Chapter 30: Roses are red

2.2K 52 7
                                    


Chapter 30: Roses are red

Avie's pov

Natapos na ang laban ni Chris. 

And since medyo malakas yung pagkakasipa ko nun kay Erick, eh madali lang siyang napatumba ni Chris ngayon. 

Yeah, he took that as an advantage para matumba agad si Erick. 

Owww. Poor Erick. 

"Okay class, maaga pa para maglunch. 10:30 palang and I've calculated your results. Next activity will be partners. Ako ang pumili ng partners nyo na makakalaban nyo by your rankings. Isang activity lang ang gagawin niyo. Ang activity na pagtatalunan niyo ay depende sa activiting pareho kayong magaling. Our top 1 or the highest is Aviela, and the 2nd one is Chris" sabi ni ma'am.

"So the first pair is you Avie and Chris. At marami kayong pagkakapareho pero pinili ko ang taekwondo para sa inyo" sabi niya pa.

I sighed. 

Tsk.. Bakit ngayon pa? Dapat nangyari na lang ito nuong hindi pa bumalik ang gangster king! Dapat yung unang Chris na nakilala ko ang kalaban ko ngayon! At hindi itong si Chris na mas kilala bilang gangster king! 

Aiiissshhh! I'm at the disadvantage here!

Nagsimula na kami sa final activity. 1 minute lang naman ang time and kami ni Chris ang unang maglalaban.

Nagready na kami at hinihintay na lamang ang pito ni maam. 

Nang pumito na siya ay agad kaming nagsimulang maglaban.

Sipaan lang kami ng sipaaan. Syempre, may tamang pag-iwas din yan at tamang blocks. "35 seconds" sigaw ni maam.

Akmang sisipa na sana ako sa mukha niya nang bigla namang napamali ang paa ko kaya matutumba na sana ako ng biglang sinalo ako ni Chris. Kaso natumba din siya. 

So parehas kaming natumba kaso....

Nakapatong ako sa kanya?!

Nagkatitigan kami ni Chris sa mata ng isa't isa. 

"You okay?" Cold na sabi niya pero bakas sa mata ang pag-aalala.

Tumango naman ako sa kanya at umalis na sa pagkakapatong sa kanya nang marealize ko na nasa harap na namin si maam.

"Are you guys okay?" tanong ni maam.

Tumango naman kami parehas ni Chris. 

Bigla namang may pumasok sa gym na estudyante. "Maam? May emergency meeting daw po kayo. Kailangan nyo ma daw pong pumunta ngayon sa office" sabi nung lalaki. 

Tumango naman si maam at saka dinismiss na kami. Nakaupo pa rin kami ni Chris sa sahig hanggang sa makaalis na si maam. 

Kanina pa pala umalis yung dark devils at iniwan nila si Chris. 

Iniwan din ako ni Ian at ni Ivy. Si Ivy kasi eh hindi na bumalik simula nung magcr siya. Si Ian naman ay mukhang sumama sa dark devils.

Si Chris ay tumayo na kaya tatayo na din sana ako nang maramdaman ko ang sakit ng paa ko kaya napaupo ulit ako. 

Napilayan yata ako!

"Kaya mo bang tumayo at maglakad?" tanong ni Chris. 

I can't read his true emotions by looking at his eyes. The only thing that I can see in his eyes right now, are coldness.

"Kaya ko" malamig din na sabi ko at pinilit ang sarili na makatayo. 

Nakatayo na nga ako kaso paika ika naman ang paglalakad ko. Pilay nga ako diba?

My Gangster DetectiveWhere stories live. Discover now