Chapter 8: Case of a Secret Admirer

4.3K 123 44
                                    

Chapter 8: Case of a secret admirer

"Avie... Aviela..."

Dumilat ako ng bigla kong marinig ang pagtawag sa akin ng isang babae.

"A-ate?! ate Trixie, ikaw ba yan?"  tanong ko ng makita ko ang babaeng nakatayo sa harap ko.

"Pero paano? patay ka na at... at... a-ako ang may kasalanan" sabi ko at bahagyang napayuko. Napansin ko din na halos puti ang lahat ng nakikita ko.

Panaginip ba to? Pero bakit ako nananaginip ng ganto?!

"Wala kang kasalanan tandaan mo yan. Kalimutan mo na ang nangyari sa nakaraan. Hindi rin ako magtatagal kaya sasabihin ko na sayo ito"  sabi ni ate Trixie at binigyan ko lang siya ng nagtatakang itsura.

"Darating ang araw na manganganib ang buhay niyo ng mga mahal mo sa buhay, may isang kalaban ang dadating sa buhay ninyo. Mag-iingat kayo, lalo ka na Hermalia, mag-iingat ka" sabi ni ate.

Hindi ko naman naintindihan ang ibig sabihin ni ate kaya niyakap ko na lang siya ng mahigpit.

Bigla na lang lumiwanag at nawala na si ate, ako naman ay nandito pa rin at umiiyak.

"Avie! gising!"

Napaupo naman ako ng magising ako dahil sa pagyugyog at pagsigaw ni Jenny sa akin.

"Nananaginip ka Avie. Ginising kita kasi umiiyak ka" sabi niya pa.

Naramdaman ko na basa pala ang pisngi ko kaya pinunasan ko ito.

"Umaga na Avie! may pasok pa tayo" sabi ni Jenny.

Tumango na lang ako sa kanya at tsaka nagready.

Nang ready na ako, pumunta muna ako dun sa may mga locker at binuksan ko ang locker ko.

Pagkabukas ko nito, ay nakita ko kaagad ang isang sulat at isang bar ng chocolate?
Teka! ano 'to?!

Binuksan ko ang letter at binasa ang sulat.

"XSFB JV ILSB VBP VLR XOB JV ILSB
VLRO YBXRQV ABZBFSBA JB
PL VLR SRPQ XZZBMQ JV ILSB COLJ KLT LK
EBOB X ZELZLIQB CLO VLR"

A code huh? tsk... this code is too easy! hmmmm... What should I do with this chocolate? tsk... I'll never eat it, malay ko ba, baka mamaya may lason pala yun o di kaya ay may gayuma.

Pero teka, paano niya nabuksan ang locker ko?!

Dahil gusto kong malaman kung paano, tiningnan ko yung lock at confirmed, tama ang hinala ko na gumamit siya ng isang bagay para mabuksan ito, may nakita kasi akong gasgas at sigurado ako na walang gasgas ito dati.

Binalik ko ang tingin ko sa chocolate bar. Ano kayang pwedeng gawin dito dahil hindi ko ito kakainin?

"Wow! chocolate----teka? letter din? ano to? Ayyyieeee, si Avie, May secret admirer!" sabi ni Jenny, andito pala siya.

Inilahad ko ang kamay ko na may chocolate bar sa kanya.

"Here. Sayo na lang to. Ayoko nito eh. Pero kung ayaw mo itatapon ko na lang" sabi ko.

"Huh? akin na nga yan. Sayang naman kung itatapon mo, At tsaka, anong ibig sabihin niyang letter na yan?" tanong ni Jenny at tinuro yung letter.

"Ahhh eto ba?" sabi ko habang tinaas ang letter.

"Ang ibig sabihin nito ay: Avie my love, yes you are my love. Your beauty deceived me so you must accept my love from now on. Here, a chocolate for you" sabi ko.

My Gangster DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon