chapter 56: new detective

1.5K 45 0
                                    

Avie's pov

Maaga akong gumising dahil ihahatid ko sila kuya sa airport.

Aalis kasi sila at pupunta sa new york kung saan ay nanduon din si daddy. Ininform na nila ako na ang gagawin nila duon ay investigation about sa blue drugs.

Ikwinento din nila saakin na sila daddy at ang iba niyang kaibigan ang bumuo ng drugs. Feeling ko may iba pa silang nalalaman pero ayaw lang nilang sabihin. Pero hinayaan ko na lang sila.

"Ingat kayo kuya ha?" sabi ko nang makarating na kami sa airport.

"Oo. Ikaw din lil sis, palagi kang magiingat" paalala ni kuya Arvin saakin.

Bago sila umalis ay niyakap at saka hinalikan muna nila ako sa ulo ko.

Lumakad na sila paalis kaya tumalikod na ako at lumabas papunta sa kotse ko. May klase pa ako kaya di ako pwedeng magpaligoy-ligoy pa.


*****
2 days. 2 days na naman ang nakalipas at parang ang bigat ng pakiramdam ko ngayon?

Feeling ko, may nangyaring masama sa kung sino man. Naku! Wag naman sana.

Bigla namang tumunog ang phone ko at si kuya Arvin pala ang tumatawag kaya sinagot ko ito agad.

/"lil sis? S-si dad... *sob* h-he is in t-the hospital."/

"What?! Are you serious kuya?! Kuya Arvin, this is not a good joke" sabi ko at parang ayaw kong maniwala eh.

/"he was attacked last night lil sis. And alam mo na kung sino ang gumawa nun*sob* d-dad... i-is not in good condition right now. Kaya b-baka *sob* matagalan pa kami ng uwi"/

"Okay kuya. T-take care o-of *sob* d-dad" umiiyak na din ako dahil sa nangyari kay dad. Papatayin ko ang mga taong gumawa nun!

Kahit na masama ang pakiramdam ko dahil sa nalaman kong masama ang kalagayan ni dad, ay pumasok pa rin ako. Yun nga lang, lutang ang isip ko. Hanggang sa magbreak time.

Sila Chris at Ian? Malay ko ba kung nasaan yun. Hindi sila pumasok kanina sa dalawang subjects eh.

Then I heard sa mga nagbubulongan na may murder na naman daw. At saka sa computer lab daw. Agad naman akong pumunta sa computer lab para makita ang murder.

Nakita ko dito sila Chris at mukhang tapos na sa pagiimbestiga kasama ang mga pulis. Their face? It was... wait... don't tell me..

"3 unsolved cases. That's the result. And we found on his computer that he was about to send an email to you. Do you perhaps know him, Hermalia?" Ian asked.

3 unsolved cases. Sunod sunod pa talaga. At ang mas malala, bakit ako?! Bakit parang ako ang ipinapalabas  nilang murderer?!

Tiningnan ko yung biktima at saka umiling. "I don't know him"

Ian let out a deep sigh "then why was he about to send an email to you?"

I-I don't know Ian. Ian and Chris looks at me and.... tama ba ang nababasa ko sa mga mata nila? Are they thinking that I'm the murderer?

"Hermalia. Don't you dare think na pinaghihinalaan ka namin. Nagkasama na tayo ng matagal-tagal and we know that you can't kill"

Tinanguan ko naman siya at saka nagpaalam na muna.

Naglalakad-lakad ako sa  school ground.

Hayyss... masama na nga ang nangyari kay dad, tapos dumagdag pa sa problema ko yang 3 unsolved cases na ang tinuturo pang killer ay ako.

Bad trip!

Dahil sa  sobrang lalim ng iniisip ko ay di ko namalayan na may tao pala akong mabubunggo.

Matutumba na sana ako kaso nasalo niya ako.

"Are you okay Avie?" I know this voice! Napaangat naman ako ng tingin. Tama! Siya nga yung nagmamayari ng boses!

"Akhaya? What are you doing here?"

He smiled at me. Wow ha! Ang cute niyang magsmile. "Dito na ako magaaral at saka saan ba ang section A ng grade 10?"

"Magkaklase pala tayo! Tabi na lang tayo ha?" sabi ko. Nawawalan na kasi ako ng gana na tumabi dun sa dalawang yun. Ewan ko ba kung bakit.

Tumango naman siya sa sinabi ko. "Is there something bothering you Avie? You look pale today"

"Sigh. First, my kuya called and told me that my dad was hospitalized because of some incident. Then, sunod sunod ang murder dito. 3 murders na unsolved by the 3 detectives. And may clues na nagtuturo sa akin na ako ang killer" I said.

"I don't know you yet, but I believe in you. Who are the 3 detectives by the way?"

"Me, Chris, and Ian" I said lazily.

"Then make it 4 detectives. You, me ,Chris and Ian. Remeber, I am also a detective" he said.

I smiled a little. "There's that smile. I thought I wouldn't see that smile today on my first day at Eirene academy" he said and I chuckled.

Sabay kaming pumasok ni Akhaya at nagtabi nga kami sa dulo. Sila Chris at Ian? Ayun. Tumitingin tingin saamin.

Nagkwekwentuhan kami ni Akhaya. Halos hindi na nga kami nakikinig sa lessons eh. Hanggang sa magbell na. Sign na lunch time na.

Pumunta agad kami ni Akhaya sa cafeteria at saka umorder. Actually, sabi ko ako na lang ang bibili pero sabi niya, siya na lang daw.

Habang naghihintay kay Akhaya, may biglang lumapit naman na estudyante saakin. Mukhang grade 8 pa lang siya. "Hi Ate? Gusto ko lang pong itanong sayo kung pwede pong lumipat sa club niyo?"

"I'm not the president of the club but I can recommend you to the club president. Just meet me later after class sa garden" sabi ko.

Ngumiti naman siya at saka nagpasalamat bago umalis.


******
Tapos na ang klase at dumiretso muna ako sa library. May kukunin lang kasi ako. Okay lang naman siguro kung malate ako ng konti diba?

Si Ian and si Chris ay hindi pumasok nung last subject. Si Akhaya naman ay nagpaalam na magccr pero di na siya bumalik.

Nang makuha ko na ang kukunin ko sa library, pumunta naman ako sa garden ng school kung saan kami magkikita nung grade 8. Pagdating ko dun ay madami na naman yung nakapalibot. I wonder what happened again?

Nang makarating ako duon ay nakita ko ang mga pulis at saka yung tatlo. Sila Chris, Ian, at Akhaya looks like they've investigated about something again.

Napatingin ako sa bangkay ng estudyante at nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino yun.

"You met her earlier sa cafeteria, right?" Akhaya asked.

I nodded. Alam ko na... ako nanaman..

Nakakaawa namang tingnan ang bata. Sino ba talaga yung pumapatay na yan?! Kainis na ha!

Umalis na lang muna ako duon at saka dumiretso sa dorm. Nahiga na muna ako sa kama at saka pumikit nang bigla namang may kumatok.

Binuksan ko ito at nakita si Iveron. Pinapasok ko siya sa loob at umupo naman siya

"Let's hang out? I mean... tomorrow night, punta tayo sa bar? Kaya naman nating mapaniwala ang bantay na 18 na tayo eh" aya ni Iveron.

"Sure! Basta kasama sila Agatha ha?" tumango naman siya dun.

Sabado naman bukas kaya okay lang. I also want to have fun at kalimutan na muna ang problem dito.

Hayyy... namiss ko tuloy si Nathan. Hanggang ngayon kasi ay iniiwasan parin niya ako.

My Gangster DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon