Chapter 31: Where's Jenny?

2.1K 59 1
                                    

Chapter 31: Where's Jenny?

Agatha's pov

Nagsisimula na ang second subject namin at wala pa rin si Jenny. Hindi na ako mapakali pero hindi ko muna ito inintindi dahil baka may importanteng bagay siyang ginagawa.

O di kaya ay tinawagan siya ni Avie. 

Nagdiscuss ang aming guro at nang matapos ay, nagpaquiz siya.

Naku! Patay ka sa akin Jenny mamaya! Nasaan ka ba? Kelangan na kita ngayon! Huhuhu... wala akong magagayahan eh. Hehe.

Oo nanggagaya lang ako minsan kay Jenny. Pero dahil nga wala siya, stock knowledge na lang! 

Kaso out of stock yata.

Nung tapos na ang klase sa second subject, eh lumabas na muna ako habang naghihintay sa sunod na guro.

Pumunta ako sa mga cr ng babae. Lahat ng cr dito sa school ay pinuntahan ko para alamin kung nasaan si Jenny. Pumunta din ako sa clinic para itanong ito dahil baka sumama ang pakiramdam niya. Pero wala eh. Ilang beses ko na din siyang tinatawagan at tinext pero walang reply.

 Nagrereply naman agad siya dati pero ngayon? Ni isang tawag o reply ay wala.

I am now worrying. I looked everywhere in the campus but no sign of her. 

I was getting damn worried!

I quickly dialed Avie. "Avie please.. please answer and tell me that she's there" sabi ko sa sarili ko.

Then, she answerd the phone.


*****
Avie's pov

Nagising ako nang nag-ingay ang phone ko. 

Kinuha ko ito at tiningan kung sino ito. 

Nakita ko din ang oras. 6 pm na pala. Pero bakit wala pa sila? Sinagot ko na ang tawag
At nag-aalalang boses ni Agatha ang narinig ko.

"Hello?"

["Avie?! Please! O please tell me that Jenny is there!"]

["Jenny? She's not here. Why? Did something happened?"] alalang tanong ko.

["Oh my god! Damn it! Where the hell is she?!"] sabi niya.

["Agatha! Answer me! Did something happened?!"] tanong ko.

Umiiyak na  si Agatha kaya tinanong ko na lang kung nasaan siya. Sinabi naman nya ito at pinuntahan ko sya. 

Madilim na ang daanan papunta sa park dahil gabi na. Nakakatakot na nga dito pero wala na akong oras para makaramdam nito. Nyctalopic ako pero may mga ilaw naman kaya nakakakita pa rin ako.

Yap! May parang park dito sa school. Para daw tambayan ng mga estudyanteng hindi umuuwi sa mga bahay nila dahil sobrang layo.

Lumabas ako ng naka pedals at blue t-shirt na nakatak-in pa sa pedals ko. masakit pa rin ang paa ko at sigurado akong mamamaga ito mamaya dahil sa mabilis kong paglalakad.

Nang nasa park na ako ng school at agad na pinuntahan si Agatha na umiiyak habang nakaupo sa bench, wala na kasing mga estudyante dito kaya madali ko lang siyang nahanap.

Umupo ako sa tabi nya at niyakap. Hinahaplos haplos ko din likod niya "shhh.. Agatha? What happened?" tanong ko nang kumawala ako sa yakap.

"S-si J-Jenny.. K-kanina pa w-wala. T-tinatawagan ko na nga siya k-kaso h-hindi niya s-sinasagot" utal utal na paliwanag nya.

My Gangster DetectiveWhere stories live. Discover now