Chapter 16: Ang Satanic Groupie, Jesus Fish at Si Emily Rose

4.8K 308 52
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Pakiulit nga," kunot ng noo ni Dean habang hinawi ang kanyang long hair. "Gusto n'yong sumali ako sa mga Satanista?"

Nasa apartment sila at nakaupo si Dean sa maliit na dining table kaharap sina Father Markus at Jules. Dinig ang ingay ng mga pampasaherong jeepney at tricycle mula sa bintana. Alas otso trenta ng umaga at busy na ang bagong araw. Sa bangketa, naglabasan na ang mga nagbebenta ng mumurahing Christmas gift wrappers at ang beauty parlor sa kanto ay nagpapatugtog na ng Christmas songs—'yung mga diva versions.

Kagabi ay tinawagan ni Hannah, kahit na gabundok ang kanyang pagtutol, si Dean, ang drummer na naka-date niya na sa kanyang disappointment ay is palang Born-Again Christian. Doon sila nagkita sa apartment nina Father Markus at Jules at after ipakilala si Dean ay umuwi muna ng kanyang apartment si Hannah.

"Not exactly," sabi ni Jules. "Magpopose ka na fan ng isang Satanic metal band."

"Gusto n'yo kong maging groupie?" taas-kilay ni Dean.

"Exactly," sagot ni Jules. "Ng bandang Satan's Shadow. Narinig mo na ba sila?"

Napaigtad si Dean nang marinig ang pangalan. "Kilala ko sila," aniya. "Si Juan Satan ang lead vocals nila. Pero, like, mga rivals namin sila. 'Yung banda ko kasi Christian Metal."

"Christian Metal?" ulit ni Father Markus. Ngayon lang niya narinig ang term.

"Metal din ang tugtugan namin, Father," sabi ni Dean, and with pride sinabi, "Pero siyempre, pinopromote namin ang mga teachings ni Jesus."

"Ahhh..." sabay na sabi nina Father Markus at Jules.

"Beatlehem ang pangalan ng band namin," sabi ni Dean.

"Excuse me, Beat...lehem?" taas ng kilay si Jules.

"You know, "beat," tapos "Bethlehem" kung saan ipinanganak si..."

"Si Jesus. Yes, we get it," interrupt ni Jules. Wari niya'y para ring Beatles ang name ng banda ni Dean, at may chance na ma-mispronounce na Beatle-hem.

Sa mesa ay may pa-breakfast silang Jollibee para kay Dean.

"Marami din kaming fanbase," pagmamalaki ni Dean habang sumubo mula sa kanyang longganisa rice meal. "Actually, marami kaming naka-line-up na gigs kasi you know, pasko. Onga pala, pabalik na ba si Hannah?"

Sinabi ni Jules na pabalik na siguro. Kita niyang interesado pa ang drummer kay Hannah, kaya't brineak na niya ang bad news sa kanya, na hanggang friends lang daw sila. Nalungkot si Dean. Sobrang type lang niya talaga si Hannah at hindi pa siya nakaka-get-over sa date nila. Hindi pa rin niya alam kung bakit nag-walk out ang psychic. Nang tawagan siya muli ni Hannah ay akala niya'y may pag-asa pa, yun pala'y Friendszone na lang. Ngayon, nagdalawang-isip na tuloy si Dean sa pinapagawa nila.

"I'm sorry," iling ng drummer. "Pero, parang ayaw ko atang ma-involve dito. Bukod sa delikado eh bawal sa Christian fellowship namin."

Nagbuntong-hininga si Father Markus, hindi naman nila siya mapipilit. "We understand kung 'yan ang desisyon mo."

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon