Chapter 33: Jealousy

2.2K 52 15
                                    

Chapter 33: Jealousy

Chris' pov

Tumatambay lang kami ng grupo dito sa garden para magpahangin. Siyempre kasama namin ang mga kaibigan ni Avie.

Si Agatha at Neo ay mukhang nagkakasiyahan. Silang dalawa lang ang palaging magkausap kung tutuusin. 

Si Jenny at si Ian din. Kwentuhan ng kwentuhan. Si Luis at Ivan naman ay naglalaro lang sa cellphone nila. At si Iveron naman? Eto, nakayakap sa braso ko.

Sinusubukan kong tanggalin ang pagkakayakap niya dahil hindi naman kami close. Pero di talaga niya tinatanggal ang mga kamay niya.

'What a brat'

Kung pwede lang, kung hindi lang dahil kay Avie, malamang, matagal ko na tong nadala sa ospital.

"Chris? Samahan mo ako sa library please?" si Iveron.

Sinamaan ko naman siya ng tingin "No. Magpasama ka sa mga kaibigan mo!" inis na sabi ko.

"Chris naman eh! Wala si Avie! At saka ikaw lang naman ang walang ginagawa" reklamo niya pa.

Pinagtitinginan at pinaguusapan na nga kami ng mga estudyante dito. 

Bakit? Dahil dito sa Iveron na kabit ng kabit, dikit ng dikit, at dahil yung kamay niya ay nakayakap sa isa kong braso.

"Dude? We need to go" sabi ni Luis. Tumango naman kaming lahat at nagpaalam na sila sa girls. Pero ako? Kay Agatha at Jenny lang ako nagpaalam. Bahala na yung Iveron na yun!

"Where are you going?" tanong ni Iveron. 

I answered her with a cold aura "none of your bussiness"


*****
Avie's pov

Nagising ako at ramdam ko na nasa malambot na kam ako nakahiga. I also felt the wet towel on my forehead. 

I opened my eyes and looked around. And then, I realized I was in my room.

Bumangon ako sa kama at nakita ko ang paa ko na may bandage.

"Gising ka na pala? Eto oh. Kain ka muna" sabi ni Erick at inilapag ang soup sa lamesa.

"What are you doing here?"

"Obviously I took care of you" sabi nito.

Tumayo naman na ako at lumapit sa lamesa. Gutom na din kasi ako. Hinigop ko na ang soup na inihanda ni Erick at saka kinain yung toasted bread.

Umupo din si Erick sa harap ko at kumain din. Hinayaan ko lang siya dahil namiss ko tong ganto. 

Ang totoo kasi niyan, naging mag kaibigan kami ni Erick nung nasa states pa kami kaso, nakita ko na yung totoong ugali niya. Nakakatakot siya pero hindi ko naman yun dapat pinansin. Kaso, nang dahil din sa kanya ay nasaktan ako. Pinagtulungan akong bugbugin at sampalin nung mga fan girls niya! Tapos hindi siya nun dumating. Actually, nakita ko siya pero dinaanan niya lang kami at di na ako tinulungan.

See? nabugbog ako ng dahil sa kanya tapos di niya ako tinulungan.

Humingi pa nga siya sa akin ng tawad dahil hindi raw niya alam na ako na pala yung binubugbog. Naniwala ako sa kanya pero kinalimutan ko na ang pagkakaibigan namin. Medyo nainis rin kasi ako sa sinabi niya. Ibig palang sabihin, kung hindi ako yung taong binubugbog na, ay hindi pa rin niya ako tutulungan.

"Avie? May joke ako. Anong sabi ni baby cloud kay daddy cloud?" tanong niya.

"Ano?"

"Tay? Ambon ba ako?" sabi nito at tumawa ng napakalakas. Kung makatawa siya ay parang wala ng bukas.

My Gangster DetectiveWhere stories live. Discover now