let it go sabi!" inis na si Hannah.

"Pero, Hannah..."

Mula sa likuran, inabot ni Father Markus ang balikat ni Jules. "Jules," mahina ang boses ng pari, pero may bigat sa tono niya. "Pagod tayong lahat. Magpahinga muna tayo."

Nang maramdaman ni Jules ang kamay ni Father Markus ay nawala ang agitation niya at siya'y kumalma.

"May lead naman na tayo, may idea na tayo kung anong gagawin," sabi pa ng pari. "Mag-ipon muna tayo ng lakas."

Tumango si Jules. "Y-yes, Father. Tama ka." At kinansel ang pagtawag niya.

Tahimik ang daan sa Buendia pagka't iilan na lamang na bumibiyaheng mga bus sa kalsada, at makikitang may mga pasahero ang ngayon pa lamang uuwi. Hindi natutulog ang Makati. Tuloy-tuloy ang negosyo dahil sa mga call center. 24-hours din ang mga 7-11, Mini Stop at Family Mart na siniserbisyuhan ang mga call center agents, na bagama't bawal, ay may ilan sa kanila ang sumisimple na mag-yosi sa labas ng building.

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon