chapter 53:where are you?

1.6K 37 0
                                    

Chris' pov

8 pm na at wala pa rin si Avie. Nasaan na kaya ang babaeng yun? Sinabihan na  din namin ang teachers na may isang estudyante ang nawawala.

Nagpatulong naman silang maghanap sa mga rescue team dito. Kakatapos nga lang nilang magahanap pero wala daw silang nakita.

Bukas na lang daw nila ipagpapatuloy ang paghahanap kay Avie. Kami naman na mga kaibigan ni Avie ay hindi mapakale.

"Kain muna kayo ng dinner. Mahahanap din natin si Aviela" sabi samin ng adviser namin. Tumango naman kami at saka sumunod sakanya para kumain ng hapunan.

*****
Tapos na kaming kumain. Actually, kaunti lang ang nakain namin dahil sa sobrang pag-aalala kay Avie.

Nakakain na kaya siya? Is she alright? Halos isang oras na kaming nakaupo dito sa  cafeteria pero hindi kami kumakain. Nag-iisip lang kami nila Luis at nila Jenny. Si Iveron ay nagpaalam na dahil inaantok na daw siya.

*Bang* *Bang*

Shit! Another gunshots! Sa woods na naman nanggagaling!

Napatayo at saka lumabas kami sa cafeteria ng marinig iyon.

God! Sana hindi si Avie yon!

Avie! Please be safe! Asan na kaya si Avie? Delikado pa naman ang lugar na ito.



*****
Avie's pov

Ouch! My head hurts! Nagising ako dahil sa narinig kong gunshots.

Wait... bakit ang dilim? At saka bakit nakatali ang mga kamay ko sa likod? Pati ang bibig ko ay may takip.

I can also feel the side of my face sticky.

What happened?!

Arghhh! I remember!

Flashback

Naglalakad na ako papasok sa kwebang madilim. I opened my phone and use it as a light. I followed the blood trails and I stopped walking when I saw a girl na nakahiga sa malamig na sahig. Her arms were also covered with blood.

Nilapitan ko naman agad siya at saka tinulungang umupo.

"G-get out of here. H-he's gonna k-kill you too. Save y-yourself" sabi nya.

"Sorry but I won't leave you here alone. And sino ang papatay sayo?what happened?" alalang tanong ko sakanya.

"M-my officemate. D-dalawa kami dito pero nakatakbo ang kasama ko kaya hinabol siya ni Jake."

Magsasalita pa sana ako ng biglang may dumating.

"Who are you?! Ohh.. another beautiful lady!" sabi nito at saka ngumisi ng nakakaloko.

Tumayo ako at saka tiningnan siya ng masama. Naglalakad na siya papalapit saakin.

"Let her go!" madiin na sabi ko.

Tumawa naman siya. "Hahahah! Who do you think you are my dear?" he asked and touched my cheek. He even bit his lower lips. Psh.. pervert!

Tinabig ko naman ang kamay niya at saka pinagsisipa. Napaupo siya at ako naman ay agad na tumakbo palabas ng kweba. Patay! Naiwan ko yung phone ko!

"You'll pay for this bitch!" narinig kong sigaw niya at saka ramdam kong hinahabol niya ako.

Tatawag na muna ako ng tulong tapos babalikan kita miss!

My Gangster DetectiveWhere stories live. Discover now