Chapter 13: Death threat part 2

3K 89 0
                                    

Chapter 13: Death threat Part 2

Avie's pov

'mi amor Jovan'  yan ang nakasulat sa album. 

Kinuha ko ito at binuksan. Nakapaloob sa libro na ito ang mga pictures ng Jovan na yun, kasama si Monique, at ang isang babae at isa pang lalaki. May nakaipit din ditong mga love letters at ang nakakuha ng attention ko ay ang newspaper na nakaipit dito.

Hmmm... mukhang alam ko na ang motive ng taong nananakot kay Monique. But this is not enough! I need more solid evidence.

Habang nag-iisip ako ng iba pang paraan para mahanap ang taong iyon, bigla namang may kumatok sa pinto. 

Yung mga litrato, love letters, at yung news paper ay kinuha ko at itinago ko muna ito. For sure kakailanganin ko ito. 

Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin si yaya Meg.

"Maam. Handa  na po ang hapunan. Nanduon na rin po ang mga kasama mo sa ibaba" sabi ni yaya Meg.

"Ganun ba? sige. Susunod na ako" sabi ko.

Inilagay ko muna yung mga kinuha ko sa ilalim ng unan sa higaan. Baka kasi mawala.

Naglalakad na ako sa may hallway dahil nandun pa sa may dulo yung hagdan. Ang dami pala ng kwarto dito ah! Bigla naman akong napahinto sa paglalakad nang biglang natamaan ako ng pinto.

Damn it! Ang sakit nun ah! "Ayy sorry po! Akala ko walang tao" sabi nung lalaki. Tumango naman ako sa kanya at tumuloy na lang sa paglalakad. 

Sino nga  pala yung lalaking yun? At saka bakit ang tapang ng amoy ng pabango nya? Parang nasobrahan eh. 

Pinabayaan ko na lang muna yun at dumiretso sa dining area..

Pagdating ko sa dining area, nandun na nga sila kuya. Nakaupo na sila. Naupo naman ako sa tabi ni Chris dahil yun na lang ang bakanteng upuan.

"Did you find any clues?"  bulong sakin ni Chris

"Yah a little.. but I'll be needing more clues to check if my theory is right. How about you? have you found any?" bulong ko din.

Humarap sya sakin and he mouthed the word 'not much'. Tumango na lang ako sa kanya.

"Oh guys? I want you to meet our cousin, Greg Rodrigez, Greg? they are my friends, Neo, Aviela, and Chris" pagpapakilala ni Jonathan.

Nagsimula na kaming kumain ng ilapag na ni yaya Meg ang pagkain.

Habang kumakain kami ay napansin kong inilabas ni Greg ang phone niya at may pinindot. Wait----Hindi ba't app yun sa fake call? Ano naman kaya ang dahilan niya at bakit nya iyon pinindot?

Dahil nga pinindot nya yung fake call, eh nagring yung phone nya. nagpaexcuse muna sya at saka sinagot ang tawag sa labas. Sinundan ko lang sya ng tingin. Hmmm.... weird!

"Why are you staring at him? crush mo sya? or did you find something suspicious?"  bulong ni Chris. Napalingon naman ako sa kanya at sinamaan ng tingin dahil sa sinabi niya. Tsk... crush? Crush nya mukha nya! wala akong oras para jan lalo na dahil may case kaming dapat isolve!

Magsasalita na sana ako nang biglang may malakas na tunog kaming narinig. 

Tunog iyon ng nababasag na salamin ah!

"Saan nangaling yung tunog na yon?" nagpapanic na tanong ni Monique

"Sa kwarto nyo po maam Monique" sabi naman ni yaya Meg. Agad kaming tumaas ni Chris papunta sa kwarto ni Monique. Nang makapasok kami sa kwarto niya ay nakita namin ang basag na bintana at may papel dito na nakabalot sa malaking bato.

My Gangster DetectiveWhere stories live. Discover now