Chapter 22: Caroling

4.5K 314 49
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kalansing ng mga tansang flinat na kinumpol sa alambre. Tambol na gawa sa lata ng gatas na may cellophane na tinalian ng lastiko. Ito ang namimiss ni Bishop Israel na makita tuwing pasko sa mga nangangaroling. Isang tradisyon na tila nawala na. Ngayon, boses na lang ang puhunan ng mga namamaskong mga bata. Ni hindi nga maganda ang kanilang pagkanta. Ganon pa man, mababa ang loob ng obispo sa mga bata at binilinan si Arturo na abutan sila ng barya. Kung hindi lamang abala si bishop ay siya mismo ang mag-aabot, pero may mabigat na suliranin siyang hinaharap hatid ng balita mula sa JHS.

"Namamasko po!" sigaw ng mga bata.

Tatlong araw na lamang ay Pasko na at alas-sais pa lamang ng gabi ay may mga nangangaroling na. Inabutan sila ni Arturo ng barya.

Thank you, thank you, ambabait ninyo, thank you.

Dinig ni Bishop Israel ang pasasalamat ng mga bata mula sa library. Suot niya'y kanyang blue robe at nakaupo sa kanyang easy chair.

"Okay, so where were we?" sabi niya.

Kaharap niya sina Father Markus, Jules at Hannah na mga nakaupo sa sofa.

"Identical twins..." paalala ni Jules.

"Isang possessed..." sabi ni Father Markus.

"...at isang vessel of the devil!" dugtong ng obispo.

"Kung vessel si Lucas, ibig sabihin eh possessed din siya," sabi ni Hannah.

"Yes, Hannah," confirm ni Jules. "At nagkamali tayo sa theory nating split personality."

"Well, that explains everything!" exclaim ni Bishop Israel. "Satan comes and goes because he goes back and forth between the twins."

"So, tuwing ine-exorcise ko si Miguel ay lilipat lang siya kay Lucas," pag-realize ni Father Markus. "Kaya siya nakakatakas."

"Exactly, Markus," sabi ng bishop.

"Sooo, anong next step natin?" tanong ni Hannah.

Kung may makakasagot ng tanong na iyon ay walang iba kundi si Jules. Ang ikanga'y brains of the outfit. At alam na niya ang gagawin nila. "Kailangan natin si Lucas and Miguel at the same time, in the same room," sabi ni Jules

"A double exorcism!" bulalas ni Bishop Israel. "This could be a first!"

Lumundag ang kanilang mga puso. Double exorcism. Ni wala silang alam na kaso in recent history na may nag-perform nito. Sabi ni bishop, tanging si Hesus lamang daw ang umano'y nakagawa nito nang i-cast out niya ang mga demons sa dalawang lalaki mula sa bayan ng Gadarenes sa Silangang bahagi ng Sea of Galillee. Ito'y nasa Matthew 8, bersikulo 28 to 34. Nang tanungin ni Hesus ang pangalan ng dimonyo, sinabi nitong "Legion. For we are many." Ito'y dahil ayon din sa istorya, anim na libong demons ang nag-possess sa kanila.

"Six thousand? Exaggerated lang?" sabi ni Hannah.

"Well, let's just stick to reality," sabi ni Bishop Israel.

"Double exorcism! Fuck, yeah!" bulalas ni Hannah.

"Language, Hannah," sita ni Bishop Israel.

"Sorry," nahihiyang ngiti ng psychic.

Nasabi na nila sa Bishop ang tungkol sa "eternal beauty" ritual na magaganap sa Pasko kung saan naroon si Lucas. Ang problema nila'y sina Juan Satan at ang kanyang mga Satanista, na ayon kay Andy ay armado ng mga baril, kung kaya't kailangan nilang mag-train din na humawak ng baril.

"For protection," sabi ni Father Markus.

"Of course," tango ni Bishop Israel, at tinanong, "This private investigator...Andy Madrid...do you trust him?"

Ayon kay Hannah ay okay naman si Andy. Mahusay sabi naman ni Jules. Pero, kung may makakaalam ng tunay na pagkatao ng private investigator ay walang iba kundi si:

"Markus?" tingin ng obispo.

Tumango ang pari. "I trust him," aniya.

At hinawakan siya sa balikat ng obispo. "Well then, proceed. In the meantime, I'll get your permit for a double exorcism." At sa lahat, sinabi, "Ito na yata ang pinakamahirap na kaso ng demonic possession na nahawakan natin. Be careful all of you."

***

Kinabukasan ay nagtungo sila sa firing range upang matutong gumamit ng baril. Pinagpilitan ito ni Andy para rin sa kanilang kaligtasan. Kung haharapin daw nila ang mga Satanista ay mabuti nang armado ng baril kesa ng dasal.

"Well, may katwiran naman siya," sabi ni Hannah habang maneho ang Revo. Sakay niya sina Father Markus, Jules, Pam, at Dean. Sa Makati Cinema Square ang destinasyon nila kung saan may mga firing range. Doon nila ime-meet sina Andy at Tony.

"Ngayon lang ako makakahawak ng baril, girl," kabadong sabi ni Pam, katabi si Dean sa pinakalikuran.

"Kahit naman ako, girl," sabi ni Hannah.

"Nakahawak na ko ng baril," pagmamayabang ni Dean. "'Yung baril ng Dad ko, Desert Eagle pa nga eh."

"Ikaw na," taas ng kilay ni Hannah, tapos si Jules naman ang pinagdiskitahan. "Ikaw Jules, nakahawak ka na ba ng baril? Ano bang sandata ang gusto mong mahawakan?" Sabay tawa ng psychic.

"Fuck you, Hannah Claire," mataray na sabi ni Jules.

Habang nagbibiruan ang apat ay tahimik lamang si Father Markus, lunod sa pag-iisip.

Double exorcism. Ito ang laman ng isipan niya at kung magwawagi sila. Malaki ang tiwala niya sa team niya, pero, hindi biro ang sabay na exorcism ng dalawang possessed, lalo na kung ngayon pa lamang nila ito masusubukan. Hindi ka nakasisiguro sa magiging outcome. May mga panganib sa kadiliman na hindi mo inaasahan.

Makarating sa Makati Cinema Square ay naroon nang naghihintay sina Andy at Tony sa firing range. Sama-sama silang humilera hawak ang mga baril at suot ang ear mufflers. Si Tony ang instructor nila.

Fast learner naman silang lahat. Although, medyo nahirapan si Tony kay Pam, pagka't tuwing magpapaputok ang waitress, promo girl at part-time model ay pumipikit ito. Natuwa naman ang ibang regulars sa firing range at nagsitambayan pa para panoorin si Pam, lalo na't lumulundag ang boobs niya kasabay ng recoil ng baril. Samantala, isang natural si Hannah sa paggamit ng baril. Sa lahat, siya ang pinaka-okay ang resulta sa kanyang target sheet. Kasunod, si Father Markus, followed by Dean at Pam, samantalang si Jules ang pinakasablay—malayo ang mga puntirya niya.

"Ang olats mo lang, Jules! Talo ka pa ni Father!" tawa ni Hannah.

Nang matapos sila ay dumiretso sila sa isang authentic Japanese restaurant para kumain at mag-usap. High pa sila sa rush dulot ng kanilang trip sa firing range na nagbigay sa kanila ng confidence para sa mission nila.

"Balik tayo uli," masayang sabi ni Pam. "Gusto ko namang i-try eh semi-automatic."

"Easy lang, girl!" tawa ni Hannah.

Babala ni Andy ay huwag nilang ia-underestimate ang mga katunggali—may utak din ang mga Satanista. Mga halang ang mga bituka.

"Mga Satanista pa," agree ni Hannah. "Lalo na kung naniniwala sila na protektado sila ni Satan. Feeling nila invincible sila."

"Paano nga pala si Don Carlos?" tanong ni Jules.

"Let'spay him a visit," sabi ni Father Markus. "Gusto kong marinig mula mismo sakanya ang katotohanan tungkol kay Miguel at Lucas. Oras na para malaman angsikreto ni Don Carlos."


NEXT CHAPTER: "The Vessel"

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon