Chapter 12: Death threat

3.5K 83 7
                                    

Chapter 12: Death threat

AVIE'S POV

"Death threat" sabi ni kuya.

"Tsk. What a boring case" sabi ni Chris.

Boring? Geez! I didn't expect na mas gusto nya yung mabibigat na cases.

Yeah this case is a little boring, pero mas okay na yun kasi hindi pa ako ready na magsolve ng mga cases na mahihirap.

"Boring? Boring tong case na to? Kasi para sa akin ay medyo maganda ito. but---" di ko na pinatapos si kuya nang may maramdaman akong kakaiba.

"I have this bad feeling again. We might encounter the real thrill later" I seriously said. "I have a feeling that something bad is about to happen" sabi ko.

Napatingin naman sa likod si Chris para kausapin ako. Si kuya naman ay tinitingnan ako sa rear view mirror.

"Are you sure about what you feel? Do you have a strong guts? Strong guts to predict that something bad will happen?" tanong ni Chris.

"I'm not sure though but... I can say that I had never been wrong when I start to feel something is wrong. I already encountered several cases and when I felt something bad will happen. It really happens" paliwanag ko.


*****

Nakarating na din kami sa aming destinasyon. 39 minutes lang naman ang byahe. 

Andito kami ngayon sa tapat ng bahay ng kaibigan ni kuya. 

Wow! Ang laki ng bahay. Hindi naman sakin sinabi ni kuya na mayaman pala itong kaibigan niya.

May doorbell dito sa labas ng gate kaya pinindot ito ni kuya.

Maya maya ay may lumabas na dalagang babae at nakasuot pa ng apron. Katulong yata sya dito?

"Pasok ho kayo" sabi nito at binuksan ang gate.

Pumasok naman kami at sumunod sa kanya. Pumasok na kami sa loob ng bahay and I was amazed. 

Ang ganda ng loob! 

Bigla namang bumaba sa hagdan ang isang lalaki na halos kaedad lang namin. "Andito na pala kayo! Sila ba ang sinasabi mong student detectives?" tanong nito kay kuya.

"Ahh oo. sila nga. Anyway, Jonathan, meet the 1st detective, Aviela Hermalia Fernandez, my twin sister, and this man here is my friend who is also a detective. Chris Alexander Santiago. Guys? This is my friend, Jonathan Allejo" pagpapakilala ni kuya sa amin.

Hmm... gwapo din itong lalaking to ah?

Matangkad, mestiso, brown eyes, pula ang buhok, at mukha namang mabait sya. Mukhang yummy! 

Aisshhh! ano ka ba Aviela?! He's your client! tandaan mo aviela! Nandito kayo para mag imbestiga! Hindi para pagnasaan ang gwapong nilalang na to! Ano bang iniisip mong babae ka ha?!

"Hali kayo. Duon tayo maupo sa sala at pag-usapan natin yung tungkol sa kaso" aya ni Jonathan.

Sumunod naman kami sa kanya at naupo.

Kasalukuyang pinaguusapan na namin ang tungkol sa kaso.

"Straight to the point. How can we help you?" tanong ni Chris.

"Si ate kasi, palagi siyang nakakatanggap ng death threats. Last week pa ito nagsimula. Nung monday siguro yun" panimula ni Jonathan. 

Humawak siya sa kanyang baba at nag-isip na para bang may inaalala "Nung una mga letters or warnings, tapos nung ikalimang araw, hindi na basta basta letter. Minsan nakakatanggap din sya ng isang kutsilyo na may dugo ng hayop tapos itong kutsilyo na to ay nakatusok sa bed ni ate" paliwanag niya pa. 

My Gangster DetectiveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt