Chapter 17: Murdered science teacher

3.4K 87 1
                                    

Chapter 17: Murdered science teacher

3 weeks later

*kring* *kring* *king*

I opened my eyes as I turned off the alarm. 

3 weeks na ang nakalipas. 3 weeks na din simula nung magstart ang school. And sa 3 weeks na yun, wala pa kaming nahahandelan na bagong case. 

How boring!

Oh how I missed solving puzzles and codes! And I want to solve one right now. 

Bumangon na ako sa pagkakahiga at dumiretso na sa banyo para maligo. We still have our boring classes today so I better prepare.

Pagkalabas ko ng banyo ay bumangon na din sila Agatha. Ako kasi ang palaging unang nagigising. 

Oo, pag may pasok kasi, maaga talaga akong nagigising. Nasanay na kasi ako simula nung tumira ako sa states.

"Hintayin ko kayo guys para sabay sabay na tayong kumain. Sa cafeteria na tayo kumain ah?" sabi ko.

"Anong nakain mo at napagpasyahan mong sumabay sa amin kumain ng breakfast sa cafeteria?" tanong ni Jenny.

"Oo nga! simula kasi nung nagstart ang school, dito ka lang kumakain. So, anong pumasok sa isip mo at bigla mo na lang nasabi na sasabay ka samin sa cafeteria?" tanong naman ni Agatha.

"Wala lang. From now on, lagi na akong sasabay sa inyo pagbreakfast. Narealize ko din kasi na ang boring ng breakfast ko" sabi ko at umupo sa kama ko. Hinintay ko talaga sila Jenny makapag-ayos. nang ready na sila, ay dumiretso na kami sa cafeteria at nagorder ng pagkain.

"So close na kayo ng dark devils? lalo na dun sa lider nila? si Chris?" tanong ni Jenny. 

Teka! paano niya nalaman yun? Ayt! Oo nga pala! kapatid nya nga pala si Luis. 

"Hmm.. Hindi naman masyado. Hindi naman kami ganun kaclose na parang best friends forever noh? Parang friends lang. Nag-uusap pag nagkita o pag nagkasama-sama. Lagi nga nila akong pinagtitripan eh! tapos si Ian naman na akala ko ay habang buhay ng kakampi sa akin, eh nakikisama na din sa mga trip nung gang na yun" paliwanag ko. 

Nagpatuloy na kami sa pagkain ng breakfast. 

Nang matapos na kaming kumain ay naghiwalay na kami dahil oras na para pumasok.

Nilalakad ko na ngayon ang daan papunta sa room nang may biglang humarang sa daanan ko. "Look who's here girls? Isn't she the girl who keeps on getting closer with our dark devils? especially on Chris?" sabi nito.

 Tsk. Yung mga inggitera na feeling sila na yung pinakamagaling! Sila yung humarang sa daanan. ang babaeng nasa right side ay si Anica, may maikling buhok at di naman gaanong katangkad. I think mga 4'6 lang ang height nya. Si Princess naman yung nasa right side, na nasa 5 feet ang height nya. Laging nakabrade ang buhok nya, at yung nasa gitna naman na nagsalita? wala ng iba kundi si April. tinatawag din syang Queen bitch. Sya ang pinakabully sa girls! 

tsk! as if I'd be scared!

"Can you please step aside? Pupunta na kasi ako sa classroom. kayo? hindi pa ba kayo papasok? kasi kung hindi pa, pwedeng gumilid na lang kayo at may dadaan?" sabi ko at hindi ko na sila hinintay pang sumagot dahil naglakad na ako sa mismong gitna. kaya nabangga ko si April.

 Ayt! mali! hindi ko siya nabangga, dahil binangga ko talaga siya.

Narinig ko pang sumigaw siya.

Tsk! akala nya papatalo ako sa kanya? kung bitch sya, eh mas bitch ako noh?

Dumiretso na ako sa room at saka binuksan ang pinto. when I entered the room, murmurs o chismis ang nasalubong ko. I heard the girls kept on talking about me being clingy to the dark devils.

My Gangster DetectiveOnde as histórias ganham vida. Descobre agora