Chapter 14: In His Own Image

4.4K 297 18
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nakaupo si Hannah sa bukas na pintuan ng Hi-Ace na nakaparada sa kalsada sa harapan ng mansion. Kasama niya si Father Markus at kapuwa sila nagyoyosi. Pasado alas singko y medya ng hapon at palubog na ang araw sa horizon. Ang langit ay isang grayish-blue.

Problemado lang sila pagka't sa tagal na nilang ginagawa ang ritwal ng exorcism na nagmistulang routine na sa kanila, ay nangyari ang hindi nila na-imagine. Na may malakas nga silang artifact, ang rosaryo ni San Lorenzo Ruiz, pero paano ito magiging mabisa kung sa kalagitnaan ng ritwal, nang uutusan na ni Father Markus si Satanas na lisanin si Miguel, ay bigla na lamang itong mawawala? Ang isa pa'y, paano siya nakakabalik sa katawan ni Miguel nang ganoon na lamang?

"Anong gagawin natin, Father?" tanong ni Hannah.

"Hindi ko alam, Hannah," sabi ni Father Markus.

"Father, na-sense mo rin ba na may kakaiba kay Don Carlos?" tanong ng psychic.

Tumango ang pari, at na nangyari raw iyon nang mahawakan niya ang Don. Na may kung anong negative aura mayroon siya, as if may madilim na sikretong itinatago.

"'Yun din pakiramdam namin ni Jules," sabi ni Hannah.

"Nasaan nga pala si Jules?" tanong ni Father Markus.

Matapos ang hindi matagumpay na exorcism ay nagtungo sa kuwarto ni Miguel si Jules, hoping na makahanap ng kasagutan o ng clue. Muli niyang binalikan ang pagtingin sa mga gamit ni Miguel tulad ng unang araw nila rito ni Hannah kung saan sila nahuli ng binata at sinigawang umalis. Ngayon, mas focused siya at inisa-isa ang mga libro't magasin, maging ang mga personal na notebooks ay kanyang pinagbubuklat. Binuksan niya ang desktop computer na nasa study table, nguni't ang laman lamang nito'y mga video games.

"Anong tinatago mo, Miguel?" bulong ng parapsychologist sa sarili. "Anong koneksyon mo kay Satanas?"

Sunod niyang binuksan ang mga drawer ng study table. Karaniwang mga bagay lamang ang nasa loob: bolpen, lapis, papel, etcetera. Nguni't sa pinakaibabang drawer ay nakita niya ang isang maliit na laptop. Kinuha niya iyon, naupo at pinindot ang "on" button, at sinuwerte siya dahil wala iyong password.

"Yes...yes..." ngiti ni Jules at ginamit ang trackpad.

Tinignan niya'ng mga laman ng hard drive at binuksan ang mga folders nguni't wala siyang nakitang out of the ordinary. Binuksan niya ang mga photo folders na may mga labels na: My vacations, birthday pics, baby pics, at iba pa. Mga karaniwang litrato ni Miguel. May isang folder na "Lucas" ang pangalan, at nang kanya itong i-double click ay lumabas ang iba pang mga litrato na pawang kay Miguel din. May mga picture din ito ng vacation, birthday at baby pics. Medyo ipinagtaka ito ng parapsychologist na kung bakit Lucas ang pangalan ng folder.

Nagulat si Jules nang biglang bumulaga sa pintuan si Hannah.

"Jules! Andito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap..."

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon