Chapter 28: Ang Bahay na Itim

4.1K 301 15
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Napa-kurus si Dean. "Ito 'yung naririnig kong tinatawag na "Bahay ni Satanas," may takot na sabi ng Christian Metal drummer. "Akala namin hearsay lang, tutoo pala."

Sa San ildefonso, Bulacan natunton nina Father Markus, Jules, Hannah, at Dean, kasama sina Andy, Tony, at ang dalawa pa nilang kasamahan sa opisina na sina Marissa at Vic, ang kuta ng mga Satanista kung saan magaganap ang "eternal beauty" ritual. Ang tinatawag na Bahay na Itim sapagka't ang buong bahay ay pinturado ng kulay itim. Nahanap nila ito sa pamamagitan ng GPS tracker na itinago ni Andy sa bag ni Pam. Si Pam na ngayo'y kasama ng mga death metal chicks at nila Juan Satan doon sa loob ng bahay.

"Shit! Ito din ata 'yung "Crying House!" sabi ni Hannah.

Ayon sa mga kuwento ay maririnig daw ang mga iyak na nagmumula sa mga pader at kisame ng bahay. Noong dekada otsenta ay marami raw nangyaring mga krimen dito. "Off limits" kung kaya't hindi pa lubusang nado-document ng mga paranormal investigators.

"Simbahang Itim...Black Church ang iba pang tawag sa kanya," dagdag ni Father Markus.

"Kahit ano pang itawag nila d'yan, ang kailangan natin ay ma-rescue si Lucas, 'yun ang mahalaga," sabi ni Andy.

Nakatago sila sa likuran ng puno't matataas na mga halaman sa di-kalayuan kung saan tanaw nila ang bahay.

"Okay, dito lang kayo," sabi ni Tony, pagkasabi'y nakayukong nagtungo siya papunta ng Bahay na Itim dala ang kanyang di-sabog at siya'y nawala sa dilim.

Makaraan ang ilang minuto ay narinig nila ang kaluskos.

"Tony?" tawag ni Andy.

"Ako nga."

Tinamaan ng sinag ng buwan si Tony habang nakayuko siyang lumapit sa kanila.

"Dalawa ang entrance," sabi ni Tony. "Walang bantay sa likuran, sa harapan may dalawang armadong Satanista."

"Papasok tayo sa kalagitnaan ng sinasabi n'yong ritual, para ma-sorpresa natin sila," sabi ni Andy. Nagtanguan ang lahat. Tanong pa niya, "Itong "eternal beauty" ritual na ito, ano bang alam n'yo tungkol dito?"

"Okay, ayon sa Satanic Bible, may tatlong klase ng ritual ang mga Satanists," panimula ni Jules.

Satanic Bible. Ang bibliya ng mga Satanista ay isinulat ng American occultist na si Anton Szandor LaVey noong 1969. Si LaVey ang tinaguriang father of modern Satanism ay siyang founder ng Church of Satan at unang high priest din nito.

"Sex, Compassion, at Destruction, 'yan ang tatlong rituals," patuloy ni Jules. "Sex as in love or charm spells ay ritual kung gusto mong ma-inlove sa iyo ang isang tao. Compassion rituals naman ay kung gusto mong maging successful sa buhay, sa negosyo, etcetera. At 'yung Destruction rituals naman ay para pumatay ng tao. Ito 'yung mga tinatawag na curse spells or hex."

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon