chapter 68:LQ

1.7K 39 6
                                    

Avie's pov

Limang araw na ang nakalipas simula nung nakipagkaibigan sa akin ang tatlong bitch.

I don't know if sincere sila dun sa sinabi nila o ginagamit lang nila ako.

Pero palagi na nga silang sumasama saakin. Nagtatawanan at kwentuhan pa nga kami. So maybe sincere nga talaga sila.

Andito kami ngayon ni Chris sa library. Nagbabasa kami at natapos ko ng basahin ang isang libro kaya tumayo ako para ibalik at kumuha pa ng ibang mababasa.

Habang pumipili, bigla namang dumating sila April.

"Oh Avie? Naghahanap ka ba ng mababasa?" Tanong ni April.

"Oo eh"

"Eto oh. Try mo maganda ang story na to" iniabot saakin ni April ang librong dala dala niya. Hmmmm... mukhang maganda nga ito kaya kinuha ko ito.

Nagpasalamat na ako at saka bumalik sa pwesto ko.

"Stay away from those girls" yan agad ang sinabi saakin ni Chris pagkaupo ko.

"Huh? Why? They are now my friends" sabi ko.

"Just stay away from them! Trust me! This is for your own good" halatang nagpipigil ng galit si Chris. Kumunot naman ang noo ko when I saw him clenched his fist.

"They are my friends! Why should I stay away?! Ano bang problema mo?!" Sigaw ko sakanya. Napipikon na din naman na ako eh.

"Just trust me on this, Avie! Listen to me!"

Marahas akong tumayo at inilapag ang libro sa lamesa. "Why don't you listen to me Chris?! I told you, they are my friends! So hindi ko sila lalayuan! I trust them!" sigaw ko at saka umalis na.

Tsk..nakakainis na siya!

Wala siyang karapatan para pagbawalan akong lumapit sa mga kaibigan ko! How dare he!

Pumasok na ako sa loob ng room at saka naupo sa upuan ko.

Maya maya ay nagsidatingan na ang mga kaklase ko at saka si Chris.

Katabi ko si Chris diba? Ang akward nga eh. Tsk.

Hindi man lang kami lumingon sa isat-isa.

Dumating na ang guro at kami? Ganun pa din. Walang pansinan. Ayaw niya kong pansinin? Edi wag!

"Okay class, we will have a performance task and ang mga kagrupo niyo ay yang mga nasa unahan niyo at mga katabi niyo. 6 members each group" sabi ni miss Minette, our p.e teacher.

Tsk. So ang kagrupo ko ay sila Akhaya, Xander, Ivan, April , at Chris.

Dalawa lang kaming babae dito at talagang si April pa na kinaiinisan ni Chris?

Pero ok na yun. Bahala na siya sa buhay niya. Basta hindi ko lalayuan sila April, they are my new friends and there's nothing he can do about it.

"Since p.e kayo, your performance task is..." binitin ni maam Minette ang kanyang sasabihin dahil tiningnan niya pa ang mga mukha namin "You need to help each other and teach each other for the 2 days p.e challenge. For two days, you all must learn how to use a bow and an arrow, how to use swords, and taekwondo. If you want to pass, dapat magawa niyo ito ng maayos. 2 days ang preparation then after that? Maggegrade na ako" Sabi ni maam.

Huh?! Ano na naman gusto ni maam? At 2 days lang talaga? Paano kami papasa, knowing that my groupmates are... ugh! Nevermind.

"Okay.. so sino ang magtuturo saatin?" tanong ni April habang nakangiti. I can feel that she is excited about it.

My Gangster DetectiveWhere stories live. Discover now