Chapter 4: Sa Mansyon

5K 352 31
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Maagang pinuntahan ni Jules ang apartment ni Hannah para sabay silang magtungo sa mansion ni Don Carlos Villaromano sa Forbes Park, ang milyonaryo na nagsasabing ang anak niya'y sinapian ng dimonyo. Sabado ng umaga at karamihan sa mga tenant ng apartment rows ay tulog pa, either sa pagod sa trabaho o dahil gumimik kagabi. Matao ang neighborhood na ito na malapit lamang sa Mandaluyong Circle, may mga sari-sari store, bakery, carinderia, beauty parlor at laundry service sa paligid.

Ring ng doorbell.

Ang nagbukas ng pintuan para kay Jules ay ang ka-share ni Hannah sa apartment na si Pam, na isang waitress sa bar, part-time model at promo girl. Maganda siya, mahaba ang buhok, sexy at malaki ang hinaharap. Naka-salamin pa minsan si Pam, na lalo lang nagpa-cute sa kanya. Dahil sa kanyang obvious na hotness ay ilang sa kanya si Jules.

"Oh, hi Jules!" bati ni Pam, na naka-tank top at lady boxers. Alaga ang legs niya, makinis at walang peklat.

"Ah, hi, Pam," balik ni Jules. "Ready na ba si Hannah?"

"Nasa CR. Halika, pasok ka muna."

Pumasok sa loob si Jules dala ang hard case—kuwadradong maleta na laman ang mga gadgets niya tulad ng K2 Meter, EVP recorder at video cam. Nilapag niya iyon sa sahig at naupo sa sofa. Tama lamang ang laki ng apartment para sa dalawang tao. Mga 40 square meters. May dalawang kuwartong tulugan, CR, at magkasamang kitchen, dining at living room. Dahil Christmas season ay maraming mga dekorasyon sa loob. Katamtamang laki na Christmas tree at sangkaterbang Christmas lights. Nagpalit din sina Hannah at Pam ng kurtina na kulay pula at berde, at bumili ng mga throw pillows na pampasko rin ang motif.

"Paskong-pasko a," tingin ni Jules.

"Siyempre naman!" ngiti ni Pam. "Nag-breakfast ka na ba? Tara, kain tayo."

"Thanks, kumain na ako sa bahay," sabi ni Jules.

Nasa kalagitnaan ng agahan na pancakes si Pam sa maliit na dining table. Naupo siya upang ipagpatuloy ang pagkain, at sa puwesto ni Jules sa may sofa ay tanaw niya ang magandang legs ni Pam. Lalong umiksi pa ang suot niyang boxers nang mag-cross legs, halos kita na ang panty. Nailang si Jules at umiwas ng tingin.

"Sa Sampaloc ka 'di ba?" tanong ni Pam. "Nag-rent din ako somewhere doon back in College. Ang daming kayang kainan na masarap 'dun! Mga tapsilogan, inihaw, at may steakhouse pa nga."

"M-marami," sabi ni Jules, at napatingin muli sa malayo nang mag-switch ng legs si Pam.

"Juice?" alok ni Pam, hawak ang pitsel ng orange juice.

"Sige," tango ni Jules at ito'y para na rin tumayo si Pam mula sa revealing niyang pagkakaupo. Kumuha ang promo girl ng baso para magsalin ng juice. Tumayo si Jules para abutin ang baso at dahil naman doo'y sumilip ang cleavage ni Pam at nailang na naman siya.

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon