Chapter 18: Ang Green Room

4K 314 9
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Naghanap sila ng makakainan na hindi matao at kung saan sila makakapagusap, at napadpad sila sa 24-hour na Tropical Hut Hamburger sa may Shaw Boulevard. Mabilis naman na ang biyahe pagka't mag-a-alas-tres na ng madaling araw. Kanya-kanya sila ng trip na orderin. May nag-burger, spaghetti, fried chicken, clubhouse sandwich at macaroni salad.

"Game, girl, kwento mo na..." sabi ni Hannah.

"Okay, girl," tango ni Pam.

Kinuwento ng waitress ang nangyari simula nang pumasok siya sa backstage kasabay ang mga death metal chicks hanggang sa paglabas. Aniya, marami pa raw tao sa loob, mga miyembro ng mga banda, groupies at technicians na mga nakatambay at nagkukuwentuhan. Pero, wala roon si Juan Satan, kundi'y nagtungo sila sa isang kuwarto na kulay berde ang pintuan.

"'Yan 'yung Green Room!" sabi ni Dean.

Green Room ang tawag sa kuwarto kung saan tumatambay ang mga banda bago sila sumalang ng stage. Katam-tamang laki na kuwarto at napupuno ng mga concert posters ang mga pader. Dito, puwedeng uminom at manigarilyo, pagka't pagbukas pa lamang ng pintuan ay sumalubong agad kina Pam ang makapal na usok.

"Amoy juts din," sabi ni Pam.

"Dubi lang, girl?" tawa ni Hannah.

"Oo, girl!"

"Sinong mga nasa loob?" tanong ni Jules.

"Iba-iba. Hindi lang kami ang mga babae," kuwento ni Pam.

"At nandoon si Juan Satan?" tanong ni Father Markus.

Tumingin sa pari si Pam. "Yes, Father, andun siya."

Sa dulo ng Green Room, natatabunan ng dilim si Juan Satan, nakaupo sa pang-isahang sofa na parang kanyang trono. Hawak niya'ng bote ng beer sa isang kamay at stick ng sigarilyo sa kabila.

"Hello..." bati ni Juan Satan sa kanila.

Kilala na ni Juan Satan ang death-metal chick na nag-aya kay Pam na para bang nakapag-usap na sila dati. Nagsilapit ang ibang miyembro ng Satan's Shadow upang kilatisin ang mga babae.

"Sure na ba kayo?" tanong ni Juan Satan sa mga babae. "Ibibigay ko sa inyo ang nais n'yo."

Nagsipagtanguan ang mga death metal chicks. Clueless si Pam sa pinaguusapan at nakitango na lamang. Sa grupo, angat ang kagandahan niya kung kaya't malagkit ang tingin sa kanya ni Juan Satan at ng iba pang mga Satanista. Nailang si Pam pagka't parang nakaka-hypnotize ang titig ni Juan Satan, sa iba namang mga Satanista, para bang hinuhubaran siya ng tingin.

"Ito ba ang nais mo?" tanong ni Juan Satan.

"Y...yes," may kabang sagot ni Pam.

"Tapos ano pang nangyari, girl?" tanong ni Hannah.

"Sure ka ba na hindi ka binastos?" singit ni Dean.

"Ang kulit mo, hindi nga!" medyo inis na sambit ni Pam.

Ipinagpatuloy ni Pam ang kanyang salaysay. Aniya, nalaman niya later on na ang sadya pala ng mga death metal chicks ay "eternal beauty."

"Eternal beauty?" kunot-noo ni Father Markus.

Tumango si Pam. "Yes, Father. 'Yun ang sabi nila."

Ayon sa mga death metal chicks ay kaya raw i-promise ni Juan Satan sa kanila ang eternal beauty, which means mananatili silang maganda sa mahabang panahon.

"At paano nila makakamit ito?" tanong pa ni Father Markus.

"Sa isang Satanic ritual, Father," sabi ni Pam.

"Satanic ritual?" paglaki ng mga mata ni Dean at napa-kurus bago sumubo ng clubhouse sandwich.

Natahimik sila nang bahagya. Kinilabutan. Tinanong ni Jules kung kailan at saan magaganap ang nasabing ritual, more importantly, anong klaseng ritual ito.

"Hindi pa namin alam," sagot ni Pam. "Pero, may kinalaman daw sa isang lalaki na ime-meet daw namin dahil siya daw magbibigay ng "gift" na eternal beauty. 'Yung lalaki daw ay may direct line mismo kay Satanas. Na nakakausap daw niya at nabibigyan siya ng power."

"Wow, girl, ha, really?" react ni Hannah.

"Oo, girl!"

Natahimik sila. Inaabsorb ang hindi kapani-paniwalang nalaman. Isang ritual na nagbibigay ng eternal beauty para sa mga vain na tao? Anong role ni Juan Satan dito? Sino ang mahiwagang lalaking nakakausap si Satanas? Lumalalim ang misteryo na may kinalaman sa demonic possession ni Miguel. Nadismaya nga lang sila pagka't ang petsa ng ritual ay December 25.

"There goes Christmas," malungkot na usal ni Dean.

"Nakuha mo ba pangalan nung lalaking may kapangyarihan daw?" tanong ni Jules.

Napatigil si Pam sa pagkain ng spaghetti. "Shit," aniya. "Hindi ko matandaan right now."

"Tandaan mo, girl!" hikayat ni Hannah.

Matapos kumain ay nakaramdam sila ng pagod at antok. Minungkahi ni Father Markus na kausapin nilang muli si Bishop Israel para pagusapan ang susunod na gagawin. Mga antok silang nagsisakayan sa Revo na maneho ni Hannah patungo ng apartment nina Jules at Father Markus, at kung saan makikitulog muna si Dean. Tahimik ang biyahe nila pauwi. Sa pinakalikuran ay magkatabi sina Dean at Pam na nakasandal sa balikat ng drummer.

Nguni't, hindi pa sila nakakalayo nang biglang natanggal ang kanilang antok.

Pagka't biglang naalala ni Pam ang pangalan ng lalaking nakakausap ni Satanas—ang lalaking umano'y makapagbibigay ng eternal beauty.

"LUCAS! Lucas ang pangalan niya!"

Sakahabaan ng Buendia Avenue ay biglang napapreno ang Revo.


NEXT CHAPTER: "The Deal"

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon