Chapter 8: To JHS!

4.7K 304 19
                                    

            "Tattoos?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tattoos?"

Napakunot-noo si Jules nang madinig iyon. Habang binabaybay ng Hi-ace na maneho ni Hannah ang A.H. Lacson Avenue patungo ng Mandaluyong ay nakatanggap ng tawag si Jules mula kay Don Carlos Villaromano. Gustong makipagkita ng Don bukas somewhere in Makati at sinabi nito ang tungkol sa mga tattoos ng grupo nila Miguel.

Kasama nina Jules at Hannah si Father Markus na nakaupo sa likuran. Kakagaling lamang nila sa bahay ni Bishop Israel, ang nagsa-sanction ng mga exorcism nila upang ipaalam ang detalye ng bago nilang kaso.

"'Pag sinabi ng Don na gusto niyang makipag-meet, well..." sabi ni Jules matapos ang tawag. Since high-profile na kaso, kailangan daw nilang alagaan ito, since si Don Carlos ang so far, biggest client ng JHS, Paranormal and Exorcism Experts, Incorporated.

Narating nila ang Nagtahan Bridge at nadismaya na makitang may traffic patungo ng Quirino Highway dahil sa mga naglalakihang mga trailer truck. Bagama't bakasyon na ng karamihan sa mga schools sa Metro Manila ay may pasok pa ang mga opisina at ahensya ng gobyerno kung kaya't marami pang mga sasakyan ang nasa labas. Idagdag mo pa sa pagsisikip ng traffic ang nagaganap na construction ng kalsada.

"Paskong-pasko binubungkal nila ang daan, malayo pa naman ang eleksyon a," inis na sabi ni Hannah.

Napagkasunduan nila na magre-rent ng apartment si Father Markus na malapit kina Hannah, sa ganoon ay madali ang sunduan papunta sa Makati. Pumayag din si Jules na mag-stay kasama ng pari kaysa sa susunduin pa siya sa may Dapitan sa Manila kung saan siya nakatira kasama ang kanyang lola at nakababatang kapatid na si Clint, na graduating na ng High School. Hindi kasundo ni Jules ang kapatid na aniya'y matigas ang ulo at pasaway.

"Anong course ang kukunin ng utol mo?" tanong ni Hannah habang nagmamaneho.

"Ano pa, eh 'di Bachelor of Arts in Pambubulakbol," sagot ni Jules.

"I.e. Fine Arts," sabi ni Hannah.

"Fine Arts, agad?" sabi ni Jules. "Pero, yes, Fine Arts nga. Habol daw niya yung nude painting sessions."

"Sabi na eh!" tawa ni Hannah.

"Or baka naman gusto ni Clint ng religious vocation?" sabi ni Father Markus mula sa likuran. "Malaya natin, may divine calling pala siya. A life dedicated to God. A life of celibacy and worship..."

"Stop na kita sa celibacy, Father," singit ni Jules. "Never na mangyayari 'yang sinasabi mo. Si Clint magpapari? Talaga lang ha!"

"Sure ka?" ngiti ni Hannah.

May laman ang hamon in Hannah. At bakit? Ito'y sa kadahilanang alam nilang may kakaibang abilidad si Father Markus. Na nakikita ng pari sa aura ng isang tao ang balanse niya ng good and evil. Sa ganoong paraan, may ideya siya sa magiging takbo ng buhay ng isang tao.

Noong una niyang makilala sina Jules at Hannah ay na-sense ng pari na mabubuti silang tao. Na sila'y may mga special abilities din, partikular si Hannah na isang malakas na psychic, na ang kakayahan ay hindi pa fully nata-tap. Si Jules na parapsychologist naman, na bagama't walang mga extra-sensory abilities, ay may angking talino. Walang kapantay ang kanyang analyzation sa mga bagay-bagay, na sa karamihan ng mga missions nila, si Jules ang nakaka-solve ng mga problema o nakakahanap ng paraan para sila ay mag-succeed. Ikanga, kung sina Father Markus at Hannah ang may super powers sa team, si Jules naman ang brains.

Narating nila ang area ng Makati sa may J.P Rizal Street sa area ng Poblacion na malapit sa Santa Ana Race Track na ngayon ay dinidevelop nang mall. Doon kung saan magrerent pansamantala si Father Markus kasama si Jules. Isang 4-storey apartment building. Kakilala nina Hannah at Pam ang may-ari kaya't napapayag nila na isang buwan lamang na rerentahan ang unit na mga 40 square meters ang laki at may dalawang kuwarto.

"Not bad, 'di ba?" sabi ni Hannah nang pumasok sila sa apartment unit. "Look! Semi-furnished pa."

May maliit na sala na may sofa set at TV, at magkasamang dining at kitchen na may ref, gas stove, at electric kettle. Ang wala lang ay mga bintilador. Binuksan ni Jules ang pintuan ng mga kuwarto at sumilip. Single bed. Closet. Sinilip naman ni Father Markus ang banyo at tinesting ang gripo, shower at flush.

"Okay naman," sabi ng pari.

"Oo naman," ngiti ni Hannah. "I mean, 'di ba, Father, you've been to worse?"

Natawa ang pari.

May kumatok sa pinto at iyon ay ang matandang katiwalang babae at sila'y pinapirma ng kontrata. Pagkatapos ay ibinaba nila'ng mga gamit mula sa Hi-ace, kanilang mga bagahe, at ang mga hardcases ni Jules na naglalaman ng kanyang mga gadgets. Nang maiayos ang mga ito'y lumabas sila para kumain ng tanghalian. Maraming kainan sa paligid ng commercial street at ang napili nila ay restaurant na nagse-serve ng special bulalo. Halos puno ito ng mga customer at amoy ang aroma ng sabaw ng baka at tiniris na sili sa suka't toyo.

"To JHS!" hudyat ni Jules habang inangat ang kanyang bote ng Coke.

"To JHS!" ulit ni Hannah.

Dumating ang bowl ng umuusok na bulalo at sila'y nagsalo-salo.

"Oo nga pala," sabi ni Hannah kay Jules habang nilalagyan ang tasa niya ng sabaw. "Ano 'yung nabanggit mong tattoos?"

"May sinend na pictures si Don Carlos," sabi ni Jules at ipinakita ang mga litrato sa kanyang cellphone. Litrato iyon ng isang lalaki na nakasando at may mga tattoo sa katawan. Binubuksan ng lalaki ang isang gate para palabasin ang isang itim na van.

"Satanic tattoos..." tingin ni Father Markus.

"Yes, Father."

"Saan galing 'yang mga litrato?"

"Apparently, nag-hire ang Don ng isang private investigator," sagot ni Jules habang ibinaba ang kanyang cellphone.

"Private Investigator?" pagtataka ni Father Markus.

"Alam mo na, mayaman eh, can afford," usal ni Jules. "Besides, American mentality, kahit na Español siya."

Sa maliit na TV na naka-mount sa pader ng restaurant, palabas ang noon time game show, at hudyat ng celebrity host na 14 days na lang before Christmas.

"Sana lang matapos natin itong mission bago mag-pasko," muni ni Hannah.

Nagtanguan silang lahat at sa kani-kanilang isipan ay umasang sana'y magkatutoo ang hiling ni Hannah. Matapos kumain ay nagpunta sila sa mall para bumili ng ilang mga kagamitan pambahay tulad ng mga plato, kubyertos, coffee mugs, mga unan, at bedsheets. Nag-grocery din sila ng mga supplies tulad ng mineral water, kape, itlog, mga dilata at pinuno ang ref ng mga frozen food. Muntik nilang makalimutan, pero nakabili rin sila ng dalawang mga electric fans.

Makabalik sa apartment ay nag-charge ng mga equipment si Jules, namalantsa si Father Markus ng kanyang damit pampari, vests at estola, habang nagyosi muna si Hannah bago nagpaalam umalis.

Masarapang tulog nila ng gabing iyon. Ang huling mahimbing nilang tulog ng taon.


NEXT CHAPTER: "Symbols"

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon