Chapter 5: Meet the Gangsters

5.2K 144 15
                                    

Chapter 5: Meet the gangsters

Someone's pov

"Boss! Nahuli yung apat na tauhan natin at kahit isa sa kanila ay walang nakuha na kahit isang detalye lang sa hinahanap natin" sabi ng isa sa mga katiwala ko.

"Wag kayong mag alala. Nararamdaman ko, malapit na natin itong matapos" sabi ko.

"Papaano?"

"Nararamdaman ko na malapit na mapasaatin ang formula at nararamdaman ko din na magiging madali lang ang paghahanap ng natitirang formula." sabi ko sabay tumawa ng malakas. "HAHAHAHAHA!"

Lumapit ako sa may bintana at nakatingin sa isang estudyante.

Ang estudyanteng yan ang paraan o ang magsisilbing susi para sa ginagawa namin.

"Malapit na anak. Konting tiis na lang siguro"


******

Aviela's pov

It's Sunday! At bukas na ang simula ng school. Inayos ko na ang gamit ko para bukas. Pagkatapos mag-ayos, dumiretso ako sa mini kitchen dito sa kwarto namin. May mini kitchen dito para daw sa mga estudyanteng bigla biglang nagugutom kapag hating gabi. Kung ayaw niyo din kumain sa cafeteria, pwedeng dito ka na lang magluto. Pumunta ako sa mini kitchen para magtimpla ng kape.

Nang maubos ko na yung kape, dumiretso ako sa terrace at nagpahangin nang biglang...

"Uyy! andito ka na pala Jenny" sabi ni Agatha.

"Sorry ngayon lang ako dumating. Dapat talaga eh kahapon pa ako nandito kaso, sabi nung kapatid ko ngayon na lang daw" sabi nung Jenny.

"Ah okay. By the way, may bago tayong roommate! Jenny, siya si Aviela, and Avie? siya si Jennifer" pagpapakilala niya sa amin.

Inilahad ni Jenny ang kamay niya at tiningnan ko muna ito.

"Hi! ako si Jennifer Lopez,  you can call me Jenny. I'm 16 years old and a grade 10 student" pagpapakilala niya.

Inabot ko naman ang kamay niyang nakalahad.

"I'm Aviela Hermalia Fernandez, so the three of us are grade 10 students huh?" sabi ko.

"Anong gusto mong itawag ko sayo? Avie? O Hermalia? Malia? O ano?" tanong ni Jenny.

"Avie will do" sabi ko.

"Nga pala! anong section niyong dalawa? ako kasi sa class C" sabi ni Agatha.

"Ako din! classmates tayo!" sabi naman ni Jenny.

"Class A ako" sabi ko. Biglang nagbago ang itsura nila pagkasabi ko nun. Anong problema nila? May nasabi ba akong masama?

"S-seryoso ka? Class A ka?"  Tanong ni Agatha.

Mukha ba akong nagjojoke?

"Ano bang meron? Bakit parang nabigla kayo?"

"Ahh ehh, ang class A kasi ay ang section ng mga matatalino pero andun ang mga kinakatakutan ng halos lahat na estudyante. Andun kasi ang mga gangsters"

"Gangsters? you mean, matatalino din pala ang mga gangsters na yun?" tila hindi makapaniwala na sinabi ko.

"Well, yung iba lang naman talaga ang matatalino, karamihan sa section na yun, dun pinupunta ng mga teachers ang mga pasaway at iba pang gangsters kaya kahit na class A o matatalinong estudyante ang nandun, tinawag pa din itong worst section dahil sa mga pasaway at gangsters" paliwanag ni Jenny.

My Gangster DetectiveOnde as histórias ganham vida. Descobre agora