Chapter 32: Erick the nurse

2.1K 53 3
                                    

Chapter 32: Erick the nurse

"PHONE CODE!" sabay naming sigaw ni Chris. 

Pinagtulungan naming sagutan iyon para maging mabilis.

"Jenny dead in the library?!" alalang sigaw ko. 

Sinuntok ko ang lamesa ni Chris at saka tumakbo ng mabilis papunta sa library. Nakita kong sumunod din sila pero mas nauna ako. Habang tumatakbo, naramdaman ko ang pagsakit ng paa ko. 

Oo nga pala! Nakalimutan kong may pilay ako. Pero di ko na muna iyon pinansin dahil mas kailangan ako ng kaibigan ko!

Pagkapunta ko sa library ay sinubukan kong buksan ang pinto ngunit nakalock iyon. Pano to?! Wala akong pin!

Napatingin ako kay Kuya nung iharap niya sa akin ang isang pin. Nandito na pala sila! Kinuha ko agad ang pin at nilock pick ko na naman ang library.

Nang mabuksan ko ito ay pumasok na kami at naghiwa-hiwalay para madaling mahanap si Jenny.

Maya maya ay nagkita kita kami sa gitna ng library at walang nakitang Jenny. 

Bigla namang may narinig kaming ingay. Sinundan namin ito hanggang sa makarating kami sa dulo kung saan ay pader ang meron.

"Pader? Teka hindi kaya may secret room jan?" tanong ni Ian.

Sinubukan kong maghanap ng trace at ng kung ano pa para makumpirma ang sinabi ni Ian na baka nga secret room.

Kinatok ko ang pader na iyon at bigla itong bumukas.

"JENNY!" sigaw ko nang makita na namin si Jenny. Wala dito si Agatha dahil nakatulog na siya doon sa boys dorm. Kasama niya doon sila Luis at Ivan.

Niyakap ko si Jenny ng mahigpit. Nakatape ang bibig niya at nakatali ang mga kamay at paa niya. Nilabas na namin siya doon at saka inalis ang tape sa bibig at pati na rin ang mga tali.

Jenny was crying and she hugged me tight when the rope was cut.

"A-Avie! huhuh" iyak niya.

"Thank you at dumating ka!" sabi pa niya.

"Tara na? Kailangan mo na ding magpahinga eh" sabi ko at tumango naman siya. Tinulungan siya nila Ian at kuya Neo na tumayo. Hinatid na din nila kami sa aming dorm.

Iniupo nila si Jenny sa higaan nya nang makarating na kami sa dorm.

The dorm wasn't guarded by the incharge person like in the boys dorm so, malaya din silang nakapasok at hindi din nakalock ang pinto ng building na to dahil nga wala ang bantay. 

Nang umalis na sila ay sinabihan ko si Jenny na ikwento na lang niya mamaya ang nagyari dahil kailangan na naming magpahinga.


*****

Nagising na ako ng mag-alarm ang phone ko. 

Pinatay ko na ito at bumangon. Bumangon na din si Jenny at bumati ng goodmorning, kaya naman binati ko din siya pabalik.

Naghanda na kami para sa klase. It's friday kaya naka p.e sya pero ako? Hindi, dahil di naman namin p.e ngayon. 4 am na kami natulog pero kailangan pa ring pumasok eh, kaya naman pumasok kami.

Lumabas na kami sa dorm ni Jenny, hindi ko alam kung bakit pero parang nanghihina ako ngayon.

"Avie? Are you okay? You look pale. Magpahinga ka na lang kaya" sabi niya at napatingin sa paa kong namamaga. "Oh my! Avie! Namamaga na ang paa mo! Take a rest first!" sabi nito pero ayoko. Wala naman siyang nagawa kundi ang hayaan na lang din ako "Just make sure na ok ka ha?" sabi nito at tumango naman ako.

My Gangster DetectiveWhere stories live. Discover now