Chapter 43: Dean

1.8K 47 0
                                    

*****
Avie's pov

Sunday na ngayon pero di muna kami babalik sa school. Wala muna daw kasing pasok bukas para daw makapagpahinga pa ang mga students dahil dun sa festival.

Wala naman akong ginagawa sa bahay so I decided to go to the park or kung saan. I was wearing a skinny jeans and a shirt. I also wore my rubber shoes.

Naglalakad-lakad lang ako hanggang sa makapunta ako sa part ng park na kung saan ay walang tao.

*boogsh* 

"Aray!"

Ayyy! Mali pala! Meron palang mga tao pero nagbubugbugan.

Sumilip ako dun sa may puno. Then I saw those guys. 4 vs 1? Anong laban nung isa? At saka mukhang hindi pa niya kayang makalaban dahil may injured part siya, which is his arms.

Wait lang! Si... si Dean yun diba? Si Dean ng Black thunder? Aalis na lang sana ako ng marinig ko ang malakas na pagbagsak.

Napalingon ulit ako duon sakanila at tumakbo papunta kay Dean. Tinulungan ko syang umupo. "Are you okay?" tanong ko. Ngunit tiningnan nya lang ako

"Look! I just want to help you. Actually, naawa lang pala ako. But don't worry, aalis din ako dito mamaya."sabi ko

"Miss?! Umalis ka na at baka madamay ka pa! At saka sino ka ba? Bakit ka ba nangingialam dito?!" sabi nung lider nung gang. Matangkad sya, maitim at magulo ang buhok. May sugat din siya sa ilong niya.

Tumayo naman si Dean at hinawakan ako sa braso. Tinago niya ako sa likod niya. "Wag na kayong mangdamay pa!"

"Tsk. Ibigay mo na lang kaya siya sa akin? At hindi siya mabubugbog! Kasama na sya sa gulong ito dahil nangialam pa sya!" sabi nung lider.

"Dean? I know how to fight, just let me go" bulong ko kay Dean.

"Yes I know that! Pero laban namin to" pagkasabi niya nun, bigla namang sumugod yung lider. Since hindi yun alam ni Dean, I used my strength para mabitawan niya ako and I lift my leg and did a side kick. Natumba pa nga yung lider eh.

Lumapit naman yung mga kasama pa niya at tinulungan siyang buhatin. "Leave him alone!" mariin kong sabi.

"Never! Unless... talunin mo ako sa race!" sabi niya.

A grin formed into my lips. It looks like you're underestimating me! Ha! Let's see. 

"Deal!" sabi ko.

*****
Andito na kami sa isang malawak na lugar kung saan kami magkakarera ng sasakyan.

"Do you know how to drive?" tanong ni Dean.

"Don't you dare underestimate me" sabi ko at saka sumakay na sa race car.

The race started, and I was on the lead.

Final round na and ako pa rin ang nanalo. Actually, nandaya nga din yung lider na yun! Paputukan ba naman ng baril yung gulong nung sasakyan ko! Pero hindi niya inaasahan na makakaabot pa ako sa finish line.

Paano? Well, malapit naman na ako dun sa finish line nang magpaputok siya tapos Tinagilid ko yung sasakyan. Nakaabot nga ako sa finish line pero yung sasakyan? Nagtumbling.

Lumabas na ako sa sasakyan at si Dean naman ay tinulungan din ako. Pinuri pa nga niya ako eh!

Aalis na sana kami ni Dean nang biglang dumating yung lider at galit na galit. Hay... gulo na naman to! Avie naman eh! Bakit ba palagi nalang ikaw ang magdadala ng ikapapahamak ng sarili mo?!

"I didn't know how'd you do that but I won't accept defeat!" tapos sinuntok nya si Dean. Sinipa ko naman siya sa mukha at natumba ulit sya. Tumalikod na ako at papunta na sana kay Dean para tulungan sya ngunit di ko inaasahan na....

My Gangster DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon