chapter 72: her blood

1.6K 38 0
                                    

Avie's pov

I slowly opened my eyes when I felt a sting on my neck and arm.

Puro puti lang ang nakikita ko. Nilibot ko ang paningin ko and realized na wala ako sa dorm, classroom, clinic, o bahay man lang.

It looks like... I am inside a secret hospital?

Or maybe....

This might be it! Andito na ata ako sa secret lab.

May lakas na ako ng konti at aalis na sana ako kaso, nakatali pala ang kamay ko sa likod at nakatali ang buong katawan ko sa upuan.

"Tulong! Tulong!" Sigaw ko.

Sumigaw lang ako ng sumigaw. Baka sakali ay may makarinig saakin.

Bigla naman bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki na nakamaskara pa.

"Manahimik ka! At kahit na sumigaw ka jan ng sumigaw, walang tutulong sayo dito. Kung ako sayo, tatahimik na lang ako dahil nagsasayang ka lang ng laway!" Sigaw niya.

Nakakatakot siya.. pero hindi dapat ako matakot.

Umalis na siya and I heard him locked the door of this room.

Paano ba ako napunta di--- wait!

I remember! Mga walang hiya sila! Tama pala si Chris. I should've just listened to him! Sana hindi ko na lang sila pinagtanggol sa pambibintang ni Chris! They really are a bitch! Curse them to death!

Ginawa ko ang makakaya ko. Kahit na nasa likod ang kamay ko, nararamdaman ko ang pagkakatali at sinubukan kong pakawalan ang sarili ko.

"Argg. Come on, matanggal ka na please" sabi ko sa sarili ko habang inaalis ang pagkakatali.

Pakiramdam ko, medyo nanghihina ako.. at saka... hindi kaya kinuhaan nila ako ng dugo?!

Ayun! Natanggal ko na ang tali sa kamay ko kaya isinunod ko na ang tali sa katawan ko.

Tumayo na ako nang makalaya na ako sa pagkakatali. Hinawakan ko ang mga kamay kong namumula dahil sa pagkakahigpit ng tali.

"Paano kaya ako nito makakalabas?" Mahinang tanong ko sa sarili ko.

I looked around and there. I saw a window at pwede na akong magkasya jan. I just need to remove those woods na nakaharang o nagsisilbing takip sa open window.

May malalaking box at mabibigat din ito kaya hinila ko ito at saka inilagay dun sa may pinto.

Ginamit ko ang buong lakas ko at saka hinila ang kahoy sa bintana...

*click*

Napalingon ako sa may pinto.. naku! Buti na lang at nilagyan ko talaga ng harang.. kelangan ko na ding makaalis dito! Sakto din naman nung natanggal ko yung kahoy ay sinususian na nila ang pinto.

"Bakit ayaw na nitong mabukas?!"

"Shit! Mukhang nakalaya siya sa pagkakatali niya! Bilisan mo!" Narinig kong sabi nila.

Umakyat ako sa bintana at saka lumabas.

Wait! This is a secret lab so.... arghh! Akala ko pa naman tuluyan na akong nasalabas... yun pala, kabilang kwarto lang to!

Saan ba ang daan palabas?

Sumisilip pa lang ako sa may pinto nang sumigaw yung lalaki. "There she is! Catch her!"

At dahil dun, tumakbo ako ng mabilis. Since hindi ko naman alam ang daan palabas, umasa na lang ako sa paa ko. Bahala na kung saan ako dalhin.

Ang daan kasi ay dirediretso lang, pero minsan ay may liko liko din...

My Gangster DetectiveWhere stories live. Discover now