Chapter 6: The Possessed

4.4K 320 17
                                    

Nang makita ni Miguel na nag-uusap sa labas ng kanilang mansion ang kanyang mga magulang at sina Jules at Hannah, ay may ideya na siya kung ano ang pinaguusapan nila, at kung sino itong mga tao na hinire ng kanyang mga magulang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang makita ni Miguel na nag-uusap sa labas ng kanilang mansion ang kanyang mga magulang at sina Jules at Hannah, ay may ideya na siya kung ano ang pinaguusapan nila, at kung sino itong mga tao na hinire ng kanyang mga magulang. Nahuli niya sila sa kanyang kuwarto na wari niya'y nagiimbestiga at hinalungkat pa ang kanyang mga gamit. Alam niyang naroon sila para sa kanya.

Aware din naman si Miguel sa nangyayari sa kanyang sarili. Sa kanyang katauhan. Ang madalas niyang pag-iinit ng ulo, ang magaspang niyang asal sa mga tao, lalo na sa kanyang mga magulang. Mga bagay na hindi niya lubusang ma-kontrol.

May kung anong galit ang namuo sa kanyang kalooban. Matinding poot sa Diyos na hindi na niya masikmurang magdasal o magtungo sa simbahan. Tuwing makakakita siya ng litrato ni Hesus ay kanya iyong pinupunit. Ganoon din sa mga imahen ni Birheng Maria, ng mga santo't mga anghel. Itinapon na niya ang kanyang bibliya. Hindi na niya kayang tumuntong sa loob ng simbahan.

Aware din siya sa pagbabago sa kanyang katawan. Noong isang linggo ay nadiskubre niya ang kakaibang mga pasa sa kanyang balat na basta na lamang naglitawan.

Sa banyo ng kanyang kuwarto, nakaharap si Miguel sa salamin at tinanggal ang kanyang pang-itaas. At kita sa kanyang katawan, dibdib, tiyan, at ribcage ang mga pasa—na kung titignang mabuti ay tila hugis kamay. Mga marka na para bang gawa ng mahahabang mga daliri.

"Fuck," mura ni Miguel.

Nilapit niyang kanyang mukha sa salamin. Maputla ang kanyang kutis at natutuklap ang kanyang mga labi. Ibinuka niyang kanyang bibig at nakitang naninilaw ang kanyang mga ngipin, at ang kanyang dila ay nagkukulay alikabok.

"Fuuucckkkk!" mas gigil niyang sabi.

Nagmamadali siyang lumabas ng banyo. Madilim ang loob ng kanyang kuwarto pagka't sarado ang mga kurtina. Bagama't pasado alas-dos pa lamang ng hapon ay akala mo'y gabi na. Sa loob ng kuwarto ni Miguel ay walang sense of time.

Dinakma ng binata ang kanyang cellphone sa bedside table at may idinial na numero. Makailang ring ay may sumagot.

"It's me, it's Miguel," tense na sabi niya sa telepono. Hindi siya mapakali. Palakad-lakad siya sa loob ng kuwarto. "It's getting worse! What the fuck is happening to me?!"

"Cool ka lang," sabi ng boses ng lalaki na kanyang kausap. "Mabuti pa pumunta ka rito at mag-usap tayo."

"I can't!" gigil na sabi ni Miguel. "My dad won't let me use the car!"

Banned na si Miguel sa paggamit ng kotse. Hawak ni Don Carlos ang mga susi ng kanilang mga sasakyan.

"Okay, susunduin ka namin," sabi ng lalaki sa kabilang linya.

Balisa si Miguel na hindi siya agad nakasagot.

"Okay?" paniniguro ng kanyang kausap.

"O-okay," mahinang tugon ni Miguel. Ibinaba niya ang telepono at nahiga sa kamang nakatitig sa kisame.

Si Miguel ay hindi typical na teenager. Hindi siya mahilig sa mga materyal na bagay, kahit na kayang ibigay sa kanya ang lahat ng gusto niya. Kahit na bilhan siya ng mga nagmamahalang latest gadgets ay kanya lamang itinatambak iyon sa kuwarto. Wala siyang interes sa mga bagay na iyon.

Walang magagawa ang pera para mawala ang nararamdaman niyang lungkot na buong buhay na niyang dinadala. Ang hinanakit na dulot ng isang pangyayari na wumasak sa kanilang pamilya—at ang bunton niya ng sisi ay ang kanyang mga magulang, partikular sa kanyang ama. Kung kaya siya nagrerebelde. Kung kaya siya sumali sa grupong iyon. Sa grupo ng mga Satanista. Pinangakuan siyang matutulungan siya ng mga ito. Na bibigyan siya ng mga kasagutan.

Pero, nasaan ang mga kasagutan?

Bakit tila lumalala pa ang lahat?

Pagkatapos ng tawag ay nahiga si Miguel at pumikit. Ilang beses niyang ninais na tuwing didilat siya'y nagbalik na sa normal ang lahat. Nawawalan na siya ng kontrol sa sarili.

Makaraan ang ilang oras ay nadinig ni Miguel ang busina mula sa labas ng bahay. Agad siyang tumayo, sumilip sa bintana, at nakita ang heavily-tinted na Ford van sa tapat. Dalian niyang isinuot ang kanyang rubber shoes at ang jacket na nakasampay sa upuan at nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Mabibigat ang kanyang mga yapak sa hagdanan. Si Don Carlos na nasa sala ay napatigil sa pagbabasa ng diyaryo at napatayo. Saktong nakita niya na papalabas ng bahay ang anak.

"Miguel! Where are you going?" sigaw ng Don nguni't hindi siya pinansin ng anak na dire-diretso lamang palabas ng bahay. Sinundan niya si Miguel at nakitang sumakay ito sa itim na van na humarurot paalis. Pamilyar ang van sa Don pagka't may ilang beses na niyang nakita itong dumaan sa mansion. Nasulyapan na niya ang ilang mga lulan nito—ang mga kaibigan ni Miguel na parte ng isang kulto—silang may mga tattoo sa katawan.

Makaalis ang van ay natanaw naman ng Don ang kulay blue na Nissan pick-up truck na sumunod sa van. Kanina pa iyon na nakaparada malapit sa mansion na para bang naghihintay lamang. Nang mapadaan ang pick-up truck sa kanyang tapat ay nagkatinginan sila ng driver nito—isang may edarang lalaki. Tumango ito kay Don Carlos na para bang kilala siya, at pinitik ang upos ng sigarilyo na naiwan sa kalsada. Pinanood ng Don ang pick-up truck na pasunod sa itim na Ford van na lulan si Miguel hanggang sa mawala ang mga ito sa kanto, at saka pa lamang siya pumasok ng bahay.

Sa loob, nakasalubong niya ang Doña. "Si Miguel?" tanong nito.

"He went out."

"Yun na naman bang itim na van?"

"Y-yes."

"Carlos, we should report it to the police," concerned na sabi ng Doña. "Baka kung anong kapahamakan ang mangyari kay Miguel. We need to know kung sino ang mga kasama niya..."

"It's all taken care of," sabi ng Don.

"What do you mean, Carlos?" tanong ng Doña.

"Ihired someone para sundan si Miguel," sagot ng Don. "A professional."


NEXT CHAPTER: "The Private Detective"

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon