Chapter 31: Reunion

4.2K 309 31
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nang buksan nina Don Carlos Villaromano at ng Doña ang pintuan ng kanilang bahay ay naluha sila sa nakita sa labas.

Kaharap nila si Lucas.

Agad nilang nilapitan ang anak at niyakap.

At nang humakbang si Lucas sa loob ng mansion, ay naroon si Miguel na naghihintay sa kanya. Nagtagpo ang magkapatid na para bang humarap sila sa salamin. Identical twins. Ang pinagkaiba lamang ay kanilang mga buhok, si Miguel na long hair at si Lucas na maikli ang gupit. Nagakapan ang magkapatid nang mahigpit. Ganoon na lang ang kasiyahan ng mag-asawang Villaromano na ma-reunite muli ang kanilang mga anak matapos ang dalawang taong sila'y nahiwalay na walang komyunikasyon. Ang mayordoma, maid, at driver ay puno rin ng kagalakan sa tagpuang ito.

Naroon sina Father Markus, Jules, at Hannah, masaya sa matagumpay na raid nila sa Bahay na Itim at pag-rescue kay Lucas sa kamay nina Juan Satan at ng mga Satanista.

"Thank you!" paglapit sa kanila ng Don at Doña. "We owe you a great debt!"

"Hindi po mangyayari ito kung 'di dahil kay Mang Andy at Tony," sabi ni Hannah.

"Y...yes, of course," sabi ng Don, at napatingin sa labas, pagka't naroon sa nakaparadang Revo si Andy.

Pero hindi pa tapos ang kanilang kalbaryo sabi ni Father Markus. Pagka't may gagawin pa silang Double Exorcism. Normal man sina Miguel at Lucas sa sandaling ito, ay tiyak na babalik si Satanas upang angkinin ang dalawa.

Sa may Revo, nagsindi ng sigarilyo si Andy habang pinapanood sila. Wala man sa brusko niyang karakter, ay ngayo'y pinipigilan niyang maging emotional—masaya lang na nagawa niyang parte niya para mapagsama ang magkapatid. Maya-maya'y nag-ring ang kanyang cellphone. Tawag mula kay Tony. Ibinalita ng kanyang partner na naibaba na nila nina Marissa at Vic ang mga death metal chicks sa area ng Cubao. Sina Dean at Pam nama'y nauna na ring naihatid nila sa apartment. Nang matapos ang tawag ni Andy ay sakto namang papalapit si Don Carlos.

"Good job, Mr. Madrid, hindi ako nagkamali sa pag-hire sa 'yo," sabi ng Don at kinamayan si Andy. "You are worth every penny."

"Just doing my job," ngiti ni Andy. "And speaking of..."

"Yes, yes," mabilis na sabi ng Don. "Come back tommorow, I'll have your check ready."

"Sure."

Saglit na nag-pause ang Don bago sinabi, "They'll be conducting the exorcism tomorrow. You should stick around. We have food at sa bar, ang paborito mong Johnnie Walker blue..."

Na-sense ni Andy na hindi lang iyon kaswal na imbitasyon, kundi'y sa tono ng Don, ay tila kailangan pa siya nito. Iyon din naman ang sinasabi ng instinct ni Andy. Alam niyang hindi pa iyon ang huling interaksyon nila sa mga Satanista. Nang sabihin ni Juan Satan sa kanya na magkikita silang muli ay alam niyang mangyayaring muli iyon. Sa ginawa niya sa mga Satanista, ang pag-raid nila sa Bahay na Itim, ang pagsampal niya ng baril sa matandang Reverend, at ang pagratrat nila ng mga baril sa kanilang van, ay alam ni Andy na nakagawa siya ng kalabang mortal kay Juan Satan. Alam niyang hindi ito titigil hangga't hindi nakakaganti.

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon