Chapter 37: X is back

2K 53 13
                                    

Chapter 37: X is back

Avie's pov

Arrggghhh! I'm so tired! Andito na ako sa dorm namin at nahihiga. Sila Jenny at Agatha ay nagpapraktis pa rin daw sa club nila para sa festival.

7 pm na at kakatapos lang namin sa praktis. Aiiissshhh! Bakit ba kasi kami pa ang kakanta? Nakakapagod yung praktis na yun ah? Tsk.. goodnight!


*****

"Avie gising na! May mga practices pa tayo! Malelate ka na din!"

Nagising naman ako dahil dun sa sinabi ni Jenny. Ginigising nya ako kasi malelate na daw kami?

"10 more minutes Jenny! Maaga pa naman" sabi ko.

"Anong maaga pa?! Hoy! Bangon na! Pinauna ko na nga si Agatha dahil gigisingin kita" sigaw ni Jenny.

Kinuha ko naman yung phone ko sa ilalim ng unan ko at tiningnan ang oras. Anong oras na ba?

Shit! "7:30 na?! Jenny! Bat hindi nyo ko ginising ng mas maaga?! I'm gonna be soooo late!" Sigaw ko at nagmadaling pumunta sa cr para maghanda.

Pinauna ko na si Jenny at baka malate din sya nang dahil sa akin. Nagmadali talaga ako at nang ready na ako, tumakbo ako papunta sa club room namin.

Aiisshhh! Okay lang sana na malate ako, kung extra lang ako! Pero hindi eh, isa ako sa kakanta o bida! Tsk.. bakit ba kasi kelangan love story pa ang ipeperform? Tapos you'll express or show the story plot through a song!

Hinihingal na pumasok ako sa club room. I'm safe! Buti wala pa si miss president!

"You are late Avie. Buti nga at wala pa si Lyka. Or else.. you're dead" sabi ni Erick. Inirapan ko naman siya.

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok na ang club president. "Let's start the practice" sabi nya kaya nagpraktis na nga kami.


*****
Someone's pov

"Boss! We will choose some of the best students there to be the lab rat. Maybe it will work" sabi ng lalaki.

"Okay! Just do your work properly" sabi ko.

Kinuha ko ang wine glass at ininom ang laman. 

Malapit ko nang makuha ang hinahanap ko! At pagnangyari na yon, I will be powerful! And I'd be able to save you my precious.


*****
X' pov

Tsk. I hate that girl! At papatayin ko na siya soon!

Hindi ba siya natatakot sa pwedeng mangyari sa kanya? It looks like, I underestimated her!

Konting tiis na lang. I will surely kill you!


*****
Avie's pov

Pumunta ako sa locker ko para kunin ang isang libro. Tapos na kasi ang praktis at balak kong basahin ang libro ko dun sa locker.

I opened my locker at isang pulang letter na naman ang nakita ko. Kinuha ko ito at binasa.

I tore the paper and threw it in the trash bin. Hindi ba niya talaga ako titigilan?! Just who the hell is this X?!

Kinuha ko na ang libro ko at dumiretso sa dorm. I want to read and rest na din eh.

Galit na naglalakad ako kaya di ko napansin na may makakabangga ako.

My Gangster DetectiveWhere stories live. Discover now