Chapter X

4K 318 41
                                    


Abril

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Abril.

Naglalakad sina Jules at Hannah sa loob ng mall. Sabado, kaya't maraming tao na nagshoshopping at para kumain. Suot ni Hannah'y rock tees, ripped jeans at Chucks, si Jules, t-shirt at corduroy niyang pantalon, plus Vans, 'yung red. Marami silang dalang mga shopping bags. Sa nakuhang kabayaran nila mula kay Don Carlos, ay nakapag-shopping spree sila para sa darating nilang trip abroad. Si Jules ay may bagong Nike at Adidas na rubber shoes habang si Hannah ay Converse. Kapuwa sila namili ng mga bagong Levi's, at dumaan din sa Mango, Berksha, Old Navy at Uniqlo.

"CD? May bumibili pa ba ng CD?" pang-aasar ni Jules kay Hannah pagka't balak ng psychic na bumili ng bagong CD. "Spotify na lahat ngayon."

"Bakit ba, Jules?" irap ni Hannah. "Eh, sa mahal ko 'yung CD player ng van ko. Marami kaming pinagsamahan nun."

"I-plug mo na lang kaya 'yung iphone mo..."

"E sa walang USB 'yun eh."

"Ang olats lang!" pag-asar ni Jules.

"Pake mong, becky ka."

Napahinto si Jules at tinignan ng masama si Hannah. Napangiti si Hannah na may "oops" reaction sa kanyang mukha.

"Umayos ka, Hannah Claire," nakasimangot na sabi ni Jules sa kanya.

"Tara na kasi," aya ni Hannah.

Nang makarating sila sa record store ay kakaunti ang tao sa loob nito, mas marami pa ang clerks kaysa sa mga customers. Ni wala ngang tumitingin sa mga CD racks.

"Plaka na lang kasi, at least, bumabalik sa uso," muni ni Jules.

"Bakit, nakakita ka na ba ng record player na pang-sasakyan?" pagdilat ni Hannah.

Nag-roll ng eyes si Jules at nagbusy-busy-han na lang sa kanyang i-phone.

Maya-maya'y biglang napasigaw si Hannah.

"What the fuck?!"

Hawak ni Hannah ang isang CD.

"Bakit?" nagtatakang lapit ni Jules.

Ipinakita ni Hannah ang hawak CD, at nagreact din si Jules nang makita ang cover.

"Shit!"

Walang kaduda-duda kung sino ang mga nasa cover.

Ng isang Hip-hop album.

Ang anim na mga Satanista na nakatakas mula sa mansion. Pero, iba na ang hitsura nila. Pormang hip-hop na, maluluwag na t-shirt at jeans, baseball caps, white na Adidas at namamayagpag sila sa mga bling-blings. Nakaporma ang anim na mga lalaki sa harap ng black na Chrysler 300C na nakaparada sa slum area. Sa paligid nila, may mga nagse-seksihang mga hip-hop bitches na may pagkapamilyar din ang mga fez.

"'Di ba sila 'yung mga Satanista?" sabi ni Hannah.

"Nga rappers na sila?" pagtataka ni Jules. "And look! 'Yung mga bebot nila, 'di ba sila 'yung mga death metal chicks?"

"Fuck! Oo nga 'no!" bulalas ni Hannah.

Okay, it turns out na after makapagnakaw ang limang mga Satanista sa mansion at na-reveal sa atin na hip-hoppers pala'y ginamit nilang perang ninakaw at ang pinagbentahan ng mga alahas at paintings para ma-finance ang kanilang debut album at music videos. Nakapagtayo pa nga sila ng sariling record label. Ang pangalan ng group nila?

Beelzerap

Nakipagkita rin sila sa mga death metal chicks na hip-hoppers din na kanilang naging mga girlfriends. Booty call 'yo!

Pero, makaraan ang ilang buwan na sila'y sumikat sa radyo at youtube ay hinuli sila ng mga pulis. Ito'y makaraang matunton ng NBI (ang tutoong NBI) ang Chrysler 300C sa kanila. Iyon ay dahil nakalimutan nilang palitan ang plate number nito na lumabas pa sa kanilang album cover. Nang imbestigahan (at i-interrogate), ay nagsipag-aminan ang anim. Dahil sa mga confessions nila'y natunton ng mga pulis ang mga paintings at mga alahas na binenta, kasama na ang Chrysler at naibalik ang mga ito kay Don Carlos. Kasalukuyang nasa piitan sila ngayon...kung saan shinushoot ang kanilang bagong music video.

"Shit! Bibilhin ko ito!" tawa ni Hannah at nagmamadaling nagtungo sa cashier.

"Hoy! Akala ko ba alternative rock ka!" habol ni Jules.

"Kesa naman sa mga diva na gusto mo!" pagtaray ng psychic.

Pauwi sakay ng Hi-Ace ay iyong album ng Beelzerap ang pinatugtog nila.

And in fairness, maganda ang album.

THE END.

Copyright © 2018 All rights reserved.

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon