chapter 69: Trapped

1.6K 37 2
                                    

Avie's pov

Aha! Finally.. narating ko na din ang 15th floor. Rooftop!

Binuksan ko ang pinto sa rooftop at kahit na pagod na pagod na ako ay pinilit ko pa ring tumayo at lapitan ang babae.

May mga teachers na din pala dito at ibang students na pinipigilan siyang tumalon.

"Wag kayong lalapit! This is all your fault! Bat ba ayaw niyo na kaming palabasin?!" Galit na sigaw niya.

"We announced it already the day before we locked the school! We have visitors that will observe our school para mas tumaas at mas sumikat pa ang school. We just need a little time bago buksan muli ang school" Paliwanag nung teacher.

Tsk.. nagoobserve nga ba yung mga bisita? O baka naghahasik lang ng lagim ang bwisita katulad niyo?!

Bisita ba talaga? O bwisitang kakampi niyo?!

"Palabasin niyo na ako! Ayokong magstay dito ng ilang months! Kailangan na ako ni daddy! He needs me!"

"Per-" hindi na natapos ang sasabihin ng guro dahil pinutol agad niya ito.

"Then I'll jump! I'll die!" Sigaw niya.

"wag! Parang awa mo na Hallie. Wag kang tatalon!" sigaw ng mga tao dito.

Paano ba to? Nanonood lang ako dito eh. Di ko naman alam ang gagawin ko.

"Then go ahead and jump" napalingon naman ako sa likod ko at pati na din pala silang lahat.

"W-what?!" Sigaw nung Hallie.

"That's what you want right? Then go! Jump now!"

"E-excuse me?!" sigaw ulit ni Hallie.

"Akhaya?! What do you think you're doing?!" Humakbang sya papalapit sa babae.

"D-dont go near me! Or I-I'll jump" si Hallie.

"Wag! Please, kuya! Pigilan niyo siya!" pagmamakaawa nung isang estudyante.

Akhaya just smirked at her. Then he made another step close to her.

"Jump! Yan ang gusto mo diba? And for sure.. yan din ang gusto ng dad mo. Ganyan ka siguro pinalaki ng dad mo noh? You are so spoiled. A spoiled brat. But anyway, just do what you want.... jump now! I said jum--" di na niya naituloy ang kanyang sasabihin ng mabilis na bumaba si Hallie at saka hinawakan ang kwelyo ni Akhaya.

"Wag mong idadamay dito si daddy! Hindi gugustuhin ni dad ang mamatay ako! He needs me kaya di siya papayag na mawala ako!" sigaw nung babae.

Imbes na matakot si Akhaya ay ngumisi lang siya. "I see.. you also don't wanna die right? Tinatakot mo lang ang mga teachers para palabasin ka?"

"What?! No! Ano bang pinagsasasabi mo?!" Sigaw ni Hallie... hay naku... wala pala siyang galang sa senior niya.

Grade 10 kami at siya? Grade 8 palang.

"Kung gusto mo talaga mamatay, dapat kanina mo pa ginawa. Sabi mo wag lalapit or else tatalon ka? Then bakit nung lumalapit ako sayo eh inuulit mo pa ang sinasabi mo na tatalon ka? Bakit nagdadalawang isip ka pa na tumalon? Bakit ka bumaba duon nung nagsalita ako? Look, if you really want to die, then dapat nung lumalapit na ako sayo ay tumalon ka na agad at hindi na nagsasabi pa na magpapakamatay ka. And kung mamatay ka lang din naman, bakit ka pa bumaba nung nagalit ka? You can just jumped there" paliwanag ni Akhaya.

Hmmm... he seems to have a point.

"Sir? Take her now.. make sure na hindi na ulit niya gagawin to" sabi ni Akhaya dun sa mga guro.

My Gangster DetectiveWhere stories live. Discover now