Chapter 19: The Transferee

2.7K 69 6
                                    

Chapter 19: The transferee

Its been 1 month since the murder of the science teacher happened. One month na din kaming naging sikat sa school. 

After mangyari nung murder case ng science teacher, eh wala ng sumunod na case.

Tsk.. How boring! Nabobored na ako! Kahit anong case, wala pa kaming natatanggap.

I was doodling on my notebook, Chris was playing on his phone, and Ian was reading a detective book, when suddenly our adviser entered the room. She's with a beautiful girl. Magkaheight lang kami and she's so beautiful! She has a short hair and a white skin. I think she's a positive thinker?

"Class, may I have your attention please?" napatingin naman ang lahat sa adviser. Si Chris ay tumingin saglit pero inalis din agad ang tingin nito at ibinalik ang atensyon sa kanyang phone. 

Ganun din ang ginawa ni Ian. 

Wala ba silang pakialam?

"I want you all to meet your new classmate, Miss Agoncillo? kindly introduce yourself" sabi ni ma'am.

Ngumiti muna ito bago nagsalita. Humarap sya sa amin "Hi! I am Iveron Agoncillo. 15 years old, and I am hoping that we will all be friends" sabi nito.

"I was in the top 5 students in my previous school. And I was the 3rd to be exact. I'm a rich girl. And my parents are both in england. I'm also good in every sports, well, except for martial arts and archery. I love modeling and fashion too! And I bet no one here can beat me" sabi pa nito.

Tsk.. Maganda nga siya pero mukhang mayabang naman. 

Inalis ko na lang ang tingin ko sa kanya dahil nayayabangan na ako sa kanya. Binabawi ko na din yung sinabi ko na maganda sya.

"Ok miss Agoncillo, you can seat there. Second to the last row" sabi ni ma'am.

Uupo si Iveron sa harap namin dahil doon yung bakanteng upuan. Nilagay na niya ang bag niya doon sa upuan at humarap sa amin.

Inilahad niya ang kamay nya sa amin para makipag kamay. "Hi! I'm Iveron. Just call me Ivy" nakangiting sabi niya. Tiningnan naman naming tatlo nila Ian ang kamay nya pero hindi namin ito tinanggap. Mukha namang naintindihan ito ni Ivy kaya napapahiyang ibinaba na niya ito.

"I'm Ian" sabi ni Ian habang nakatingin lang sa librong binabasa.

"My names Aviela" sabi ko at saka tumingin sa harap.

"Just ask someone" cold na sabi ni Chris habang pinagpapatuloy niya ang paglalaro sa phone nya.

Tumingin naman sa akin si Ivy kaya sinabi ko sa kanya yung pangalan ni Chris.

Ngumiti naman at nagpasalamat si Ivy sakin. Umupo na din sya sa unahan namin at nakinig sa klase.

Tsk... wala ba talagang interes itong mga lalaking katabi ko? Cold navnaman ang aura ni Chris eh! 

This past month, naging close kami at mabait na sya. Well, sa amin lang ng mga kaibigan niya.

 Oo! Magkaibigan na kami. Pati si Ian ay naging kaibigan na din niya. Every break time, lunch and dinner, nagsasama-sama kami. Pag breakfast naman, sila Agatha lang ang kasama ko.

Ilang oras din ang lumipas at tumunog na ang bell. Break time na kaya sabay sabay kami nila Chris pumunta sa cafeteria.

"I don't like that girl. I felt like she has a hidden agenda behind her smile" mahinang sabi ni Ian.

"Tell me about it" walang emosyong sabi ko sa kanya.

"So. The three of us hate that transferee?" tanong ni Chris.

"Looks like it" sabi ko naman.

Umorder agad kami ng snacks pagkapasok namin sa cafeteria.

Habang kumakain ay may naglagay naman ng tray sa tabi ni Chris na siyang kaharap namin ni Ian.

"Can I join you?" tanong nya.

Bat parang may mali? Bakit ganyan ang tingin niya kila Chris at Ian? Don't tell me? No way!

"Sa iba ka na lang makiupo" sabi ni Chris.

Hindi naman siya pinakinggan ni Ivy kaya umupo pa rin sya sa tabi nito

"Tsk.. let's go! Nawalan na ako ng gana!" inis na sabi ni Chris. Hinampas pa nga niya ang lamesa kaya napatingin ang mga tao na naririto sa loob ng cafeteria. 

Tumayo at sumunod naman na din kami sa kanya palabas. And whispers filled the whole cafeteria.

"She's pretty but she messed with our King!"

"Dapat sinunod na lang niya yung gusto ni Chris"

"How dare she! She can't touch our king! Only us and that Avie girl are allowed to get close to our king"

"Sana hindi mapikon pikon si Chris. Sana mapigilan nila Avie at Ian ang magagawa ni Chris"

"Oo nga... Our king looks really pissed!"

Yan ang mga bulong bulungan ng mga estudyante.

Nang makalabas na kami sa cafeteria, nagpaalam na muna ako sa kanilang dalawa na doon muna ako sa cr at susunod na lang ako sa hideout o sa devils house.

Kasalukuyang naghuhugas na ako ng kamay ko ay bigla namang pumasok si Ivy.

Hinarap nya ako. "I really want to be friends with you. but it looks like, you three, don't want me to be your friend" malungkot na sabi niya.

Naawa naman ako sa kanya. "Then lets be friends" sabi ko at nag smile.

"Talaga? yehey! I have a friend now! anyway, narinig ko na masyado ka daw close dun sa dalawang lalaki. Sino boyfriend mo sa kanila? o di kaya..." sinadya niyang hindi tapusin ang sasabihin niya.

"May gusto ka ba sa kanila? kasi wala akong pakialam kung meron man. Hindi ko naman sila jowa noh" sagot ko sa kanya.

"A-ah! Nagkakamali ka! Curious lang naman ako! Saka hindi ko sila crush noh" sagot naman nya.

"Ahh... ok. so you just wanted to be their friend? Then let's be friends and sooner or later you will get close to them" sabi ko. Naawa ako sa kanya at wala naman sigurong masama kung magiging kaibigan niya ako diba?

Lumabas na ako sa cr at sinigurado ko muna na walang makakakita sa akin papunta sa hideout.

My Gangster DetectiveWhere stories live. Discover now