Chapter 17: Black Nativity

4.6K 291 31
                                    

Nagkalat ang mga naka-black na t-shirt at dark jeans

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagkalat ang mga naka-black na t-shirt at dark jeans. Sapatos nila'y Chuck Taylors o leather boots. Naka-print sa t-shirts ang naglalakihang pangalan ng mga heavy metal bands na may mga disenyo na mga bungo, kalansay at zombies na bumabangon mula sa hukay. May mga long-hair. May mga skinheads.

Nakatambay ang mga "death metalheads"—mga die-hard fans ng mas extreme music na death metal sa labas ng entrance ng isang club sa Cubao—isang parisukat na building na mukhang malaking bodega. Nagyoyosi at nagve-vape. Grupo-grupo. Ang usapan nila'y usapang banda.

"Man, hindi pa rin ako makapaniwala na nagpunta dito ang Slayer," sabi ng isang metalhead habang ipinagmamalaki ang t-shirt na nabili niya sa nasabing concert bagama't overpriced. "May hung-over pa ko!"

"Ako din, bro," sagot ng kausap. "Metallica na lang kumpleto na ang big four!"

"Gago!" sigaw ng isa na mas matanda sa kanila. "Nagpunta na dito ang Metallica, pero malamang nasa-Elementary pa lang kayo!"

Malakas na tawanan.

Ayon, sa napagplanuhan nina Father Markus, Jules, Hannah, Andy, Dean, at Pam, ay kanilang i-infiltrate ang grupo ng mga Satanista na kinabibilangan ni Miguel, na ang pinuno ay si Juan Satan ang lead vocalist ng bandang Satan's Shadow. Ito'y para makakuha ng kasagutan sa demonic possession ni Miguel na kanilang iniuugnay sa Satanism. Kaya't heto't nasa isang gig ng Satan's Shadow sina Dean at Pam na nagpo-pose bilang mga groupies.

Gabi ng concert, at ilang minuto na lamang ay magsisimula na ito. Kasama sina Dean at Pam na naghihintay sa pagbubukas ng gate ng club. Kuntodo porma sila, nakisabay sa alon ng mga black shirts. Bagong bili pang mga death metal t-shirts nila. Si Pam ay suot ang earrings na pentagram habang si Dean ay may mga tattoo ng inverted cross at 666 sa braso.

"Matatanggal naman ito agad, 'di ba?" pag-alala ni Dean sa kanyang mga tattoo.

"Oo naman, henna lang 'yan noh," kalabit ni Pam.

Naiilang si Dean pagka't hindi raw ito ang "scene" niya, lalo na't hindi lang death metal ang tugtugan kundi may black metal pa—ang pinaka-Satanic na subgenre ng death metal. Natatakot din siya na baka mamukaan siya'ng drummer ng Christian band niyang Beatlehem, kung kaya't ibinagsak niyang kanyang mahabang bangs para takpan ang kanyang mukha.

"Mapapansin ka ba dito, eh pare-pareho lang porma n'yo?" sabi ni Pam.

Hindi talaga mapapansin si Dean, pagka't kay Pam nagsisipagtinginan ang mga metalheads. Naka eyeshadow, eyeliner at dark red lipstick ang waitress, promo girl at part-time model kung kaya't lalong naging "hot as hell."

Pansamantalang natigil ang usapan ng mga naghihintay nang magdatingan ang grupo ng anim na mga death metal chicks. Malakas ang dating nila—mga naka-ripped jeans, leather boots at may mga magagandang tattoo sa katawan. May mga hitsura. Mapuputi at sexy.

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon