Chapter 4: 1st Case

4.8K 152 25
                                    

Chapter 4: 1st case

"This is a case of cyanide poisoning" sabi ko sa kanila.

"Call the police now!" sabi ko dun sa lalaking kasama nito.

Since napansin kong marami-rami ang customers dito at kitang kita ko ang pagkagulat at pagkatakot sa mga mata nila ay sinabihan ko ang iba sa mga staff dito sa cafe na kung pwede ilayo nila ang mga tao dito sa crime scene.

Sinunod naman nila ang utos ko at maya maya ay dumating na ang mga pulis at may kasama pang detective.

Nang magtagpo ang mga mata namin ng detective ay bahagya siyang lumapit at ngumisi.

"Excuse me but, you are the great student detective back in States, right?" the detective asked.

"You know me?" tanong ko.

"Of course! and I know someone whose exactly like you madame. By the way, I am Detective Ron Cross. Call me detective Cross" sabi ni detective Cross sakin habang nakangiti.

"It's a pleasure to meet another student detective! Again, nice to meet you miss Aviela."

"The pleasure is mine. uhmm... you don't mind if I'll help investigating this case, right?" tanong ko kay detective Cross.

"No I don't mind! You're a detective anyway, and you know the rules" sabi nya. Bahagya naman akong napangiti sa kanyang sinabi.

Lumapit na ako sa katawan ng biktima at sinimulan ko na ang pag-iimbestiga.

May suot akong gloves at kukunin ko na sana ang bagay na nasa kamay ng biktima nang biglang may humawak sa kamay ko at hinila ako patayo.

"Wag mong gagalawin yan baka may masira ka sa mga ebidensya!" sabi ng isang lalaki.

Teka?! si....si...sino nga ulit to?!

Ah! Si Chris, siya si Chris! Ano palang ginagawa niya dito?!  And how dare him to ruin my investigation!

"Aray! Ano ba?! Wag ka ngang makialam! I know what I'm doing" inis na sabi ko sa kanya.

"Bawal nga yang ginagawa mo. Ipaubaya mo na lang to sa amin" sabi niya.

Ipaubaya sa amin? Ano daw?! Ako pinagbabawalan niya tapos siya makikialam?! Tsk... hindi pwede!

Magsasalita pa sana ako ng bigla namang dumating si Detective Cross.

"Oh? Chris! anjan ka na pala! and what's with that angry look?" curious na tanong ni Detective.

"Eh kasi, detective, itong babaeng----" pinutol na ni detective ang sasabihin niya.

"Ah! so you had finally met Ms. Aviela the great student detective back in  States?"

Lumaki naman bigla ang mga mata ni Chris nang marinig niya yun.

"And miss Avie? he is the one I told you that there is also a student detective here and earlier, before I met you, I called him to help me solve this case so, that's why he's here"

Napanganga naman ako sa sinabi niya at biglang tiningnan si Chris na nakatulala pa din. Siguro dahil pa rin yan sa sinabi ni detective kanina.

Nagising naman kami sa katotohan nang biglang lumapit ang isang pulis at may binigay kay detective Cross na files.

Ito ang mga impormasyon tungkol sa biktima at sa mga kaibigan na kasama niya ngayon.

So the victim's name is Liza Scarletti. 20 years old, isang college student. Isang chem student to be exact.

Ang mga kasama naman niya ngayon ay sina Robert Cruz, 21 years old at kaklase ng biktima. Ang isa naman ay si Amanda Serra, 19 years old at tinuring na malapit na kaibigan ng biktima. Hindi niya kaklase ang biktima at pinag-aaralan niya ang engineering.

My Gangster DetectiveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin