Chapter 12: Satan!

4.7K 345 34
                                    

How art thou fallen from heaven, O Lucifer, son of the morning! how art thou cut down to the ground, which did weaken the nations!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

How art thou fallen from heaven, O Lucifer, son of the morning! how art thou cut down to the ground, which did weaken the nations!

                                                                                                                                                                Isaiah 14:12

"My God!" bulalas ni Bishop Israel at inabot ang saklay na nakasandal sa kanyang easy chair para siya makatayo. "Are you sure?"

Nasa loob sila ng study room ng bahay ng bishop, kuwarto na napapaligiran ng maraming mga libro sa mga bookcases. Isang bookaholic ang Kastiloy na obispo at matapos kumain at makapagsuot ng robe ay nagretiro siya roon upang magbasa. Kakaumpisa pa lamang niya sa isang libro nang dumating sina Father Markus, Jules at Hannah na may masamang balita. Alas siyete ng gabi.

"Walang duda," sabi ni Hannah. "Sa mga powers na pinakita niya."

Lumingon sa kanila si bishop. "At anong mga powers ito?"

Sinabi nila na tila nabasa ng dimonyo ang kanilang isipan, at na binigyan sila nito ng vision ng hell. Iyon ang nangyari sa unang engkuwentro, sa "pagpapakilala" nilang tatlo kay Miguel at sa nag-possess sa kanya na walang iba kundi si Satanas mismo, si Lucifer.

"But how?" Hindi pa rin makapaniwala ang bishop. "The devil is not omniscient. Only God is. Diyos lamang ang nakakaalam ng iniisip natin. The devil is playing with you. Hinuhulaan lang niya'ng iniisip n'yo."

Ayon sa bibliya at mga scholars, si Satan ay hindi omniscient, hindi niya alam ang lahat o ang iniisip ng tao, at hindi rin siya omnipresent, hindi siya everywhere at the same time, kundi'y marami siyang mga alagad, mga fallen angels na tulad niya na gumagawa ng kanyang mga utos.

"Markus..." siryosong tingin ng bishop sa pari. "Are you sure?"

Taimtim na tumango si Father Markus, at sapat na iyon para siya'y paniwalaan.

"Satan himself. Tha angel Lucifer," buntong-hininga ni Bishop Israel habang naupong muli sa kanyang easy chair. "What can I say, mukhang nakuha n'yo ang atensyon ng hari ng impiyerno."

Natahimik sila sa thought na ito—na si Satanas na mismo ang kumukumpronta sa kanila, at bumigat ang kanilang mga pakiramdam. Saglit silang hindi makaimik, halos dinig ang kanilang mga hininga, kaya't sabay-sabay silang nagulat nang biglang may kumatok sa pintuan. Pumasok si Arturo na butler dala ang teapot at mga tasa. At espesyal para kay Hannah, ang milktea. Nagpasalamat sila at iniwan sila ng butler at sinarang muli ang pintuan.

"Sooo," pabulong na sabi ni Hannah habang nag-sip ng kanyang milktea. "Anong gagawin natin? Pack-up na?"

"Of course, not," tutol ni Jules.

"Kailangan natin ang rosaryo," sabi ni Father Markus.

This time agree ang bishop. Alam niyang hindi ito karaniwang kaso lamang ng demonic possession, hindi simple case of exorcism. Ngayo'y involved mismo si Satan. Anumang lakas ng pananalig at kakayahan ni Father Markus ay kakailanganin nila ng tulong ng kanilang secret weapon. Kailangan nila ang kapangyarihan ng rosaryo ni San Lorenzo Ruiz. Tumingin si Bishop Israel sa tatlo at sinabi:

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon